Chapter 2
“Good morning Mr. Lichaoco. Paumanhin kung medyo natagalan ako sa pagpunta dito. Marami lang kasi ako inaasikaso sa baba.” Doktor
“Dok. Kamusta na po ang anak ko at ang apo ko?” Mr. Lichaoco
“ Maayos na ang kalagayan ng mag-ina kaya lang iwasan nyo lang po na ma-stress ang pasyente dahil mahina ang kapit ng bata. After 2 days pwede na sya ma-discharge” Doktor
END OF FLASHBACK
“8 months narin pala ang lumipas na parang kalian lang. Sayang wala ako sa espesyal na okasyon ng aming pamilya. Hindi ko man lang na welcome ang pag-dating ni Baby Kristina sa aming pamilya. Miss na miss ko na si mama kung maari ko lang sana kayo makausap kahit saglit lang.
Mama..
Tawag ko muli sakanya pero hindi ko napansin na natabig ko na pala yung picture ko na naka display sa may study table at nalaglag ito.
“Kristina narinig nyo ba na may tumawag sa pangalan ko?” Mama
“Wala po ma.” Ate (Bigla naman nalaglag yung picture ni magie.)
“Ano yun?” Mama
“Picture po ni magie mama” Kuya Jayson
Kinuha ni mama ang picture ko at niyakap ng mahigpit.
“Magie anak, alam mo miss na miss na kita. Kung saan ka man naroroon ngayon sana Masaya ka. Wag mo kami isipin dahil kahit nangungulila pa kami sayo ang iniisip nalang namin nandito ka lang palagi at binabantayan mo kami. Anak nawala ka man sa amin may dumating na bagong angel sa ating pamiya. Si Baby Kristine, nanganak na ang ate mo. “ Mama
“Hindi ko na napigilan ang sarile ko at niyakap ko si mama kahit alam ko’ng hindi nila ako nakikita.” Magie
“Biglang lumakas ang hangin na galling sa bintana kaya mas lalo nila naramdaman ang presensya ko. Ganito pala ang epekto kapag nangungulila ka ng lubos sa mga taong mahal mo. Ang mga bagay na imposible mo magawa, kalikasan ang tumutulong sayo para maiparamdam sakanila na nariyan ka lang. “ Magie
“Magie anak, mahal na mahal ka ni papa at miss na miss na rin kita. Wala na ako’ng baby damulag na maglalambing sa akin. Wala ng magsusundo sa akin pag nasabit ako sa inuman, wala ng magtatanggal ng sapatos ko pagdating ko sa bahay galling trabaho. Bunso alam ko narito ka ngayon naririnig mo ba si papa anak?. Wag mo kami masyado isipin para matahimik na ang kalooban ng kaluluwa mo.” Papa
Kung may ibang tao na nakakakita sakanila iisipin na baliw na sila. Walang kausap pero pero nag-sasalita at umiiyak. Narinig ko ang lahat ng mga mensahe ni papa na nais nyang iparating sa akin. Hindi ko nanaman mapilgilan ang pag-iyak ko at sa bawat pag-iyak kasabay ng pag-pasok ng malalakas na hangin galling sa bintana ng aking silid. Papa’s girl kasi ako makita ko lang na wala pa si papa sa bahay ng mga alanganing oras na ay nag-aalala na ako. Biro pa nga ni mama parang ako pa daw ang asawa ni papa kasi hindi ako sanay na wala sya at siguro dahil wala ako’ng kuya kaya ganon nalang ang pagmamahal k okay papa.
Nagsimula na akong bumaba ng hagdan para mabawasan narin ang lungkot sa aking silid. Unti unti narin nawawala ang malalakas na hangin habang ako ay bumababa’. Ang mga kurtina na walang tigil sa pag-galaw kanina ay unti unti narin bumabalik sa dating ayos at naglakad na ako palabas n gaming bahay. Naisipan ko pumunta sa garden naming mas relaxing kasi dun at may upuan pa sa ilalim ng puno. Matutulog na muna ako nakaka antok kasi ang simoy ng hangin at para hindi ko na masyado maisip ang pamilya ko.
