CHAPTER 7

627 Words
After 3 years. . . Grace's POV "Anak nasaan yung daddy mo saka sina tito jack mo?" Tanong ko kay Rex na naglalaro sa sala. Pagkarating ko kasi nakita ko kaagad siya na naglalaro. "They're all sleep po mommy." Sagot niya saka siya lumapit sakin at yumakap sa bewang ko. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Binuhat ko siya saka naglakad papunta sa kwarto ni Finn panigurado naman nandun yung dalawa. Pagkabukas ko ng pintuan nadatnan ko sila na iba-iba yung pwesto ng pagtulog nila. Bigla tuloy akong naisip at dali-dali kong ibinulong kay Rex dahilan para humagikgik ito saka nagpababa at lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. Habang ako nakahilig lang sa may pintuan at nagpipigil ng tawa. "Daddy! Tito Jack! Tito Tobby! Yung bahay po nasusunog na!" Malakas na sigaw niya saka pa ito nagtatalon sa kama at mabilis na lumapit sa pwesto ko. Ilan segundo lang ay napaupo yung tatlo tila aligaga pa. "Nasaan?" Natataranta na tanong ni Finn. "Saan yung sunog?" Tobby. "Sunog!" Jack. Napatawa kami ng malakas ni Rex dahil sa reaction nila. Jusme kung hindi pa tatakutin hindi sila babangon. Tumingin silang tatlo sa gawi namin at ang sama ng tingin. "Grace!" Babala ng tatlo. "Ano? Wala naman akong ginawa." Painosenteng sabi ko. "Saka bumangon na kayo dyan aalis ako dahil natanggap na ako dun sa naapplayan ko na trabaho. Quota na kayong tatlo dahil last month na umuwi tayo ayaw niyo pa akong maghanap ng trabaho." Paliwanag ko. Habang hila si rex papuntang kusina at pinaupo ito sa highstool ng kitchen counter. Kumuha na ako ng sireal at gatas saka nilagay sa mangkok at nilagay sa harapan ni Rex. Proud ako sa tatlong kaibigan ko dahil napatino namin si Rex at sa edad na 4 ay nakakaintindi na kaagad ito. Dahil noong 3 years old siya halos hindi naman alam kung anong gagawin dahil sobrang tigas ng ulo. Naspoild yata masyado sa mga tito niya. Napagdesisyon kasi namin na tumira sa iisang bahay para narin maalagaan yung anak ni Finn. Bigla naman may umupo sa tabi ni Rex at sa kabila naman umupo sina Jack. "Good morning dad." Bati ni Rex sa ama nito at yumakap sakanya. Gumanti naman ng yakap si Finn at hinalikan pa sa noo . Bumati din ito sa mga tito niya. "Ano bang ginawa niyo at nakuha niyong malate ng gising? Mahiya naman kayo nauna pa sainyong magising si Rex." Pangaral ko sakanila. "Uminom lang kami." Pagdadahilan nila. May magagawa pa ba ako? Ang tigas ng mga ulo nila, hindi sila nakikinig minsan sakin. "Osiya. Aalis na muna ako. Ingatan niyo yan." Sabi ko. "Hatid na kita." Sabi ni Finn. Tatanggi na sana ako kaso nakaalis na ito sa harapan ko. Napailing na lang ako at pumunta sa sala at kinuha yung bag ko. Ilan sandali lang ay dumating na si Finn baka siguro kinuha niya yung car key niya at nauna na itong maglakad papalabas. Sumunod na ako sakanya at sumakay sa passenger seat. Habang nasa biyahe kami bigla niyang binasag yung katahimikan. "Grace. . Alam mo na pwede ka naman hindi magtrabaho." Sabi nito. "Kailangan ko din naman para may maipon ako." Pagdadahilan ko. "Monthly naman nagbibigay si Tito diba? Bakit ka pa magtatrabaho binibigay naman namin yung kailangan mo." "Gusto ko lang may marating sa buhay finn. Alam mo naman tumigil ako sa pag-aaral ng maaksidente kami ni mommy." Sabi ko dahilan para tumahimik ito. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating ako sa harapan ng company na naapplyan ko last last week lang. Lumabas ni Finn at lumapit sa gawi ko saka ako pinagbuksan ng pintuan. "Thank you." Nakangiting sabi ko. Humalik pa ito sa pisngi ko bago ngumiti. "Good luck sa trabaho." Sabi nito bago nagpaalam. Goodluck grace. . . Fighting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD