CHAPTER 14

984 Words
Grace's POV Ilan araw na akong ganito. Umuubo saka sinisipon. Naramdam ko na lang na may humahaplos sa likod ko. Halos napupuyat na ako dahil sa ganito. Tumingin ako sakanya at ngumiti ng tipid. "Matulog ka na daewon. May trabaho ka pa bukas." Sabi ko. Umiling ito at umupo siya sa kama dahil nagising ko siya. "It's okay. Gusto mo ba ng lemon with honey?" Tanong nito. Tumango ako. "Pwede ba?" Pakiusap ko. Ngumiti ito saka siya bumangon. "Wait me here sweetie." Sabi into bago lumabas. Ilan minuto lang bumalik siya na may dalang lemon, honey at tubig. Inilagay nito sa harapan ko dahilan para mapangiti ako pero nagtaka ako nang bigla niyang tinanggal yung salamin na suot ko. "Bakit mo tinaggal?" Nagtataka na tanong ko sakanya pero ngumiti lang siya. "Ako na magsusubo sayo." Sabi nito pero ang nakikita ko malabo. "Hindi kita makita." Sabi ko sakanya. "Ako bahala sayo okay? Open your mouth." Sinundan ko yung gusto niya hanggang sa malasahan ko yung lemon na may kasamang honey para hindi ko malasahan yung maasim. Konti pa. "Isang beses na lang to aa?" Sabi ko. "Hindi. Madami pa to." Umiling ako. "Hindi. Ayoko na. Isang beses na lang." Sabi ko Binuka ko ulit yung bibig ko ng bigla akong napangiwi dahil sa sobrang asim. "Ayoko na." Pagsuko ko. Kinapa ko siya yung mukha niya. Nakikita ko talaga malabo pero alam ko na papalapit yung mukha niya, maglalapat na sana yung labi niya ng bigla akong umiwas dahilan para maglandas ito sa pisngi ko. "Why sweetie?" Nagtataka na tanong nito. "Huwag mo akong halikan baka mahawaan kita. Tignan mo naman yung itsura ko ang tamlay tamlay ko. Saka pakiramdam ko bumibigat yung katawan ko." Kinuha nito ang kamay ko saka may inilahad. "Inumin mo yan para maging okay ka na. Oorasan na lang natin yan." Sabi nito kaya tinanggap ko saka na ako uminom ng tubig matapos kong ininom yung gamot. "Salamat." Sabi ko saka ko nilapit yung ulo niya sakin para mahalikan ko siya sa noo saka sa pisngi. - KINABUKASAN nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto, kaya bumangon ako saka binuksan yung pinto nakita ko si daewon na may kaharap na babae at kasama nito si damien. "Ano nanaman tong ginawa mo? Bakit mo pinalayas si princess sa bahay?" Tanong ni damien sa kuya niya. "Dahil kasalanan na din naman niya kaya ko siya pinalayas!" Galit na sabi ni daewon. "Daewon kapatid mo pa din siya, alam mo ba na halos mahirapan na siya kahit nasa bahay ko siya." Sabi nung babae. "So pinatuloy mo siya sa bahay mo brianna?" "Oo. Pinakiusapan ako ni tita dahil alam naman niya na best friend mo ako at pinagkakatiwala niya sakin yung kapatid mo." Sabi nito. Mukha pa siyang model dahil maganda yung pangangatawan niya. "Bakit hindi niyo siya hayaan at para magtanda siya sa ginawa niya!" Galit pa din na sabi ni daewon. "Daewon!" Inis na tawag ko sakanya, dahilan para mapatingin sila sakin. Bakit niya ginawa yun? Pinalayas niya yung kapatid niya ng basta basta na lang lalo na at babae pa siya para palayasin ng ganon. "S-sweetie. Kanina ka pa ba dyan?" Kinakabahan na tanong nito. "Oo. Napakinggan ko lahat, mag-uusap tayo pagkatapos niyo. Ayusin mo yang ginawa mong gulo." Diin na sabi ko sakanya saka pumasok ulit sa kwarto. Daewon's POV Napabugtong hinanga na lang ako dahil mukhang galit pa yung asawa ko. "Ngayon pati asawa mo nalaman na din tong kagagawan mo." Sabi ni brianna. "Halos pagkauwi niya noong isang araw umiiyak siya, dahil tinapon mo yung luto niya para lang manghingi ng sorry pero ginanon mo pa. Humingi pa nga siya tulong sa mama ko nung pumunta kami ng laguna para lang dito." Kwento pa ni brianna. "Ee kung hindi niya ako sinuway edi hindi ko siya pinalayas." Seryosong sabi ko. "Pero pinaghirapan ni princess yun!" Galit na sabi ni damien na halos gusto na niya akong suntukin. "Umalis na kayo, dahil wala na din naman kayong mapapala sakin." Sabi ko saka sila iniwan at pumasok na ako sa kwarto kung nasaan si grace. Pagkapasok ko nakita ko si grace na nakaupo paharap sa gawi ko. Makikita mo pa din na matamlay yung itsura niya dahil masama pa din yung pakiramdam niya. "Bakit mo ginawa yun sa kapatid mo?" Panimula nito pero may halong inis. "Bagay lang sakanya yun, kung hindi niya ako sinuway hindi ko gagawin yun." Giit ko. "Pero kapatid mo pa din siya at lalo na babaeng bunso niyo pa siya. Kainis ka!" "Wala akong magagawa, sinuway niya ako. Kahit ano pang gawin niya galit pa din ako sakanya." Sabi ko. Bigla itong sumeryoso. "Ganyan ka ba talaga aa? Parang wala kang pakialam sa kapatid mo!" Tumayo ito saka siya pumunta ng closet kahit nakabukas ito bigla na lang niyang hinubad yung damit niya kahit nandito ako nagbihis siya. Hindi niya ba alam kung gaano kalaking ipekto sakin yung ginawa niya? Sinunod na hinubad niya yung panjama niya saka ito nagpalit ng short-short na brown at inayos niya yung pagkakasuot ng salamin niya. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko. "Pupuntahan ko yung kapatid mo. Kakausapin ko siya." Sabi nito. Lumabas ito ng kwarto pero nakasunod pa din ako sakanya. "Nag-uusap pa tayo. Tatalikuran mo ako ng ganon?!" Inis na tanog ko. "Ano naman? Si dalhia ang pinag-uusapan dito." Seryosong sabi nito. Hindi na ako magtataka kung magagalit ito dahil close na sila. Palabas na sana siya ng bigla ko siyang hinila dahilan para mabunggo siya sa dibdib ko. "Nag-uusap pa tayo." Diin na bawat pagsasalita ko. "Ano ba!" Nagpumiglas ito at nakapagtaggumpay ito. Bago ito lumabas tinitigan ko siya ng seryoso. "Malalagot ka sakin kauwi mo dito." Seryosong sabi ko. Huminga ako ng malalim at nakatingin lang ako sakanya na papalayo na sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay grace, lalo na at galit ako sa kapatid ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD