Nagising ako ng wala siya sa tabi ko. Nasanay na ako na katabi ko siya. 3 weeks na din simula ng tumira ako dito kasama siya. 3 weeks ko na din siyang kasama na natutulog palagi ba naman ulitin sayo na kesho asawa ko siya ganon. Kaya no choice. 3 weeks na din pero hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha yung mga gamit ko. Halos suot ko yung mga damit niya.
Ayaw niya akong paalisin baka daw tumakas ako ganon. Hindi naman ako tatakas, babalik pa nga ako sakanya ee.
Bumangon na ako bago ako lumabas ng kwarto naghilamos muna ako at nagsipilyo. Pagkalabas ko nakita ko siya na nasa kusina nakaupo at nagkakape.
Hindi niya pa ako napapansin kaya lumapit ako at umupo sa harapan niya. "Hmm. Good Morning." Bati ko sakanya dahilan para mapatingin siya sakin.
"Morning." Tipid na sabi nito. Ang dry naman niya. "Papasok ka na nyan?" Tanong ko.
"Oo. Dito ka na lang huwag ka nang magtrabaho tutal asawa na kita."
Huminga muna ako ng malalim dahil wala naman akong magagawa. "Okay. Gusto ko sanang umuwi na muna." Sabi ko.
Biglang sumama yung timpla ng mukha niya. Pakiramdam ko tuloy gusto kong bawiin yung sinabi ko. "Para saan pa? Para pag umuwi ka hindi ka na babalik ganon?"
Umiling ako. "Hindi sa ganon. Gusto ko lang naman kunin yung mga gamit ko. Iyon lang." Paliwanag ko.
Tumayo ito. "Dito ka na lang ako nang kukuha sa mga gamit mo. Nasaan ka ba nakatira ngayon?" Sabi nito.
"Dan Subdivision. Alam mo naman siguro yung bahay ng daddy ko yung tabing bahay non yung kulay grey na bahay." Paliwanag ko.
Nandon naman siguro sina Finn. "Osige. Aalis na ako." Sabi nito.
"Ingat ka." Sabi ko. Tumango lang ito at nakatingin lang ako sakanya papalabas ng condo unit niya.
Pumunta ako sa living room Humiga ako sa may sofa habang nakatingin sa kisame. Ilan minuto akong nakatingin sa kisame hanggang sa may nagdoorbell.
Tumayo ako at pumunta sa harapan ng pintuan. Pagpihit ko sa pintuan. "Ang aga mo yatang um---" Akala ko si Damien yung nagdoorbell.
"Sino po sila?" Tanong ko.
"Nandito ba si damien?" Tanong ng ginang may kasama itong babae at lalake na mukhang matanda lang sila ng isang taon sakin.
"Pasok po muna kayo." Anyaya ko saka niluwagan yung pagkakabukas ng pintuan. Pumasok naman sila at umupo sila.
"Ahmm. Nagtrabaho po siya saka kinuha niya po yung gamit ko. Kaano-ano po niya kayo?"
"Mama niya ako. Abigail ang pangalan ko, saka ito pa yung dalawang kapatid niya. Damien at Dahlia." Pagpapakilala niya sa dalawa. Tahimik lang yung dalawa.
"Kinagagalak ko po kayong makilala. May gusto po ba kayong maiinom?"
Umiling ito. "Huwag na hija. Salamat." Nakangiting sabi nito.
Umupo ako sa harapan nila. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan yung mama ni Daewon. Namimiss ko tuloy si mommy. Dalawang araw na lang death anniversary na niya. "Are you okay hija? Umiiyak ka." Sabi nito.
Napahawak ako sa pisngi ko. Ngumiti lang ako ng tipid saka pinunasan yung luha ko. "Okay lang po ako ma'am. Namimiss ko lang po yung mommy ko." Pagdadahilan ko.
"You can call me Tita. Nasaan ba siya?" Tanong nito.
"Hmmm. Wala na po siya. She passed away 6 years ago. Car Accident po." Sagot ko.
"I'm sorry hija." Paumanhin nito. Tumayo pa ito at niyakap ako dahilan para lalo akong maiyak.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan at pumasok si Daewon na dala-dala yung maleta ko.
Pinunasan ko muna yung luha ko bago tumayo. Lumapit ito habang nakatingin sakin ng walang emosyon. Bigla tuloy akong kinabahan. "We need to talk later. WIFE." Diin na sabi nito sa panghuli at ibinigay niya sakin yung maleta ko.
"Asawa mo pala siya daewon. Then you didn't tell us?" Sabi ni Tita Abigail.
"Nakakatampo ka kuya." Sabi ni dahlia.
"I'm sorry mom. I'm sorry princess." Paumanhin nito. Hindi man lang nagsasalita yung isa. Mukhang gawi nila na hindi magsalita minsan.
"Alam ba to nang daddy mo?" Tanong ni tita abigail.
Tumango ito. "Kainis naman kayo. Isa pa yang daddy niyo. Layasan ko yata ee." Panghihimutok nito. Napangiti ako. Namimiss ko talaga si mommy.
"Ilalagay ko lang tong gamit ko sa kwarto saka magbibihis na din ako." Sabi ko kay daewon. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumalikod na ako papasok sa kwarto namin.
Nagpalit ako ng damit na grey at jumper denim shorts pinatner ko sa white converse. Balak ko sanang dalawin si mommy. Namimiss ko na siya. Payagan sana ako ni daewon.
Pagkalabas ko nakita ko sila na nag-uusap dahilan para maagaw ko yung atensyon nila. Ngumiti lang ako pero sa tingin ni daewon pakiramdam ko hindi ko gusto dahil nakatingin lang siya ng seryoso habang tinitignan ako.
"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong nito. Lumapit ako sakanya pero hindi ako umupo.
"May pupuntahan lang ako saka hindi na mahalaga yun." Sabi ko. Yumuko ako saka siya hinalikan sa labi. Sinanay niya kasi ako na palaging hinahalikan at sa tatlong linggo may nangyari na din naman samin.
Tumayo ako ng deretso saka tumingin sakanila. "Alis na po muna ako tita." Pagpapaalam ko.
"You can call me mama from now. Okay? Take care." Nakangiting sabi nito.
Ngumiti ako saka tumingin kay daewon na nakatingin pa din sakin ng seryoso. "Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong pa din ni daewon kahit hindi pa ako umaalis. Mukhang hindi niya man lang ako pinakinggan kanina.
“Basta." Tipid na sabi ko bago lumabas.
Pagkalabas ko ng building bumili muna ako ng bulaklak dahil malapit lang sa condomium building saka pumara kaagad ako ng taxi. "Saan po tayo ma'am?"
"RH Cementery po." Sabi ko
Ilan minuto lang nakarating kami ng RH Cementery. Nagbayad na ako. Habang naglalakad ako biglang umulan ng malakas. Mukhang ganito talaga yata tuwing namimiss ko si mommy palaging umuulan.