Umawang ang labi ko sa gulat. I can’t utter word after hearing what my mother said. Para akong nawalan ng sasabihin kahit gusto kong magsalita ay hindi ko nagawa. Ang daming tanong sa utak ko na lalong dumadami sa bawat sigundong dumadaan. Why? How?
"Embezzlement. Sigurado akong 'yon ang isasampa nila sa Papa mo. I don't want that to happen, hija. Your father is too weak already and I don't want him sleeping inside those bars," umiiyak na sabi ni Mama na para na ring mawawalan ng hininga.
Ilang segundo pa akong natulala at prinocess ang sinabi niya sa akin bago ako sumubok mag salita. Tumikhim ako para mawala ang barado sa lalamunan ko. I faced my father to asked him what happened.
"Please explain, Papa," paki-usap ko.
Embezzlement? Gusto kong maiyak at magwala dahil alam kong hindi kayang gawin ni Papa ang magnakaw ng pera ng ibang tao!
Hindi naman kami sakim sa pera para magnakaw dahil sapat ang kinikita ng negosyo namin! Isa pa ay may sarili akong trabaho!
"I don't know what to do, hija. Nagulat na lang din ako dahil lumaki ang pera natin sa bangko kahit hindi ko naman iyon dinadagdagan nitong nakaraang araw."
Lumapit ako sa kanya. "Ipaglaban natin ang side mo, Papa! Hindi ka puwedeng makulong."
"But how?! That man is so powerful than me! Mas kaya niyang gawin ang lahat kaysa sa akin!" he shouted in frustration. Ganito siya kapag alam niyang wala na siyang magagawa kaya napalunok ako.
I look up on him. He’s my hero and my best teacher. Hindi lang siya basta Papa sa akin. Kaya kapag nawawalan siya ng pag-asa, nawawalan din ako.
"May kinalaman ba dito ang kagustuhan mong magpakasal ako?" I asked.
Akala ko kanina simpleng dahilan lang ang dahilan kaya gusto niya akong magpakasal pero pakiramdam ko ay hindi. Ito na ‘yon marahil.
"Yes. I want you to marry the man you want to be with," he answered.
Bumuntong hininga ako. "Pero hindi pumayag si Carlo, Pa. Ayaw niya akong pakasalan."
Bigla siyang napatingin sa akin at nakakunot ang noo niya. "What? Why? Sino ba ang lalaking ‘yon sa inaakala niya at nagawa ka niyang tanggihan?!"
I didn't answer him. Pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari. “Tell me your reasons, Papa. Bakit gusto mong magpakasal na ako?"
Sinasabi niya na para sa kompanya pero para saan pa 'yon kung makukulong siya? Sigurado akong kukunin ang kompanya sa kanya.
"Gusto kang pakasalan ng taong nagsabi na ang Papa mo ang nagnakaw ng pera niya. Kapalit ng kalayaan ng Papa mo, dapat pakasalan ka niya. But your father doesn’t want that to happen. He wants you to marry the man you truly love at kapag hindi nangyari 'yon ay doon ka sa lalaking 'yon ipapakasal," paliwanag ni Mama.
Habang sinasabi niya 'yon at nakinig ako ng tudo. And it is sinking in now. Kaya pala gustong-gusto na akong ipakasal ni Papa kay Carlo dahil gusto niyang ikasal ako sa taong gusto ko dahil kapag hindi ako naikasal sa kanya, doon ako ikakasal sa lalaking ninakawan daw ni Papa. He still thinking about me, knowing na kapag nangyari 'yon ay siya naman ang makukulong.
"No! Hindi ako papayag na makulong ka!" sigaw ko.
"But I don't wan—”
I shook my head. "Enough, Pa. Sobra na po ang nagawa niyo sa akin. Sa tingin niyo ba papayag ako na makulong kayo? Hindi ako makakatulog kakaisip na nasa loob kayo ng malamig na selda!" umiiyak kong sabi.
