Pakiramdam ko bigla akong nabingi sa sinabi ni Papa. Sumakit ang ulo ko. Ilang beses itong pumitik kaya napapikit ako at kinalma ang sarili ko.
"What?" naguguluhan at gulat kong tanong. “You… you want me to get married?” ulit ko pa, para rin i-sink in sa utak ko na iyon ang narinig ko mula sa bibig ng ama ko.
But why? Bakit ako magpapakasal? Nananaginip pa rin ba ako o ano? Hindi ko kasi alam kung bakit may ganitong usapan na nagaganap ngayon. Is this hangover?
Papa never mentioned something like this before kaya nagulat ako. Seriously, kasal? Kahit nasa tamang edad na ako hindi iyon pumasok sa isip ko. Maybe because I am not yet ready to settle down. Bakit bigla na lang lumabas sa bibig niya ang salitang 'yon?
I am silently praying na sana nagkamali lang ako ng dinig pero mukhang hindi.
"Why? Papa maaga pa para magpakasal ako. Para saan naman 'to?" tanong ko. Natataranta ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin.
I am shocked, okay!? Sinong hindi? Ang salitang 'kasal' ay naririnig ko lang sa ibang tao pero ang marinig 'yun sa bibig ng ama ko ay iba na. People are asking me about getting married too pero hindi naman ako sumasagot dahil kahit kaylan ay hindi ko pa iyon naiisip.
"This is for... the company," sagot niya na parang may pag-aalinlangan kaya tinignan ko si Mama pero nakayuko lang siya at hindi tumitingin sa akin. Ibig sabihin ay seryoso ito at wala siyang magagawa.
Napabuga ako ng hangin. Mas lalo akong naguluhan. "What about the company, Pa? How is getting married related to the company?tanong ko. "You're already aware that I don't want to be part of it, right? Isa pa po, hindi pa ako handang magpa--"
He looked at me making me shut my mouth. Bigla akong natakot magsalita dahil galit ang mga mata niya.
"Gawin mo na lang! I am doing this for you so just do what I say!" galit niyang sigaw at sa takot na baka mapaaano siya ay hindi na ako sumagot. Tinatatak ko lang sa isip ko na may sakit siya kaya hindi puwedeng magalit siya ng husto kaya kailangan kong kalmahan ang sarili ko at huwag sumagot ng masama. "May kompanya ang pamilya ng boyfriend mo hindi ba? Marry him and everything will be okay. Kung hindi kayo maikakasal maghahanap ako ng ibang lalaki na ipapakasal sa ‘yo."
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. What's with them? What's with these sudden decisions? Bakit walang nagsabi sa akin in advance na may ganitong pag-uusapan?
Marriage? Hindi ko mapigilang makaramdam ng sama ng loob sa mga magulang ko dahil parang sila ang nag dedisisyon ng bagay na 'yon para sa akin. I am old enought to handle that thing and if I were to decide about marriage, ayaw ko pa.
And why aren’t they explaining everything to me? Alam kong mayroon pa, e. May reason pa. Ramdam ko.
Lumabas ako ng Library na wala sa sarili dahil pa rin sa gulat. 'Yon lang ang sinabi ni Papa at pinalabas na niya agad ako. Sinabi niya lang na kailangan ko nang magpakasal, hindi man lang siya nag explain kung bakit. Ayon lang, para daw sa kompanya. Hindi ko alam kung anong connect no'n sa kompanya.
I locked myself inside my room. Gusto ko lang mapag-isa para makapag-isip at para ma-process ang mga sinabi ni Papa. Nang gumabi ay lumabas ako at pumunta sa bar para uminom at madaling araw na akong nakauwi.
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil sa hangover, just like what happened yesterday.
Nag bihis ako at umalis ng bahay. I have decided. I need to talk to Carlo about this thing.
