KABANATA 50

1612 Words

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nhikira. Matapos ang ilang taon, muli siyang nakauwi dito sa Pilipinas. Ang nakakalungkot nga lang na katotohanan, may dahilan lamang siya kung bakit niya naisipang umuwi rito sa Pilipinas. Maaaring gusto niya ring maka-bonding ang mga mahal niya sa buhay, ngunit hinding-hindi siya magiging masaya dahil alam niyang may nagawa siyang malaking kasalanan sa mga ito. Na magiging kahihiyan ng kanilang angkan! Iniisip pa lang niya ang mga bagay na iyon, gusto na lang niyang bumalik ulit sa Singapore at ilihim na lamang ang batang nasa sinapupunan niya. Ngunit alam niyang hinding-hindi niya rin maitatago ng matagal ang dinadala niya sa kanyang tiyan. Lalo na't hindi niya rin maaatim na manatili sa S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD