Kinakabahan pa ako dahil first time ko lang pag sa company natanggap pa ako kaagad.
Lakad patakbo na ang ginawa ko dahil ilan minutes na akong late baka matanggal pa ako nyan dahil nga sa pagkukwentuhan namin.
Idagdag mo pa yung puno na yung sa elevator, edi maghihintay nanaman ako. No choice.
*Tingggggg*
Sawakas! Nakasakay narin ako. Late na talaga ako sobra! Baka nga matanggal pa ako ee. Pero sana wag naman. Mahirap kayang maghanap ng trabaho ngayon.
Pagkarating sa 20th floor sinalubong ako ni Alice na mukhang hindi pa mapakali dahil sa kakaikot at mukhang aligaga.
"Grace! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni sir, puntahan mo na baka matanggal ka pa." Sabi niya.
Naglakad na ako papunta sa pintuan ng office ni sir, napabugtong hininga muna ako bago kumatok.
"Come in." Sabi na may pinaghalong baritono ng sir ko.
Kaba ang nararamdaman ko, na may parang hindi magandang mangyayari ngayon. Pagkapasok ko palang ng office niya, nakita ko naman yung kilod niya. Dahil nakatalikod ito na nakatingin sa glass window.
"G-good morning sir. Sorry I'm late." Kinakabahan na pahayag ko.
"Palagi ka bang nalalate?" Tanong niya, na hindi parin humaharap.
"Hindi po sir, sa katunayan ngayon lang po ako nalate dahil kakatanggap ko lang po." Sabi ko.
"Tsk. Ganun ba?" Sarcastic na sabi niya.
Dahan-dahan naman siyang umikot paharap sa akin. Tila parang slow motion lang yung nangyari dahil napatulala ako kung sino ang nasa harapan ko.
Parang feeling ko gusto ko nang umalis dito sa kinatatayuan ko pero hindi ako makagalaw man lang.
Damn! Kung panaginip lang to please lang kailan ko ng magising ngayon na!