BALISANG nagpalakad-lakad si Nhikira sa loob ng kanyang kuwarto. Halos hindi pa rin siya kumakalma sa tindi ng kabiglaan. Hindi niya lubos akalaing makikita niya ang binata rito sa Singapore. Hindi niya rin inaasahang magtatagpo pa rin ang kanilang landas! Sa loob ng dalawang taon, bakit pinagtagpo pa sila? Nanghihinang napaupo si Nhikira. Kung matindi ang pagkagulat niya ng makita niya ang mukha nito sa club, mas napansin niya ang matinding pagkatigagal nito. Daig pa nitong nakakita ng multo habang pinagmamasdan siya. Siguro, hindi rin nito akalaing magkukrus pa rin ang kanilang landas. Para namang sasabog ang dibdib ko nang mga oras na nagtagpo ang aming mga mata. Wala pa ring pinagbago, taglay pa rin nito ang kaguwapuhan at kakisigan. At hindi niya maitatangging hindi niya na