Bigla nalang ako naalingpungatan na parang may nakatingin sa akin.
“WAaahhhh multo” Sabi ko.
“Eh anong tawag mo sayo angel” Sabi nya habang naka ngite sa akin.
“Nakakgulat ka naman! Kanina ka pa ba dyan?” Tanong ko
“ Medyo, nakaktuwa ka kasi pagmasdan” Sya
“Anong nakaktuwa sa akin?” Tanong ko ulit
“ Ang ganda mo kasi pagmasdan habang natutulog” Sya
“Sino ka ba at anong ginagawa mo ditto?”
“Ako nga pala si Glenn.”
“Ako nga pala si Magie nice to meet you” Sabi ko naman baka sabihin nya suplada ako.
Minsan nakakapagod din pala mag hanap ng mga angel. Paano ba naman kasi isa lang ang makikita mo sa loob ng isng buwan at bukod dun hindi lahat madali malinlang. Kung hindi ko lang sana sinayang ang buhay ko nung mga panahaon na nabubuhay pa ako siguro kahit paano masaya ako ngayon, Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Nang makarating ako sa lupa hindi ko na alam kung saan na ako napadpad. Lakad ditto at lakad doon, inshort wala ka’ng patutunguhan. Sa haba ng nilakad ko hindi ko namalayan na nakarating nap ala ako sa isang garden at umagaw sa aking atensyon ay ang isang babae na natutu7log sa ilalim ng puno. Ang ganda nya pag masdan at ang amo ng muka but she looks familiar hindi ko lang maalala kung saan. Lumipas ang limang oras wala ako’ng ibag ginawa kundi ang pagmasdan sya at habang naka tingin ako sakanya bigla ako napa isip na gusto ko itigil ang pag-sunod sa aming mahal na panginoon dahil wala magbabago habang buhay lang ako susunod sakanya.
“WAahhhh multo”
“Eh anong tawag mo sayo? Angel” Sabi ko naman habang naka ngite sakanya.
“ Nakaka gulat ka naman! Kanina ka pa ba dyan?” Tanong nya
“Medyo, nakaktuwa ka naman kasi pagmasdan habang natutulog.”
“Anong nakakatuwa sa akin?”
“Ang ganda mo kasi pagmasdan habang natutulog”
“Sino kaba at anong ginagawa mo ditto?”
“Ako nga pala si Glenn.”
“Ako nga pala si Magie nice to meet you.”
“Ang haba ng tulog mo ah” Sabi ko dahil natutuwa talaga ako sakanya.
“Bakit kanina ka paba talaga dyan?”
“Oo nga! Limang oras din ako ditto nakatayo habang nakatitig sayo.”
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na titigan mi ako ng limang oras?”
“Wala naman gusto ko lang. Maari nab a maki upo sa tabi mo nangangalay na kasi ako.?”
“Ay, sorry . Sige maupo kana pero wag ka tatabi sa akin huh!”
“Ok, No problem.”
Gabi na ng magising ako. Ang ganda siguro namain tignan kasi sakto sa amin ang liwanag ng buwan kaya lang sino ba makakakita sa amin? Eh kaluluwa na kami. Kapwa ko mga angel at demonyo lang makakakita sa amin.
Hulaan ko kung bakit ka nandito sa lupa?
Bakit? Kasi para linlangin ang mga gaya mo’ng angel? Ganyan ba talaga ang mga tingin nyo sa aming mga sugo?
Bakit ? Meron pa ba’ng ibang dahilan?
Kung sasaihin ko sayo na gusto ko na magbago at tumigil na sa ganitong Gawain maniniwala ka ba?
Wow, ang galling ah.. 1 point. Hindi ako maniniwala sayo noh! Lalong hindi rin ako papaya na ialay mo ang kaluluwa ko sa inyong panginoon.
Hindi kita pipilitin kung ayw mi maniwala. Dahil ang gaya kong sugo ay imposibleng magbago agad ng layunin ng ng dahil lang sa isang angel na gaya mo.
