"Congratulations, Rochel Tamayo!"
I waved my hand and smiled happily at them. Niyakap ko ang manager ko, assistant at mga kaibigan ko sa larangan ng pag-aartista. I thanked them for making my every project successful. Everything will not be possible without them and their supports.
All of my friends were here, and they congratulate me for the success of my movie with Mike Vallera. Hindi ko mapigilan ang matuwa ng sobra dahil alam kong busy sila but here they are, enjoying and still supporting me. I'm just so lucky having a perfect family and a healthy circle of friends.
"Congrats ulit, Miss Roch! Naiyak ako ng sobra sa ending ng Breathless! Ang galing mo!" my assistant, Tin, exclaimed. Naluluha siya pero kahit na gano’n ay abot tainga pa rin ang ngiti niya habang pinapaypayan ang mga mata para hindi tumulo ang luha niya. Ang kabila naman niyang kamay ay may hawak na baso’ng may lamang margarita.
Nandito kami ngayon sa Midnight Bar para i-celebrate ang movie namin ni Mike na Breathless. Kahit unang araw pa lang 'yon sa sinehan ay pumatok na. Hindi na ako nagulat dahil matagal nang inaabangan ng mga fans ang pagtatambal naming dalawa at ngayon lang ito nangyari. I’m happy with the outcome despite of the fact that my fans are shipping us more than me and my boyfriend.
"Good job, Rochel. Wala na talagang mas gagaling pa sa ’yo," ani naman ng Manager ko na si Ali.
I smiled sweetly at the two of them. "Don't say that. Alam niyo namang hindi ko magagawa ang lahat kung hindi n’yo ako tinutulungan at malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil doon."
Kumaway si Tin sa ere at natawa na para bang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko. "Naku naman, Miss Roch. Trabaho ko ‘yon at kahit naman wala ako kaya mong gawin ang mga ginagawa mo, e. Ikaw pa rin naman ang gumagawa ng mga importanteng bagay na nagpapaka-success sa ‘yo at ‘yon ang exciting part, kaya ito ka ngayon at sikat na sikat sa pag arte! Ang galing niyo ni Mike Vallera!"
Manager Ali nodded. "She’s right, Roch. Sobrang patok sa lahat ang love team ninyo ni Mike ngayon. Sana magtuloy-tuloy pa ang mga projects na magkasama kayo."
My smile faded when I heard that. Napabuntong hininga na lang ako sa gitna ng kasiyahan ng mga tao sa paligid. Mabuti na lang dahil nasa ibang bagay na ang atensyon ng mga kasama namin kaya hindi nila napansin ang pagbago ng ekpresyon ko. "Ayaw ko rin namang masira kami ni Carlo dahil doon."
My manager rolled her eyes when she heard Carlo's name. Natawa na lang ako dahil matagal na akong sanay. Ayaw niya nga talaga sa boyfriend ko. Well, lahat naman.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa mga kaibigan ko. Nakasalubong ko naman si Mike na niyakap ako para i-congratulate kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kanya. Masaya ako kasi isang magaling na actor na katulad niya ang nakasama ko sa pelikulang 'yon. And if it will be given a chance, kahit ako ay gustong makatrabaho siya ulit. Ang kailangan ko lang sigurong ipaintindi sa boyfriend ko na trabaho lang ang sa amin ni Mike, nothing more than that. Yes, we’re friends, and we both know the boundaries and that is the important thing.
"Gwapo pala ni Mike, 'no?"
Hinampas ko si Glendel nang makalapit ako sa kanila. I sat beside her, and she handed me the glass of tequila. She’s one of my best friends, the craziest.
"May boyfriend ka na, ‘di ba?" paalala ko.
"Hala,” agad siyang nag-react. “Saang channel mo na naman nakuhang may boyfriend na 'ko? At kung mayroon man, bawal ba lumandi?" biro niya.
Hinila ko ang ilang hibla ng buhok niya. "Gaga."
Tumawa siya. "Ano ka ba, darling. This is flirting responsibly. Masyado kang loyal do'n sa jowa mong minsan lang kung magpakita sa ’yo."
"So right. Hindi ba siya aware kung anong mayroon ngayon?" sabat ni Welmar.
