ISANG tili ang kumawala sa bibig ni Nhikira ng bigla siyang madulas sa loob ng banyo ni Bradley. Mariin siyang napadaing nang tumama ang maumbok niyang pang-upo sa sahig. Laking pasalamat nga niya at hindi tumama ang kanyang ulo. Sa sobrang sakit, 'di siya 'agad nakagalaw. Hanggang sa umalpas ang mahinang hikbi sa kanyang bibig. Doon niya napagtatanto kung gaano kahirap ang pinaggagawa niya nang dahil sa binata. Mahigit isang taon na siya rito, wala pa rin siyang napapala! Lalo na't alam niyang lalo siyang walang pag-asa at ikakasal na ang binata. Balita nga niya, sa susunod nang taon ang kasal ng dalawa. At hindi niya maitatangging madalas siyang napapaiyak sa gabi. Dahil alam niyang uuwi siyang bigo at luhaan. Ngunit sa kabila na ikakasal na ito, hindi pa rin niya magawang umal

