Grace's POV
Naiinis talaga ako kay daewon dahil sa ginawa niya, ayan tuloy umalis ako ng hindi nag-aalmusal man lang.
Papasok na sana ako sa DGC Café ng may nakabanggaan ako. "Sorry Miss." Paumanhin ko.
Nakita ko yung dress niya na natapunan ng kape. "Sorry talaga miss."
"Oh, the campus nerd is here." Nakangising sabi nung babae dahilan para mapatingin ako sakanya.
"K-kim." Gulat na sabi ko.
Lumapit ito sakin dahilan para umatras ako. "Alam mo ba kung gaano kamahal tong suot ko?" May inis na tanong nito.
Umiling ako. "Hindi ko sinasadya k-kim."
Lumawak yung ngisi nito dahilan para kabahan ako. "Para patas tayo gagawin ko din sayo yung ginawa mo sakin ngayon."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang itapon sakin yung kape na hawak niya sumakto naman na nabuhos sa braso ko, dahilan para mapangiwi ako.
Mukhang hindi pa ito nakuntento dahil pumasok ito sa loob ng café at bumili pa nang isa. Saka itinapon sa legs ko. Lalo akong napangiwi dahil sa ginawa niya.
Nagulat pa ako ng bigla niyang hinila yung salamin ko at inapakan ito para lalong nangilid yung luha ko.
Lumapit ito at may ibinulong sakin dahilan para lalo akong maiyak. "Ngayon patas na tayo. Loser!" Sabi nito bago tuluyan umalis.
Kinuha ko yung basag na salamin ko sa sahig. Sobrang basag, ang laki ng damage.
Pinunasan ko yung pisngi ko bago pumasok. Hinayaan ko na lang na ganito ang itsura ko lalo na sobrang labo ng nakikita ko.
May dadaan pa sana ng may nakabanggaan nanaman ako. Mukhang minamalas yata ako ngayon. "Sorry po miss." Sabi ko.
"Hija, what happen to you?" Tanong ng ginang pero pamilyar yung boses niya.
Tinitigan ko nang maigi yung ginang pero Malabo talaga. "M-mama?" Nauutal na tawag ko. Mommy ni daewon
"Ako to hija, anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong nito.
Umiling ako saka ngumiti ng tipid sakanya. "May natamaan po kasi ako kanina, at hindi ko po napansin kaya ganito po yung nangyari." Kwento ko, sorry mama, I lied
"Anong ginagawa mo dito hija? Nasaan si daewon bakit hindi mo kasama?"
"Ahmm. Nag-away po kasi kami kaya hindi ko siya kasama, saka kakain po sana ako." Sabi ko
"Ganon ba, tara sa bahay tayo hija. Saka gagamutin na tin yang mga pantal mo." Sabi nito saka naunang naglakad.
"Ma, nasaan po kayo?" Tanong ko dahil wala talaga akong makita habang parang hinahanap ko ito. Nangangapa ako.
Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at hinila ako papalabas hanggang sa makasakay kami ng kotse.
Napayuko ako. Ganon ba talaga kalabo yung mata ko para wala akong makita? Since elementary nakasalamin na ako.
Ilan minuto lang tumigil yung pag-usad ng sasakyan. "Nandito na tayo hija." Sabi nito. Kinapa ko yung pintuan ng sasakyan saka binuksan.
Hinila ako ni mama Abigail papasok ng bahay, buti at hindi ako natisod. "Damien anak, ikaakyat mo nga si grace sa kwarto ni dahlia. Please pakiaalayan mo anak, sobrang labo ng mata niya dahil na din siguro sa sobrang kapal nung salamin na sinusuot niya. Susunod na lang ako sainyo." Rinig ko na kwento nito.
"Tara grace." Anyaya ni Damien at inalalayan ako paakyat sa second floor.
"Nasaan yung asawa mo grace? Bakit hindi mo kasama? Saka ano palang ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong nito.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Nasa trabaho na panigurado yun saka hindi kami okay nag-away kami. Saka tinatanong mo kung bakit ako nandito sinama ako ni mama papunta dito dahil balak ko sanang puntahan si dahlia para humingi ng dispensa dahil sa ginawa ni daewon sakanya kaso ganito naman yung nangyari sakin." Paliwanag ko . Inalalayan niya ako hanggang last step at may pinasukan kaming kwarto.
"Upo ka muna, saka kailangan ko pang umalis susunduin ko pa yung girlfriend ko. " Sabi nito.
Ngumiti ako. "Okay salamat." Sabi ko bago siya lumabas.
Daewon's POV
Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga paper work ng may biglang tumawag sa phone ko. Pagkatingin ko tumatawag si mommy.
"Hello mom?"
"Hello anak, pumunta ka dito sa bahay. Nandito si grace, dalian mo." Sabi nito bago binaba yung tawag.
Anong ginagawa ni grace sa bahay? Akala ko ba kakausapin niya si dahlia?
Nagmadali akong umalis ng company at dumeretso sa bahay. Mahigit 25 minutes bago ako nakarating sa bahay. Bumaba kaagad ako ng makita ko si mommy na nakatayo sa may sala.
Tumingin ito sakin saka siya lumapit. Seryoso pa itong tumingin sakin. "Nasaan si grace mom?" Tanong ko.
May inabot ito sakin na first aidkit na ikinataka ko. "Anong gagawin ko dito mom?"
"Puntahan mo si grace sa kwarto ni dahlia, nandon siya at gamutin mo. Hindi pa tayo okay kaya wag mo akong masyadong kausapin." Seryosong sabi nito bago ako iniwan.
Napabugtong hininga ako dahil pati si mommy galit. Umakyat na ako saka dumeretso sa kwarto ni dalhia. Nakita ko si grace na nakaupo sa kama at hindi nakaligtas sa paningin ko yung mga pantal niya sa braso pati legs meron.
Sinara ko yung pintuan at nilock. Tahimik akong umupo sa tabi niya at pinaharap siya sakin. Napansin ko din yung salamin niya na basag. "Sweetie." Tawag pansin ko.
"D-daewon?"
"Yeah, anong nangyari sayo? Bakit ganyan yung nangyari sa balat mo?" Seryosong tanong ko.
Nakita ko kung paano sunod-sunod nagpatakan yung mga luha niya. Umiling ito at ngumiti, pero alam ko na hindi totoo yung ngiti niya. "Wala to." Sabi nito.
"Sweetie." Babala na tawag ko sakanya.
Hikbi lang ang narinig ko kaya hinila ko siya at pinaupo sa hita ko pero paharap. Niyakap ko siya, habang siya nakasubsob lang sa leeg ko.
"Sweetie. Ano bang nangyari sayo? Bakit nagkaganyan yung balat mo? Sabihin mo sakin." Hinaplos ko yung likod niya.
"May natamaan lang ako kanina, kaya natapon." Pagdadahilan nito pero alam ko nagsisinungaling ito.
"Sweetie. Don't lie to me." Inis na sabi ko.
"A-ano kasi yung queen bee nung college kami kim yung pangalan, then natamaan ko siya kaya nabuhusan yung dress niya. Sabi nito gaganti siya, t-tapos nabigla ako ng itinapos niya yung kape niya sakin sumakto naman sa braso ko kasunod bumili pa siya ng panibagong coffee at itinapon niya sa legs ko. Kasunod na ginawa niya hinila niya yung salamin ko at inapakan." Umiiyak na kwento nito.
Pinunasan ko yung luha niya saka siya binuhat ko siya papuntang cr. Pinaupo ko siya sa lababo. Lumabas ako para kunin yung first aidkit. Pumasok ulit ako saka lumapit sakanya.
Tahimik ko lang siyang ginamot tapos pumunta ako ng walk in closet ni dalhia sigurado naman may naiwan pa siyang damit dito kahit pinalayas ko siya.
Huhubaran ko na sana si grace ng bigla itong tumangi. "Ako na daewon." Sabi nito akmang kukunin na niya sakin ng bigla kong ilayo sakanya.
"Ako nang magbibihis sayo, huwag ka nang mahihiya sakin dahil ilan beses ko na yan nakita okay?" Sabi ko. Natawa lang ako ng bigla niya akong hinampas. "Ee!" Sabi nito.
Pinataas ko yung dalawang braso niya saka naman siya sumunod at hinila ko yung laylayan ng damit ni grace pataas dahilan para makita ko yung hinaharap niya.
"Daewon! Isa!" Babala nito. Natatawa ako na ipinasuot sakanya yung damit kasunod na hinubad ko yung short nito at pinasuot ng panibagong short.
"Okay na, gusto mo na bang umuwi o dito na lang muna tayo magstay?" Tanong ko.
"Dito na muna tayo. Saka gusto ko munang matulog napagod ako sa kakaiyak." Sabi nito.
"Osige, duon muna tayo sa kwarto ko doon ka matulog." Sabi ko saka siya binuhat papalabas ng kwarto ni dalhia at dumeretso sa kwarto ko.
Maingat ko siyang hiniga sa kama ko saka ko siya kinumutan. Binuksan ko na din yung aircon para lumamig sa kwarto ko. "Matulog ka na."
"Hindi mo naman ako iiwan diba?" Tanong nito.
Umiling ako saka ngumiti sakanya. "Hindi. Nandito lang ako sa tabi mo okay?" Pagkukumbinsi ko.
"I love you daewon." Sabi nito bago pumikit dahilan para matigilan ako.
Nag-iloveyou ba talaga siya sakin? Ilan beses nagsink in sa utak ko yun dahilan para mapangiti ako hanggang sa bumaba yung tingin ko sa braso niya dahilan para mabura yung ngiti sa labi ko.
Napakalaki ng pantal niya sa braso kahit sa legs, paniguradong mahapdi yun. Kilala ko yung kim na sinabi ni grace dahil parehas lang kaming pinasukan na university ni grace nung college, pero hindi ko napapansin na binubully siya noon. Kaya ba may peklat siya sa may kilay dahil sakanila? Grace, dapat lumaban ka noon hindi yung ginaganito ka nila. Pag sakin ang tapang tapang pero pag dating sa ibang tao hindi niya kaya. Napapailing na lang ako.
Napagdesisyonan ko na tumabi kay grace saka ko siya hinila papalapit sakin saka siya niyakap sa bewang bago pumikit.