NAPAKAGAT-LABI si Nhikira nang makita kung gaano kaingay sa loob ng bar. Bigla rin siyang napakapit sa braso ni Lovie. Hindi niya maitatangging nakakaramdam siya ng takot sa isiping maraming kalalakihan sa lugar na iyon. Paroo't parito. Labis din ang pagka-ilang niya at pakiramdam niya sa kanila nakatingin ang ilang kalalakihan. Halos mabingi rin siya sa lakas ng tugtog! Ni 'di na nga niya maintindihan ang sinasabi ng mga kaibigan. "Umuwi na lang kaya tayo!" malakas ngunit pabulong kong wika kay Lovie. Hindi makapaniwalang tinitigan ako nito. Bahagya naman akong napangiwi. "Relax ka lang. Mag-e-enjoy ka rin mamaya!" sabay nginitian ako nito at hinila ang kamay ko. Pinili namin ang bahagyang dulo. Medyo may kadiliman nga rin. Ngunit mas gusto ko iyon at 'di agaw pansin ng mga

