Kabanata 2

1728 Words
What the hell was that?! Ang kapal talaga ng muka ng lalaking yun! Agad kong inalis ang tingin sa kanya at inikutan ng mata bago nagmartsa palabas ng music room. Nawalan na ko ng gana manuod, may jerk pala silang kasama. How did I forget that Damien is one of my cousin's friend? That annoying jerk. Ano ba ang maganda sa lalaking yun? Ang kulay abo niyang mata? Matangos na ilong, makapal na kilay, o ang mapupula niyang labi? s**t? Labi? Seriously, Aliah? "If only the pancake could complain, it would probably have spoken. Kawawa naman, nadurog na" Bigla akong napatingin sa kinakain ko ng makitang nadurog na nga ito. Bakit kasi sa dami ng papasok sa utak ko ngayon umaga ay yung babaero na yun pa? Kahit kahapon pa nangyari iyon ay para bang hanggang ngayon ay di maalis sa sistema ko. Pakiramdam ko kasi ay napahiya ako dahil sa pagtitig ko sa kanya. I was only impressed by him because he played the drums well, nothing else. It doesn't mean na gusto ko siya! "Tss. Pasabay akong pumasok. Umalis sila Mommy at isinama nila si Mang Nestor" Tumango na lang si Trevor bago itinuloy ang kinakain. Inaantay na namin si Luis sa sala. Napakatagal talaga ng lalaking yun! Dinaig pa ako sa pagaayos. "Dapat ay nagbarong ka na din, Napakatagal mo!" sabi ko kay Luis ng makalapit sa amin bago nagmartsa papuntang sasakyan. Di ko nga alam bakit dito pa nisipan nila tita at tito na itapon ang dalawang ito, pwede naman kila Allison na lang! Nanggulo lang sila dito sa bahay. Buti at hindi pa nauwi sila Lolo at Lola sa bakasyon kung hindi ay yung dalawang matanda ang mangungunsumi sa dalawang ito. "It's too early for your head to get hot, my beautiful cousin. Hayaan mo lalamig yan pag nakita mo si Damien!" ani Luis ng makasakay din siya sa front seat katabi ni Trevor. "What? Pwede ba Luis, Tigilan mo ko" Isa yan sa kinaiinis ko kahapon pa! Luis teases me as well as his other friends with Damien, buti nga at hindi nakikisali yang si Trevor dahil kung sasali siya ihahagis ko talaga sa labas ng bahay yung mga damit nila at ipapatapon ko sila pabalik sa Canada! Hanggang sa makarating yata kami sa School ay tinutukso pa din ako ng aking pinsan kaya ng makasalubong ko si Ida ay busangot ang aking muka. "What happened? Ang aga pa para mabadtrip ka" si Ida Sinabayan ko na siya dahil kukunin ko din naman ang aking Librong gagamitin para mamaya sa aming activity. At hindi pa nga tuluyang nakakapasok sa Locker room ay talaga namang nakakasuka ang madadatnan sa loob. Isang lalaki na kinakain ang leeg ng babae? Well Damien yan? Anong aasahan mo? Kahit saan talaga siya dinadala ng kanyang kalaswaan! Nag-angat siya ng tingin ng maramdamang siguro ay may ibang tao at ang kanyang ngisi ay lumapad ng sandaling tumama ang kanyang paningin sa akin. Ang kasama niyang babae ay hindi na magkadaugaga sa pagbobotones ng kanyang blouse! "Hi, Love" nakangising sabi ni Damien Agad na napabaling sa direksyon ko si Ida na may nagtatanong na mata. Nagkibit balikat lang ako sabay iling dahil kahit ako ay hindi alam ang trip ng lalaking ito. Umasim lang ang aking muka ng lagpasan siya para ilagay ang aming gamit sa locker pero ang nakakalokong ngiti ay naroon pa rin sa kanyang labi. "Ano yun? Is Damien flirting with you? Or you change your mind sa napagusapan natin kahapon?" ani Ida ng maiwan kaming dalawa sa loob ng locker room. "I don't know and No, Ida. I'm not interested with that jerk" balewala kong sagot. Totoo namang hindi ko alam at mas lalong hindi ako interesado sa pakulo ilang dalawa ni tanya. Isang beses lang naman kaming nakaroon ng interaction sa isa't isa tapos ganun na agad makaasta ang lalaking yun? Well isama na natin yung sa pagkikita namin sa bahay kahit hindi ko naman siya kinausap. Baka siguro ganun talaga siya? feeling close ganun! May mga lalaki talaga na kahit hindi naman pinapansin ay gagawa ng paraan para magpapansin sayo at the same time ay para bwisitin ka. Siguro doon na talaga umiikot ang buhay niya, ang humanap ng mabibiktima. Pero sorry siya dahil hindi ako kabilang sa mga babaeng baliw sa kanya. Nang mag-umpisa ng klase ay inanounce na agad ng aming prof ang aming magiging grupo para sa activity na gagawin. Pinagkakaguluhan naman nila ang isasali daw sa Ms. Intrams at bakit parang wala akong alam?! "Aliah! Ikaw na lang ang sumali" tawag sa akin ng kaklase kong si Anna Napaangat ako ng tingin at kunot noo siyang tinignan. Hindi ako mahilig sumali sa kung ano man sa school. Hindi naman sa mahiyain at wala akong talent, ayoko lang talaga na nasa harap ako ng madaming tao at nasa akin ang lahat ng atensyon. "Duh! Im more prettier than her" pagpaparinig ni Sofia, isa sa mga inggratang epal sa buhay ko. Hindi ko alam sa babaeng yan kung saan ba nagmumula ang galit niyan. Minsan ay iniisip kong baka dahil sa nangyari pa din noong nasa junior high palang kami. May