LUMIPAS pa ang mga araw at linggo. Tuluyang naglaho ang pagkailang ko sa binata at madalas na itong nakikipagngitian sa kanya. Dumating pa nga sa puntong kinikiliti siya nito at madalas din siya nitong niyayakap! Ang nakakapanindig balahibo, ang mga halik nito na umaabot na hanggang leeg niya! Tipong may pagkakaunawaan ang katawang lupa nila ngunit walang sinomang gustong magtanong? Hindi nga rin niya magawang magtanong at may takot siyang nararamdaman? Ngunit napapatanong din naman siya sa sarili kung hanggang saan niya hahayaan ang ginagawa nito sa kanya? Paano kung dumating sa puntong sariling katawan na niya ang gustong hilingin nito? Hindi siya maaaring bumigay nang tuluyan lalo na't wala naman silang relasyon at mas lalong nakatakda na itong ikasal! Pero sadyang matigas

