"You should go, Rochel." Hindi ko pinansin si Mama na kanina pa ako pinapagalitan at pinipilit. Nagpanggap akong busy sa pinapanood kong movie para lubayan na niya ako at para rin tigilan na niya ang kapipilit sa akin sa gusto niyang mangyari. I thought aalis na siya dahil hindi ko naman siya pinapansin pero hindi ko namalayan ang paglapit niya at bigla na lang isinara ang laptop ko kung saan ako nanonood. I gasped in disbelief. "Mama, I’m watching!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "And I’m talking here! Hindi ka na bata para mag bingibingihan, Rochel Jane," galit niyang sabi na para bang isa akong fifth teen years old na hindi nakikinig sa kanya. I took a deep breath to calm myself. Umayos ako ng upo at tinignan siya. "I told you already, Mama. How many times do I have to repeat m