Oo tama ka! Dahil talagang imposible ang sinasabi mo.
Maari ban a kalimutan nalang muna natin kung sino tayo at ang layunin natin para maka pag usap tayo ng maayos at walang bahid ng pagdududa.
Ok! Pero promise me na wag na wag mo akong hahalikan!
Oo promise hindi talaga kita hahalikan.
Glenn maari ba magtanong?
Sige, ano bay un?
Bakit ka namatay, I mean paano ka namatay?
Hanggang ngayon hindi ko parin sya makalimutan . Hindi dahil sa mahal ko pa sya, kundi dahil sa kanya nagawa ko kitilin ang sarili ko’ng buhay at alam ko na kahit kalian hindi ako mapatawad ng mahal na ama sa laki ng kasalanan ko.
Nagkakamali ka mahal tayo ng mahal na ama at kaya nya tayo patawarin gaano man kalaki ang kasalanan mo basta manalig lang tayo sakanya.
Nguni’t paano tignan mo nga ang nangyari sa akin sa porgatoryo napadpad ang kaluluwa ko.
Dapat kasi pagsisihan mo muna ang mga nagawa mo’ng kasalanan at humingi ka ng tawd sa mahal na ama pagkatapos nun magsimula ka muli na sakanya lang nananalig.
Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula magie?. Nang malaman ko na niloloko lang pala ako n g long time girlfriend ko. Hindi ako nagdalawang isip na magpaka matay.
FLASHBACK
Tin paano mo naman nasabi na may mahal ka ng iba? Diba bago lang naman kayo? Mahal mo parin naman ako diba kasi mas matagal ang naging relasyon natin kesa sa inyo. Tin mahal na mahal kita wag mo gawin sa akin to!
“Im sorry glenn pero 5 months na kami ni jayson. Simula ng mawalan ka ng time sa akin nawala narin ang pagmamahal ko sayo. Aaminin ko masyado ako’ng selfish pero glenn hindi ako sanay ng walang oras sakin ang taong mahal ko. Yung mga panahon na wala kang oras para sa akin si jayson ang nagging karamay ko kaya hindi nagtagal nabaling sakanya ang atensyon ko. I’m sorry glenn pero hindi ako ang babae na para sayo. Sana someday mahanap mo yung babae na nararapat sa pagmamahal mo.” Tin
END OF FLASHBACK
Nung araw ding iyon wala akong ibang ginawa kundi ang magpaka lunod sa alak. Alak ang naging sandigan ko. Hanggang sa may nakita akong lubid sa aking dorm at hindi ako nagdalawang isip n mag bigti.
Alam mo ban na ang saya saya mabuhay. Ako nga kung maari ko lag maibalik ang oras mas nanaisin ko pa ang mabuhay.
Ikaw paano ka namatay magie?
May nakalimutan kasi si ate bilhin sa grocery kaya bumalik kami . Kaya lang nung tatawid na si ate hindi nya napansin na may bus na paparating na matulin ang takbo. Buti nalang naitulak ko kaagad si ate ng makita ko sya pero ako naman ang nabundol ng bus at nasagasaan ng truck.
Ang bait mo pala na kapatid.
Syempre mahal na mahal ko ang pamilya ko.
Siguro ang swerte ng ate mo sayo no! Meron syang kapatid na mapagmahal.
“Oo naman” Pagmamalaki ko pa.
Para ko na kasi syang best friend magkasundo kami sa lahat ng bagay. Sayang lang kasi wala ako sa espesyal na okasyon ng aming pamilya.
Bakit ?
Syempe hindi ko na nabutan na ipinganak ni ate Kristina ang first nila ni kuaya jayson na si baby Kristine.
Kristina?
Oh, bakit?
Wag mo sabihin na kapatid mo si Kristina Lichaoco?,
Yes! Sya ang ate ko.
Kaya pala ng Makita kita kanina nasabi ko sa sarile ko you look familiar? Pero hindi ko lang maalala kung saan. Yun pala kapatid mo sya.