Ang totoo ay ayaw ko pang magpakasal pero naisip ko rin ang ginawa ni Papa at Mama sa akin simula noon. Kung tutuosin ngayon lang sila humingi ng ganito kalaking bagay sa akin. They always grant my wants and needs before. When I told them I want to be on TV they supported me. Wala silang reklamo kahit ampon lang ako. Suportado sila sa gusto ko kaya parang ayaw ko nang umayaw sa gusto nilang gawin ko ngayon. I know my father, kung ano ang inutos niya ay dapat masunod ko agad. He doesn't joke around lalo na kung tungkol iyon sa negosyo niya. When he said he wants me to be married with my boyfriend, he mean it. I know he will explain later on kung ano ang reason and maybe that time kapag alam ko na ang rason ay puwede naman sigurong hindi ituloy ang gusto nilang mangyari na kasal. I will try to find a way out because I really don't want to be married yet. For now ay kakausapin ko muna si Carlo.
Pumunta ako sa condo niya dahil sinabi niyang naroon siya ngayon. He’s with his bandmates when I entered his place. Napangiwi pa ako dahil ang dumi ng condo niya na parang dinaanan ng bagyo. Nag kalat ang mga damit, putol na strings, can beers at walang laman na cellophane ng mga chips sa sahig.
"Sorry, babe, busy lang talaga kami," aniya nang makapasok kami sa kwarto niya. Dito niya ako dinala dahil masyadong magulo roon. Mabuti na lang dahil malinis naman kahit papaano ang kwarto niya hindi katulad ng sala.
I sat on the bed and took a deep breath. Halata sa mukha ko na problemado ako pero hindi niya iyon napuna simula noong pumasok ako. He didn’t even ask if I’m okay. Pinapasok niya lang ako. "Carlo, we need to talk about something,” I said.
Kumunot ang noo niya. He was holding a paper and a ballpen on his hand, parang nagsusulat ng kanta or something.
"About what? Hindi ba makapaghintay 'yan at kailangan ngayon agad? I'm busy," sagot niya at binalik ang tingin sa hawak na papel.
I calmed myself and took a deep breath again. This is a serious matter so kailangan kong habaan ang pasensya ko para ma-explain sa kanya ng maayos ang sasabihin ko.
"I want you to marry me, Carlo," walang paligoy-ligoy kong sabi sa kanya.
Lalong kumunot ang noo niya. "Pinagsasabi mo?” naguguluhan niyang tanong at bahagya pang natawa. “I don't have time for that, Rochel. Kung pumunta ka lang dito para magsabi ng kalokohan mas mabuti pang umalis ka na lang dahil maghahanda pa kami sa event namin mamaya."
I bit my lips. He thinks that I'm just playing around? Do I look like one? I am dead serious here and he’s just thinking that way? Anong tingin niya sa 'kin? Kinapalan ko na nga ang mukha ko para sabihin 'yon sa kanya tapos hindi pa niya paniniwalaan?
"I am not f*****g joking, Carlo! I mean it so please listen to me," I plead. "I need your help. I need to get married for my parents!"dagdag ko. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy dahil doon din naman papunta 'yon. Natigilan siya kaya nalaglag sa sahig ang hawak niyang papel at lapis.
"Seryoso?" hindi makapaniwala niyang tanong.
I stood up and held his hand. I need to do this para pumayag siya na pakasalan ako dahil kapag hindi, baka totohanin ni Papa na sa ibang lalaki niya ako ipapakasal.
I don't want that to happen. Masyadong cliche ang arrange marriage at ayaw kong mapagdaanan ko 'yon. Ayaw ko nga sa ideyang magpakasal ano na lang kaya kung sa ibang tao pa ako ipapakasal? Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pinapagawa sa akin ni Papa but all I can do for now is to obliged.
"I need to do this for my parents, Carlo. Ito na lang ang magagawa ko para sa Papa ko kapalit ng pagpapalaki nila sa akin kahit hindi naman nila ako sinsisingil. Please," pagmamakaawa ko sa kanya. I never imagine myself doing this. ‘Yong magmamakaawa ako para lang pakasalan.
Hindi siya sumagot pero nakatingin lang siya sa akin. I know he's in the middle of thinking, so I let him. Naghintay lang ako sa isasagot niya dahil akala ko maganda ang maririnig ko pagkatapos no’n mula sa kanya pero hindi 'yon nangyari. Iba ang lumabas at hindi ko ‘yon inaasahan.