He held my hand. "But how about you? Anak, iniisip ko lang ang kalagayan mo. Gusto kong magpakasal ka sa taong mahal mo."
Right. How about me? Maikakasal ako sa taong hindi ko kilala. Gosh, why is this suddenly happening to me? "You should think for yourself too, Papa. Matanda na kayo at mahina na. Look at you, you’re trying really hard to run the company knowing that you’re sick.” I took a deep breath and wiped my tears. "I'll be… f-fine."
How can I be fine after this? God. Hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko. Ayaw ko mangyari ito, pero hindi ko alam ang gagawin. Wala akong maisip na puwedeng gawin.
"What do you mean?" he asked.
Yumuko ako para hindi niya makita ang sakit sa mga mata ko. "Magpapakasal po ako roon sa lalaking sinasabi niyo. Papayag ako para sa inyo."
If marrying that man is the solution, then I will do it. Sa panahong 'to ay ako naman ang gagawa ng bagay para sa mga magulang ko. Tama na siguro na pinalaki nila ako ng ganito kahit hindi nila ako totoong anak. It just... hard to accept and to think that I'll be marrying someone I don't know and I don't love.
"I don't want you to marry him—"
"Please," putol ko sa sinasabi niya. "Hayaan niyo na lang po. Sabi niyo nga wala na kayong magagawa sa kaso at 'yon na lang ang solusyon." I smiled sadly at them. "Gagawin ko. I promise, I'm fine with it." I lied. Of course, it's not.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Mama dahil sa sinabi ko. "Oh, sweetheart..."
Mahigpit niya akong niyakap at gano'n din ang ginawa ni Papa.
"Thank you, anak," he whispered while crying silently. I know him, alam ko kung may iba pang paraan ay gagawin niya. My dad is smart and if this happens, it just means he's defeated already. Wala na siyang kayang gawin. But I know he still tried na huwag akong madamay. He even suggested me to marry someone else just to save me from marrying someone else even if it means that he will be behind the cold bars.
Tahimik akong pumasok sa kwarto ko pagkatapos no'n. I cried again. Natatanong ko pa rin sa sarili ko kung bakit ako pumayag kahit klarong-klaro naman ang rason.
I don't want to see my father in prison. That will break my heart, lalong lalo na si Mama. Masakit naman na makasal sa taong hindi mo kilala pero alam kong mas hindi ko kakayanin kapag nasa kulungan si Papa.
"Gaga. Paano kung matandang lalaki pala 'yong ipapakasal sa ‘yo? Hindi mo man lang tinanong kay Tito kung guwapo ba, bata pa ba or malaki ang hinaharap!" Glendel exclaimed. Ka-video call ko sila ngayon dahil wala akong ganang lumabas.
"Bruha. May point ka naman pero pati hinaharap kailangan niya talagang itanong? Talk about kahihiyan!" Welmar tsked.
Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang dalawa. "I'll see it myself later. That man will be here to join us for dinner," sabi ko habang nilalaro ang suklay na nasa kama.
“You will see it yourself? What do you mean by that?” mapanuksong ngumisi si Glendel. “Ang hinaharap ba ang titignan mo?”
Inirapan ko siya at hindi sinagot kaya natahimik siya.
"Hindi mo ba talaga tinanong ang edad, darling? Paano kung senior citizen na pala 'yon?"
Napairap ako kay Welmar. "Sa tingin mo ipapakasal ako ni Papa sa senior citizen?"
"Aba malay mo! Kaya ka nga niya sinabihang magpakasal kay Carlo kasi ayaw niyang doon ka ikasal kasi matandang mayaman pala. Kung hindi matandang mayaman, baka drug addict na pangit at masama ang ugali!" sabat na naman ni Glendel.
If only I can reach this b***h. Ang sarap niyang tirisin.
"He wants me to marry Carlo because I love Carlo, not because matanda ang lalaking 'yon. Gusto lang nilang magpakasal ako na sa taong karelasyon ko," sagot ko sa kanya.