Grabe! Hindi ako makapaniwala na ikaw pala yung kinukwento nya sa akin before. Ang saklap lang kasi sa ganitong pagkakataon pa tayo nagkakilala.
Paanong ang saklap?
Wala lang. I mean parang ang weird kasi nakilala ko ang ex ng ate ko sa kabilang buhay.
Malay mo baka tayo talaga ang nakatadhana para sa isat-isa.
Ewan ko sayo! Hay.. inaantok na ako ang tagal din kasi natin nag kwentuhan. Akalain mo 3:30 am na!
Mahiga kana babantayan lang kita habang natutulog ka.
Hmm . . Pwede ba matulog sa balikat mo? Hindi kasi ako sanay ng walang unan. Nangalay na kasi ang kamay ko kanina dahil ginawa ko’ng unan.
Wow, ang choosy mo huh!
Sige na please..
Ok pero kapag ako nabigatan sayo itutulak kita agad. Sabi ko habang natatawa sakanya.
Ay, ang sama mo naman!
Joke lang ikaw naman masyado mo siniryoso. Matulog kana sa balikat ko at babantayan kita.
Habang nakasandal na ako sa balikat ni glenn parang nawala naman ang antok ko at hindi ako makatulog kaagad. Naiisip ko tuloy yung sinabi nya kanina. Pano nga kaya kung kami talaga ang tinadhana para sa isat-isa?. Hindi alam kung paano nawala ang feelings ni ate para sakanya pero ang saya nya naman kausap at feeling ko safe ako pag kasama ko sya. Kung ganito rin lang ka-gwapo at kakisig ang lalaking mamahali ko, hindi ako magdadalawang isip na sagutin sya.
Makalipas ang ilang minute hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng tuluyan kakaisp sakanya.
Ngayon ko palang nakita at nakasama si magie pero pakiramdam ko mahal ko na sya. Mahal na ama sana bigyan nyo ako ng sign na gusto rin ako ni magie O marinig ko man lang sakanya na gusto nya rin ako. Ipinapangako ko mahal na ama handa akong isuko ang aking puso’t kaluluwa mahalin lang ako ni magie.
Pag gising ko si glenn naman ang tulog sa balikat ko. Siguro hindi na nya nakayanan na bantayan ako at natulog narin sya. Alam mo glenn gwapo ka sana kaya lang isa ka sa mga sugo na dapat ko’ng iwasan. Napaka bilis man ng pangyayari pero sa mga sandaling nakasama kita pakiramdam ko mahal na kita at habang hindi pa huli ang lahat kailangan na kita iwasan.
Paalis na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang magising si glenn.
Hindi magie, hindi ako papaya na iwasan mo ako. Narinig ko ang lahat ng sinabi mo maniwala ka man sakin O hindi mahal narin kita magie. Nang makita kita biglang nag bago ang lahat hindi ko akalain na magagawa ko’ng mahalin ang tulad mo.
Glenn nagsasabi ka ban g totoo?
Oo mahal na kita magie sana maniwala ka.
Pero paano kung niloloko mo lang ako?. Ayoko mapunta sa porgatoryo.
Pinapangako ko sayo na hindi ako nagsisinungaling. Pagod na pagod na ako maging sunod sunuran sa aming mahal na panginoon.
Mahal na ama sana gabayan mo po ako sa aking desisyon. Sana hindi ako nagkamali sa landas na aking tatahakin.
Hinalikan ako ni glenn ng buong puso at ramdam ko ang kanyang malalambot na labi at ang kanyang matamis na halik ngunit panandalian lamang ito biglang nagdilim ang aking paningin at unti unti naglaho si glenn. Ito naba ang kahihinatnan ng aking desisyon??
Spoiler alert!
Sa last chapter ng Devil Kiss maaari muli mabuhay sina glenn at magie sa pangalawang pagkakataon ngunit mawawala ang kanilang ala-ala at puso lang makaka-alala.
Thanks for reading my story :-)
Kindly vote and comment.
RedSeol