"Hindi man lang pumunta rito para i-congratulate ka," ungos Marienel.
Umirap ako. "Nag-text naman siya sa 'kin kanina. That's enough. Busy 'yong tao,” pagtatanggol ko kay Carlo.
Okay, I lied. Wala naman talaga akong nakuhang text galing kay Carlo at sinabi ko lang 'yon para tumigil na sila. Ipipilit na naman nila sa akin na hindi kami bagay, masyadong red flag at irresponsible ang boyfriend ko at dapat ko na raw itong hiwalayan. Nasanay na lang akong gumawa ng rason.
"Text lang? Busy sa trabaho? Parang lumalabas na rin na mas mahalaga ang trabaho kaysa sa ’yo."
Pumikit ako para mawala ang inis na nararamdaman. Ayaw kong masira ang gabi ko. Hindi naman sa naiinis ako dahil gano’n sila. Sa tuwing sinasabi kasi nila ang mga salitang gano’n ay naiinis din ako kay Carlo kasi may punto rin naman ang mga kaibigan ko.
"Welmar, enough," saway ni Kyla kay Welmar. Here’s Kyla, the sweetest one among my friends.
Thank goodness, she can understand me. Sa aming magkakaibigan, kaming tatlo ni Kyla at Marienel ang matatawag na tanga. According to Yeng Constanteno, mahirap daw maging T.A.N.G.A, pero kaming tatlo nadadalian. Naging middle name na raw namin ang ‘tanga’ according to Glendel.
Kyla Marie is in love with his man best friend, who is sadly, not in love with her. Si Marienel naman na ilang beses na binabalikan ang boyfriend niyang manloloko at hindi man lang natututo. And me, according to them, na nagpapagamit daw kay Carlo.
Hindi ba puwedeng mahal talaga namin ang isa't-isa? Hinahayaan ko na lang sila kasi wala naman silang magagawa sa mga disisyon ko. Mahal ako ni Carlo at hindi niya ako gagamitin para sa kasikatan niya. Kahit masungit ako sa kanya minsan, alam ko sa sarili ko na mahihirapan din naman ako kung naghiwalay kami.
"Oo na! Ito naman!"
"Baka makakalimutan mong hiniwalayan ka rin? Kung maka-asta ka," si April naman ang sumabat kay Welmar na bigla na lang sumimangot. And here’s April, the man hater. Sa aming magkakaibigan ay siya lang ang hindi nali-link sa mga lalaki kasi ayaw niya sa mga ‘to. Kyla is the sweetest one who loves being friends with a lot of people. Glendel is the savage and tarantado one. Marienel as the maarte and Welmar as the gay who pretends to be not when he’s in public or with family.
They’re weird but I’m proud to say that they make my life complete.
Natawa kaming lahat sa sinabi ni April kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Oh well, kahit ganito ang mga kaibigan ko, mahal na mahal ko pa rin sila.
Medyo hilo na ako nang matapos ang celebration kaya nagpasundo ako sa family driver namin. Pag dating ko sa bahay, nakita ko si Mama at Papa na may pinag-uusapan sa sala at seryoso ang mga mukha nila.
My mother's eyes widened when she saw me but I smiled at her. Hindi na ako nag abalang lumapit kasi amoy alak na ako at baka kumapit pa ang amoy sa kanila.
"Hija, k-kanina ka pa ba riyan?" she asked. Nanginginig ang boses niya, para bang kinakabahan dahil sa biglang pagdating ko.
"Kakarating lang, Mama. What's with the serious faces, anyway?" tanong ko at tinignan din si Papa na hindi pa rin lumilingon sa gawi ko. "Papa, why?" I was about to go near them, but Mama stopped me.
"He is okay, hija. Magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka. We’ll just talk to you tomorrow."
I am not convinced because Papa seems worrying about something. Nagiging seryoso lang naman ang mga mukha nila kapag usapang negosyo na.
"Is that... a serious matter?" tanong ko. She nodded kaya napatango na lang din ako. "Goodnight. Matulog na po kayo, late na."
"Sige, anak. Aakyat na rin kami."
I smiled. "Okay. Goodnight, Papa."