crush siyang lalaki at sa hindi naman sinasadya ay ako ang niligawan but I turn him down because I don't like him at parang mamamatay ako sa masamang tingin na ibinibigay sa akin ni Sofia. And that was year ago for f*****g sake! Grabe talaga ang pagkabitter ng isang ito. Madami pa ang tumatawag at namimilit na sumali ako, hindi na lang ako sumasagot at hahayaan na lang ang prof na mamili. Napangisi pa nga ako dahil pag ako ang napili ay paniguradong uusok na naman ang ilong si Sofia sa akin. Nag-umpisa muna ang prof na ipaliwanag samin ang gagawing activity at sa kasamaang palad ay kagrupo ko ang babaeng epal sa buhay ko. Halos hindi na nga ako nakinig sa pinagsasabi nila basta tinandaan ko lang ang mga dapat kong gawin. "You done?" tanong ni Trevor "Oo" tamad kong sagot at inihagis sa kanya ang aking bag. Tututol pa sana siya pero agad na akong tumakbo para hindi na siya makapalag pa. "Aliah!" rinig kong sigaw niya na kinawayan ko lang habang nakatalikod. Wala naman talaga akong gagawin ngayon. Gusto ko lang talagang asarin ang aking pinsan kaya pinagbitbit ko ng bag ko. At dahil maaga ang naging labasan namin at ang iba ay nagkaklase pa ay dumiretso ako sa music room. Sinilip ko muna at nang makasiguradong walang tao ay dumiretso ako sa mga instrumento na nandito. Nilagpasan ko ang piano at drum at nagtungo kung saan nakalagay ang gitara. Napangiti ako ng mapait ng mahawakan ko ang gitara at hinila ang isang string nito na lumikha ng tunog. Ngayon lang ulit ako humawak nito, kahit na mayroon kami sa bahay dahil sa aking mga pinsan at kay daddy ay para itong isang instrumento na may virus para sa akin. "Napakatagal na pala ng huli akong humawak nito" sabi ko sa sarili ng maupo at inayos ang gitara sa aking mga kamay It took one look And forever lay out in front of me One smile, then I died Only to be revived by you There I was Thought I had everything figured out Goes to show just how much I know 'Bout the way life plays out "Ali, I Love You" bulong nito sa aking tenga Napangiti ako at humarap sa kanya bago siya niyakap. "I love you more, Tim" I take one step away Then I find myself coming back to you My one and only One and only you Ooh Now I know That I know not a thing at all Except the fact that I am yours And that you are mine "Nakita kita kanina, Tim. Sino ang babaeng kasama mo?" pilit kong tinatapangan at hindi mautal sa kanyang harapan Nagiwas siya ng tingin at ibinaling ang mata sa cellphone niyang tumutunog. Hindi ko makita kung sino yun pero ng sandaling sagutin niya ang tawag ay nalaman kong babae ito, At hindi lang yun ang nagpagulat saken. Dahil ng sandaling sagutin ni Tim ang tawag ay walang pagaalinlangan niya akong tinalikuran. Oh They told me that this wouldn't be easy And no I'm not one to complain I take one step away Then I find myself coming back to you My one and only One and only I take one step away Then I find myself coming back to you My one and only One and only you Hindi naman totoo ang sinasabi ng mga lalaking mahal ka nila eh, Masyado lang silang magaling sa mga mabulaklak na salita. Pero kapag nakuha ka na nila at nakahanap ng ipapalit sayo ay bigla ka na lang nilang iiwan. Salita lang ata ni Daddy ang totoo para sa akin pati na din sila Trevor at Luis na kahit gago ay alam kong mahal nila ako. Napatalon ako sa gulat ng biglang may pumalakpak kaya agad akong napalingon at nakita ko si Damien na nakasandal sa hamba ng pintuan habang may ngiti sa labi at pumapalakpak ng dahan dahan. Ibinaba ko agad ang gitara at naiinis siyang tinignan. "You have a nice voice. Hindi nakakasawang pakinggan ang boses mo" ani niya sa isang sinserong boses Napairap ako dito at ayaw iproseso sa aking tenga ang lumalabas sa kanyang bibig. Paniguradong isa lang yan sa mga paraan niya para makahanap ng mabibiktima. "May gago palang nakikinig" sabi ko at walang pagdadalawang isip na tumayo para umalis "Makaalis na nga!" Finlip ko pa ang buhok ko bago siya tinaluran. Wala lang para maganda lang ang pagwalk-out ganun! Malapit pa lang yata ako sa pintuan ng bigla akong mapahinto dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano pero biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi. "Sa oras na marinig ko ulit ang boses mo na kumakanta, baka hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong mahalin at mahalikan ka" Literal na napahinto ako sa paglabas at sa hindi malamang dahilan ay para bang may nagliliparan sa aking tiyan na hindi ko alam kung ano. He's just flirting! Don't be stupid at makinig sa lumalabas sa kanyang malanding bibig. Isa yang scammer at fuckboy! Walang lingong lakad akong lumabas sa music room.Pakiramdam ko ay biglang lumiit ang espayo ng kanina ay napakalawak na silid. I don't want to be near again with that motherfucker! Nagkakasakit ako sa puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD