DALAWANG araw nang tuluyang maglaho ang sakit ng pang-upo ko. Hindi ko na rin ipinagtapat kay Manang Glenda kung anong nangyari sa loob ng kuwarto ni Bradley. Wala rin kasing balak sabihin ng binata na tinulungan siya nitong makatayo sa loob ng banyo no'ng araw na iyon. Kagat-labi siyang nakatayo sa harapan ng pinto ni Bradley. Kinabahan siya kung anong ugali na naman ang makikita niya sa binata. Dalawang araw din niya itong 'di nasilayan. Mahihinang katok ang ginawa niya. Nagulat pa siya ng kaagad iyong bumukas. "Good --" "Good morning," wika nito sa kanya. Para siyang tanga na napakurap-kurap at unang pagkakataon nitong bumati? Hindi pa nga siya nakakahuma ng hawakan nito ang palapulsuhan niya at hinila papasok nang kuwarto nito. Ito pa mismo ang nagsara ng pinto. "Kumusta a

