SAMANTALANG naririndi si Bradley sa ingay ng mga kababaihan. Kung hindi lang kaarawan ngayon ng kanyang matalik na kaibigan, hinding-hindi siya pupunta sa club na ito. Pumunta lang siya rito sa Singapore para sa isang business meeting. Ngunit balak din niyang bumalik kaagad sa United States. "Hey, bro. Wala ka bang balak tumingin-tingin sa paligid mo? Baka may matipuhan ka?" nakakalukong wika ni Darwin. Gumalaw ang panga ko sabay tungga nang alak. "Oo nga, bro. Mukhang matagal ka nang 'di nadidiligan ah?" anas naman ni Marco na may kasamang mahinang tawa. "Mukha nga! Hindi na yata tumatayo ang alaga niyan!" natatawang segunda naman ni Bernard. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. 'Di ko rin alam kung bakit nawalan akong ganang gumamit ng babae, dalawang taon na rin