Hindi siya lumingon pero kita ko ang pag galaw ng ulo niya. "Goodnight, sweetheart."
Tanghali na ako magising kinabukasan. Hindi na ako nagtaka sa sakit ng ulo na naramdaman ko. Mabuti na lang ay wala akong trabaho ngayong araw kaya puwede akong magpahinga.
Isang oras akong nag tagal sa banyo at nag suot ng komportableng damit bago lumabas ng kwarto. I was about to enter the kitchen when I saw Manang Lina walking towards me. Siya ang pinakamatandang katulong na pinagkakatiwalaan namin dito sa bahay.
"Yes, Manang?"
Tumikhim siya bago nagsalita. "Pinapasabi ni Mrs. Tamayo na papuntahin ko raw ho kayo sa library ng Papa mo."
My forehead creased dahil wala naman akong natatandaan na dapat naming pag-usapan ni Papa. But then I remembered what happened last night. Natanggal ang kunot sa noo ko. I’m sure that there’s something wrong, based on their serious face last night. May hindi ata magandang nangyari. Pero never naman kasi nila akong sinasali sa usapan kapag tungkol sa negosyo ang problema nila. Kung kasali ako, ibig lang no'n sabihin ay tungkol sa akin ay pag-uusapan.
"I'll just eat, Manang," sagot ko at tumango naman siya.
Habang kumakain ay hindi mawala sa akin ang itsura ng mga magulang ko kagabi. I was thinking kung anong topic ba ang pag-uusapan namin mamaya pero isang bagay lang ang pumapasok sa isip ko.
Me being the new President of our company. But we talked about it already. Noon pa man noong hindi pa ako sikat sa pag aartista ay alam na nilang ayaw ko sa business namin, and they respected it. Binilisan ko na lang ang pag kain at agad akong pumunta sa Library kung nasaan ang office ni Papa rito sa bahay.
Soon as I entered the room, natigilan sa pag-uusap si Mama at Papa. Tinignan nila ako at doon ko nakita ang pamumula ng mga mata ng Mama ko.
Agad akong nabalot ng pah-aalala. I immediately went to her with my worried face. "What happened, Mama? Why are you crying?" nag-aalala kong tanong.
Tumulo ang luha niya at bigla na lang akong niyakap. "I'm so sorry, anak. Sana maintindihan mo."
My forehead creased because I have no idea what she is talking about. I don't know what she's sorry for, ito ang unang beses na sinabi niya ang salitang 'yon habang umiiyak. I'm really confused.
"What are you talking about? Why are you sorry?" I looked at my father to asked him because Mama is not answering, patuloy lang siyang umiiyak. "Papa?"
Katulad ng kagabi ay hindi pa rin niya ako matignan pero nakikita ko sa mukha niya ang pagiging problemado. Mas lalo akong nag-alala. I never seen them like this before. Para silang binagsakan ng langit at lupa na hindi alam ang gagawin. Pati ako ay hindi na rin alam ang gagawin dahil nag-aalala ako pareho sa mga kalusugan nila.
"Please sit, Rochel," biglang ani Papa at tinuro ang upuan sa harap.
Kahit naguguluhan ay ginawa ko 'yon habang hawak ang kamay ni Mama nang mahigpit. This is something related to me?
"What is this all about? Bakit umiiyak si Mama?" tanong ko para malaman na kung ano ang pinoproblema ng dalawa.
Bumuntong hininga siya at hinilot ang sentido habang nakapikit. Nag-aalala ako dahil baka bigla na lang siyang atakihin ng sakit niya.
"I want you to get married as soon as possible, Rochel Jane," seryosong sabi ni Papa dahilan kaya unti-unting lumuwag ang hawak ko sa kamay ni Mama hanggang sa tuluyan ko na iyong nabitawan. Isang beses lang sinabi ni Papa iyon pero sigurado ako sa narinig ko, hindi na niya kailangang ulitin.
Tinignan ko si Mama. She's still crying and God knows I want to do something to make her stop because I can’t see her crying in pain written on her face pero hindi ko na magawang patahanin siya kasi parang huminto ang mundo ko dahil sa sinabi ni Papa.