Days passed and that jerk is still not showing up. Hindi naman sa gusto ko siyang makita o kaya ay hinahanap ko siya, nagpapasalamat nga ako dahil hindi ko nakikita ang mukha niyang kinaiinisan ko. “Kahit anong pagmamatigas po ang gawin niyo wala na rin naman na kayong magagawa, ‘di ba? Ang maganda lang din sa nangyayari ay hindi makukulong ang papa niyo dahil sa kanya,” ani Tin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver at agad naman akong pumasok at sumandal sa inuupuan ko. Kakagaling ko lang sa isang show kung saan naimbetahan ako maging isa sa mga host. Sobrang sa ‘kin ng likod at paa ko katatayo dahil ang tagal ng on set time nila. "He is also the reason kung bakit nangyayari ang lahat, Tin. Can't you remember? Siya ang taong nambintang kay Pap

