NANGINGINIG na napakagat-labi si Nhikira habang nakatitig sa sariling cellphone. Isang Linggo na ang nakalilipas, simula nang umalis ang kanyang nobyo at bumalik sa United States. Hindi siya nito kaagad-agad naisama dahil isang emergency ang tumawag mula dito. Ngunit ilang araw na ang nakalilipas, wala pa rin itong paramdam sa kanya. Ilang araw na rin niya itong tinatawagan ngunit hindi nito iyon sinasagot. Hindi rin ito sumasagot sa kanyang mga text messages. Hanggang sa nanginig ang kanyang mga kamay nang tuluyang hindi na niya ito makontak. Kusang kumawala ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Mahina siyang napahikbi habang tumutulo ang luha sa kanyang mga kamay habang hawak-hawak pa rin ang sariling cellphone. Hanggang sa lumakas ang pag-iyak niya. Ang isiping isang kasinun

