PAKIRAMDAM ko punong-puno ang puso ko habang pinapakinggan ito. Hindi ko rin maiwasang mamasa ang mga mata ko at 'di ako makapaniwalang magagawa pala talaga ako nitong mahalin kahit mataba ako noon. O kahit isang kasambahay lamang ako. Akala ko, totoong pinaglaruan lang ako nito. Ngunit ngayong narinig ko ang lahat mula sa bibig nito, naglaho ang sama ng loob ko sa kanya. Para bang hinawi nito ang lahat ng sakit na naranasan ko noon. At ngayon, muli akong magtitiwala sa kanya. Iyon ay dahil mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. At ramdam ko naman at kitang-kita sa mga mata nitong nagsasabi ito ng totoo. Lalo na sa pagkakataong ito, 'di ito lasing at alam kong 'di ito ang tipong mag-aaksaya ng panahon para lang makipagbulahan sa akin. Hinalikan nito ang magkabilaang kamay ko haba

