Nanayo ang balahibo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko. Akala ko pa noong una ay binibiro lang niya ako at gustong asarin pero hindi. He is really here. My eyes widened when I saw that jerk staring at me. Legit, for real. Deretso ang tingin niya sa mga mata ko at hindi man lang kumukurap. Katulad nga ng sinabi ni Welmar na parang binabantayan niya ako at ayaw mawala sa paningin niya. My heart was pounding so was when our eyes meet. Bakit ba ako palaging kinakabahan sa lalaking ‘to? I should act tough—no, I should be tough. Nakaupo siya sa couch, may hawak na baso sa isang kamay at ang kabilang kamay naman niya ay nasa baywang ng babaeng humahaplos sa kanya. Oh, ngayon ko lang napansin ang babae kasi natuon agad sa kanya ang atensyon ko nang lumingon ako. Agad