"S-sorry, Rochel. P-pero hindi pa ako handa. Ayaw kong masira ang mayroon ako ngayon kapag nagpakasal ako."
My jaw dropped. I wasn't expecting that dahil akala ko papayag siya kasi mahal niya ako. But no. He didn't choose me. Hindi man lang siya nagdalawang isip at sinabi talaga ‘yon ng deretso. Mas inaalala niya ang career niya na baka raw mawala sa kanya.
Gusto kong matawa. Gosh! Hindi ba niya inisip na mayroon din akong career na pinoprotektahan? Ayaw ko rin namang magpakasal pero ginagawa ko 'to para sa pamilya ko at siya ang gusto kong pakasalan kasi siya ang boyfriend ko! Iniisip ko rin siya kasi akala ko mahal niya ako!
But on the second thought, hindi ko rin siya masisisi. I just can't hate him because he doesn't want to get married. Dahil baka kung nagkabaliktad kami ay 'yon din ang isasagot ko sa kanya. I work hard and gave my everything for my career and I don't want to ruin even a little bit of it because of getting married.
"Ipapakasal ako sa iba kung hindi ka papayag," sabi ko na lang. Baka sakaling mag bago ang isip niya kapag sinabi ko iyon.
He shook his head. "I don't know, Rochel. Ayaw ko talaga. I'm sorry."
By that, he left me. Sa ginawa niyang 'yon ay hinayaan niya na lang din akong maikasal sa iba. He doesn't care. Hindi man lang din siya nagmakaawa na huwag akong papayag na maikasal sa iba. Hindi man lang niya sinabi na tumakas na lang kaming dalawa o gumawa ng ibang paraan para maayos ang problema ng pamilya ko.
Tumayo ako ng tuwid. Lumunok ako ng ilang beses at hindi ko hinayaan ang sarili kong umiyak dahil lang hindi pumayag ang boyfriend ko na pakasalan ako.
Umalis na lang din ako roon at pumunta na lang sa mga kaibigan ko para sa kanila umiyak at mag rant. I found my situation funny. Noong isang araw, abot tainga ang ngiti ko pero ngayon iyak ang ginagawa ko. Totoo nga talagang may kapalit ang lahat ng bagay.
I didn’t turn my phone open because Tin and my manager will just find me. Sigurado akong marami silang ipapagawa sa akin. I will just explain it to them soon for them to understand that I’m not in the shape to attend events today. Parang mababasag na ang ulo ko sa problema sa bahay na hindi ko naman alam ang buong kwento.
"Gosh. Ibig sabihin ipapakasal ka sa iba? Para kang nasa isang teleserye!" Glendel exclaimed.
"I don't know. Maybe." I shrugged. "I will just update you."
Tumango siya kaya lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa bahay. Agad akong dumeretso sa Library para kausapin si Papa pero hindi ako agad nakapasok nang marinig na naman ang iyak ni Mama sa loob.
Para silang nag-aaway pero hindi ko maintindihan kung ano 'yon kaya pumasok na ako.
"What's happening?"
Natahimik sila sandali pero agad akong nilapitan ni Mama at niyakap. Nanginginig pa siya na parang natatakot.
"Ano bang nangyayari? ‘Wag niyo lang naman akong iyakan, Mama! Nag-aalala ako—"
"Anak," she called me. "Ipapakulong nila ang Papa mo."
My forehead creased. Ano na naman ba 'to? Kahapon kasal tapos ngayon kulong?
“What are you talking about?” I asked confusingly. "What's happening, really?"
“Ikukulong nila ang Papa mo, Roch!” ulit niya.
Napahilot ako sa sintido ko. Why can’t they just answer me directly? "Kulong? Seriously? Can you please... explain first? I can't understand you. Ano bang nangyayari sa 'tin?!" frustrated kong tanong.
Kahapon ko pa napapansing hindi sila mapakali pero wala silang sinabi kung anong mayroon. Papa just told me to get married with no big explanation about what's happening. Nararamdaman kong mayroon pero ayaw nilang sabihin sa akin kahapon.
Tapos ngayon maririnig ko ang salitang ikukulong si Papa?
"They accused your father for stealing the money of his client and they want to send him to jail,” Mama said making my jaw dropped in shock.