KINAKABAHAN na umakyat si Manang Glenda kung nasaan ang kuwarto ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit nababahala siya ng labis ngayong biglaang umalis si Nikki. Kaninang umaga, pagkagising niya, wala ang dalaga sa hinihigaan nito. Agad siyang nakaramdam ng kaba kaya't dali-dali niyang tinungo ang kabinet kung saan nakalagay ang mga gamit nito. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang wala na ang mga gamit nito. Isang sulat lang ang iniwan nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Manang Glenda, bago kumatok sa kuwarto nang binata. "Hijo.." "Manang.." kunot ang noo nito. Halatang naistorbo ang pagtulog nito. Masyado pa kasing maaga ng mga oras na iyon. Ngunit hindi na siya makapaghintay na ipaalam sa binata na umalis ang dalaga ng hindi nagp

