Grace's POV
Pagkagising ko, nakita ko kaagad ang napakapamilyar na silid. Tumingin ako sa buong paligid. Walang ipinagbago hanggang ngayon.
Bumangon na ako saka pinihit yung pintuan saka ko nakita si daewon na nakaupo lang sa may bandang sala. Tumingin ito sakin ng sobrang pagkaseryoso, lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.
"M-may tanong sana ako." Panimula ko.
"What it is?" Tanong nito.
"Hmm. P-paano naging a-asawa mo ako?" Nauutal na tanong ko.
Tumingin ito ng walang emosyon dahilan para mapayuko ako. "So, you don't remember? Hindi mo ba natatandaan yung pinirmahan mo 3 years ago?" Sarcastic na tanong nito.
Tila parang nagflash back sa utak ko yung pinirmahan ko noon na hindi ko man lang binasa. "W-Wag mong sabihin na yung pinirmahan ko ay M-Mariage Contract?" Kinakabahan na tanong ko.
"Anong sa tingin mo papakawalan na lang kita ng ganon na lang? Always remember I'm your first." Seryosong sabi nito.
Umiling ako. "Nagbibiro ka lang diba?"
"Hindi." Tipid na sabi nito. Pakiramdam ko sumakit yung ulo ko dahil sa sinabi niya.
"From now on, you will stay here whatever you like it or not." Sabi nito.
"May bahay akong uuwian." Sabi ko.
"Sa tingin mo papayag ako na tumira ka sa bahay ng mga kaibigan mo? Lalake pa. Mahiya ka naman may asawa ka na. Iniwan mo pa noon." May diin na sabi nito.
"Baliw ka na ba? Ni hindi ko nga alam na may asawa ako." Dahilan na sabi ko.
"Edi saka kung hindi ka nagmadali noon edi nalaman mo sana." Sabi nito. Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ee sa emergency nga yung nangyari noon." Sabi ko. Para kaming ewan dito. Para kaming bata kung mag-away.
"Saka bakit ba natin inuungkat yung noon? Tapos na yon." Dagdag ko pa.
Narinig ko naman siyang nag'tsk'. "Kunain ka na ba?" Tanong nito. Umiling lang ako.
"Magluto ka, kakain na tayo." Sabi nito. Dahilan para matigilan ako.
Tumahimik ako dahil hindi ko naman alam yung sasabihin ko. "Huwag mong sabihin na hindi ka marunong magluto."
Tumango ako. "Hmmm. Oo." Nahihiyang sabi ko.
Tumawa ito. "Seriously? Kababae mong tao hindi ka marunong magluto? Sabagay naspoiled ka."
Nakakainsulto naman yung sinabi niya. Kainis! "Kasalanan ko ba yun? Kung ayaw nila akong turuan magluto?" Masungit na sabi ko sakanya.
Hinila niya ako papalapit sakanya dahilan para maduling ako. "Ano nga bang gagawin ko sayo?" Sabi nito habang nakatingin siya sakin, hinahaplos niya pa yung likod ko dahilan para lumayo ako sakanya. Iba kasi yun ee.
Tumayo ito at hinila ako sa kusina at pinaupo sa kitchen counter. "Panoorin mo ako para sa susunod magluluto ka na para may matutunan ka." Sabi nito.
Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba talaga siya o sadyang ganyan siya kabait. Nababaitan ako sakanya kahit na galit siya kanina nung nakita niya ako.