Bigla akong nanlamig sa sinabi niya. Parang nakalimutan ko sandali ang huminga dahil hindi ko alam ang gagawin. He is blackmailing me now. Ito ang sinasabi sa akin ni Mama. Na kapag hindi ako naging mabait sa kanya baka tuluyan na niyang ipakulong si Papa. "You are such a devil," hindi makapaniwala kong sabi. May namumuong luha sa mga mata ko pero hindi ko hahayaang tumulo ang mga luha na 'yon na nakatingin siya sa ‘kin. "Hindi naman. Kaunti lang," aniya at ngumisi na naman. "Now go and change your clothes. Kung hindi mo pa ako susundin ako mismo ang pupunit ng damit mo at magbibihis sa ‘yo." My face reddened. I imagine myself being naked in front of him. The hell? Bakit ko naman ini-imagine 'yon? That will never happen. Wala akong nagawa kun’di ang magmartsa papunta sa kwarto ko at

