CHAPTER 13

893 Words
Daewon's POV Saan nga ba nagpunta si grace? Ilan oras na siyang hindi bumabalik. Baka ayaw na niyang umuwi. Napaprannning na yata ako magmula ng iwan niya ako. Wala naman masama siguro kung titignan ko yung GPS niya kung nakabuksan. Kinuha ko yung phone ko saka tinignan yung GPS niya pero hindi nakabuksan at bubuksan ko na sana yung pintuan ng makita ko si grace sa harapan ko basa siya at namamaga yung mga mata niya. Anong nangyari sakanya. Nilapitan ko kaagad siya at kinuha ko yung coat ko na nasa couch. Saka ibinigay sakanya. "Suotin mo, saka ka magbihis mag-uusap pa tayo." Sabi ko. Tumango ito. "Salamat." Sabi nito saka siya pumasok sa kwarto. Tutal wala na din naman sina Mommy umuwi na sila. Grace's POV *FLASHBACK* Naglakad ako papunta sa puntod ni mommy, pagkarating ko umupo ako sa harapan ng puntod niya saka inilapag yung bulaklak na ibinili ko para sakanya. Wala pa man akong sinasabi naiiyak na ako, lalo na tuwing naalala ko yung aksidente na dapat ako yung nasa kalagayan niya. "Mmy, pang ilan beses na po ba akong humingi ng tawad sayo." Panimula ko. Hindi ko pinapansin yung ulan kahit na basang-basa na ako. "Sorry mmy, hindi ko naman po sinasadya talaga na maaksidente tayo, kung sana po hindi ko na kayo kinulit at inaway nung nagdadrive ka edi sana po buhay ka pa ngayon. Sana ako na lang po yung nandyan sa kalagayan niyo at hindi po ikaw mmy. Sana ako na lang po yung namatay hindi po kayo." Umiiyak na sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko na parang hindi ako nababasa dahilan para matigilan ako. Napaangat ako ng makita ko si dad na pinapayungan ako. "Dad. ." Gulat na tawag ko. "Ilan beses ko bang sinabi sayo na wala ka naman kasalanan sa pagkamatay sa mommy mo, baka kinuha na siya ng Diyos dahil hindi na niya kaya yung hirap. Pinagdrive ka niya para lang maihatid ka kahit bawal siyang magdrive pero pinagmaneho ka niya para lang makapasok ka sa trabaho mo. Ganon ka niya kamahal anak. Patawarin mo na yung sarili mo at kalimutan mo na yung nangyari." Sabi nito Napaiyak ako lalo sa narinig ko dahil sa sinabi ni dad. Tumayo ako at niyakap siya. Ilan minuto akong umiiyak sa balikat niya habang yakap-yakap ko siya. "Paano niyo nalaman na nandito ako dad?" Pagkakalas ko sa pagkakayakap sakanya Ngumiti ito habang hinahaplos yung basang buhok ko. "Kilala kita anak, pag bago mag death anniversary ng mommy mo pumupunta ka dito para dalawin siya. Humihingin ka nang tawad sakanya kahit wala ka naman kasalanan sa nangyari." Sabi nito Natahimik ako, mukhang kilala talaga ako ni dad. "Hindi ka makaimik. Tara na ihahatid na kita." Naalala ko tuloy na hindi na ako nakatira sa bahay kung nasaan sina Finn. "Pero dad, hindi na ako nakatira sa bahay nila finn." Paliwanag ko. "Saan ka na ba nakatira ngayon?" Tanong nito. "Basta dad, umuwi na po kayo. Mag-isa na lang akong uuwi." Paliwanag ko. "Osige, mag-iingat ka." Sabi nito saka niya ako iniwan tutal hindi na din naman umuulan. Naglakad na ako papalabas ng cementery at sumakay ng taxi. Pagkarating ko nang building ng condominium pagkasok ko dumeretso kaagad ako sa elevator. Pagkarating ko sa mismong floor pumasok na kaagad ako sa panlimang pintuan. Pagkapasok ko nakita ko si Daewon na nakatayo at hawak pa yung cellphone niya. Tumingin ito sa gawi ko at nilapitan niya kaagad ako saka ibinigay sakin yung coat niya. "Suotin mo, saka ka magbihis mag-uusap pa tayo." Sabi nito. Tinanggap ko naman saka sinuot ko naman kaagad dahil nilalamig na din naman ako. "Salamat." Sabi ko saka siya pumasok sa kwarto. * END OF FLASHBACK * Nagbihis kaad ako. Pagkalabas ko nakita niya kaagad niya akong nilapitan nabigla pa ako ng hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung anong ginawa ko kung bakit niya ako biglang inano sa braso. "Sabihin mo totoo bang may anak ka?!" "Pwede ba. Bitiwan mo ako nasasaktan ako." Sabi ko pero mukhang wala itong narinig at lalo pang hinigpitan yung pagkakahawak niya. "Sabi nung bata mama ka niya at ang ama yung kaibigan mo." Giit na sabi nito Umiling ako. "Hindi ko siya anak okay? Saka 4 years old na yun saka hindi mo ba maalala na ikaw yung nakauna sakin? Paano ako magkakaanak na siya yung ama. Nababaliw ka na ba?" Sabi ko. Biglang lumuwang yung pagkakahawak niya sakin at napatinin pa sa braso ko na sobrang pula na dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. "Sorry. Hindi. Hindi ko alam. Sorry." Sabi nito at hinahaplos pa yung braso ko. Ngumiti lang ako ng tipid at niyakap siya. Nakikita ko sa mata niya na nagsisisis siya sa ginawa niyang pagsaktan sakin. "Wala yun, sa susunod magtanung ka muna bago ka magalit okay?" Sabi ko habang hinahaplos yung likod niya. Tumango ito. "Oo. Sorry ulit sa nagawa ko." Sabi nito. Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya. Siya naman tinitigan ako. "Kalimutan mo na yun." Sabi ko. Hindi ito umimik pero nakatingin lang siya sakin. "Mas maganda ka pag wala kang suot na salamin." Bulong na sabi nito pero narinig ko. "Bolero." Natatawang sabi ko saka siya iniwan at nagpunta ako ng kusina pero narinig ko pa siyang nagsalita. "Totoo kayang maganda ka." Sabi nito. Natawa lang ako saka napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD