LIHIM akong nagpakawala ng buntong hininga ng matanaw ang babaeng si Adele. Ako na naman ang nautusang magdala ng juice nito. Nasa gilid ito ng swimming pool. "Magandang umaga ho, Ma'am Adele." Bigla itong napalingon sa gawi ko. Iniabot ko ang juice nito sa kanya. Nang dahan-dahan itong tumayo. Nanatili namang nasa kamay ko ang juice nito at mukha yatang walang balak abutin? Talagang pinagkrus pa nito ang mga braso sa tapat ng dibdib nito? Mukhang ipinagmamalaki din nito sa akin ang alindog nito? "Balita ko aalis ka na raw? Bakit hindi ka pa umalis?" Gulat akong napaangat ng tingin. Hindi ko rin napigilang mapalunok. "Ang sabi ho kasi ni Manang Glenda, hintayin kong makahanap sila ng kapalit --" "Ako nang bahala roon. Hindi mo kailangang manatili pa rito ng matagal. Naririndi