"Ahh." She nodded. "Kaso hiwalay na kayo kasi ayaw ka niyang pakasalan."
She doesn't have to remind me that?
Suwerte ako sa mga kaibigan ko pero minsan parang nagsisisi ako sa pagiging straight forward nila.
"Kasal pa nga," natatawang sabat ni Welmar.
I rolled my eyes again. About Carlo, hindi na kami nag-uusap simula no'ng sinabi niyang ayaw niya akong pakasalan. Wala na kami.
I don't have reasons to stay anyway. If he's thinking na hahabulin ko pa siya, huwag na niyang isipin pa iyon. He just said that he doesn't want to marry me. Then, okay, that's it. Bakit ko pa ipipilit? Mahal ko siya pero hindi ibig sabibin ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. I'm aware of reasons, perhaps I understand him. Masama lang ang loob ko kasi umasa ako na sobrang mahal niya ako at handa siyang gawin ang lahat para sa relasyon namin.
After that talk with Glendel and Welmar, I started to prepare myself for tonight's dinner.
I am preparing myself to be polite. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at sampalin ko ang lalaking nagsabi na magnanakaw ang Papa ko. I believe my father won't do such thing. Kahit anong evidence pa ang ipakita niya sa akin.
"Nasa baba na ang bisita, hija. Are you ready?" Mama asked when she entered my room. Katulad ko ay nakasuot din siya ng dress.
"Alam mong hindi, Mama," sagot ko.
She smiled sadly and caressed my cheek. "Kung sana may kakayahan lang tayong ipaglaban na walang kasalanan ang Papa mo, wala sanang ganito ngayon. But all of the evidence shows that your father took the money. Alam mong hindi niya 'yon magagawa kaya hanggang ngayon ay inaalam pa rin namin kung paano napasok ang napakalaking pera sa bank account niya."
Kung sino man ang mag gawa no'n, maybabayad siya. And if that person who wants to marry me is the reason, then I will make him pay.
Sabay kaming bumaba ni Mama at pumunta sa garden ng bahay kasi nando'n ang hinanda nilang dinner.
Habang papalapit kami ay tahimik akong nagdadasal na sana huminto ang oras at ‘wag nang matuloy ang mangyayari.
I took a deep breath when we reached the garden. Inangat ko ang tingin ko at napunta agad iyon sa lalaking nakatalikod.
His broad shoulders welcomed my eyes.
He was with my father and they are talking casually. Parang hindi niya pinagbintangan na magnanakaw ang ama ko kung mag-usap sila.
My heart suddenly beat so fast when I saw the familiarity of his back. Alam kong hindi 'yon takot dahil hindi pamilyar sa akin ang nararamdaman ko ngayon.
What the f*ck is happening? I am just seeing his back but I can already feel my feet turning into jelly.
"Oh, they're here..." Papa announced while looking at us.
Huminto kami ni Mama sa paglalakad at hinintay na humarap ang lalaking iyon.
By just looking at his back, I am sure that he is not a senior citizen just like what Glendel said. I'm sure he is just years older than me.
"Meet my daughter Rochel Jane Tamayo."
Parang slow motion sa isang palabas ang ginawa niyang pagharap sa akin. Bahagya pang hinangin ang buhok niya making him look hot with his emotionless face.
Me? Oh, I was shocked! This is so f*****g ridiculous!
Siya?! Bakit siya?!
Those messy hair but looks normal, his perfect jaw, nose, and those lips that always smirk. Pero hindi siya nakangisi ngayon.
Walang emosyon ang mukha niya. He looks.... serious like a f*cking ruthless.
"The famous Rochel Tamayo?"
Napalunok ako nang magsalita siya pero hindi ko 'yon pinahalata sa mga magulang ko.
"Yes," seryosong sagot ko.
May kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata niya pero agad rin iyong nawala. Nakita ko rin ang bahagyang pag galaw ng labi niya pero agad rin naman 'yong bumalik sa pagiging isang linya.
"Nice to meet you. I am East North Martin, your fiancé."