"Magie" Tawag sa akin ni Jen.
"Bakit?" Tanong ko.
Alam mo naba na ikaw na ang susunod na bababa' sa lupa.?
"Huh ako?" Diba si maxene muna?..
"Wala na sya. Biglang naglaho ang espiritu nya dahil umibig sya sa isang sugo ng demonyo at inialay na sakanilang mahal na panginoon ang kaluluwa ni maxene" -Jen
"Umibig?"
"Paanong umibig kabababa' palang nya kanina?" Nagtatakang tanong ko.
Magie ang maipapayo ko lang sayo kapag bumaba' ka. Wag na wag kang iibig sa isang demonyo dahil higit silang mapanlinlang ng mga angel na tulad natin. Tinutukso nila ang mga angel gamit ang kanilang pang labas na anyo. Sila ay makisig na demonyo at mapang-akit. Sa umpisa ay kakaibiganin ka nila at paiibigin. Sisirain nila ang iyong misyon na mag masid sa mga taong mahal mo nung ikaw ay nabubuhay pa. Hanggang sa makuha nila ang atensyon mo. Kapag nangyari yun wag na wag mo'ng hahalikan ang demonyo'ng nagbibigay motibo sayo dahil kapag hindi wagas ang pag-ibig nya sayo maaring maglaho ang espiritu mo katulad ng kay maxene at kailan man hindi magkakaroon ng katahimikan. Ngunit kung mahal katalaga ng nilalang na iyon ang espiritu nya ang maglalaho at mapupunta sa ating mahal na dambana para linisin ang kasalanan nya at dasalan ng ating mahal na ama dahil nagawa nyang mahalin ang mga katulad nating angel na may malinis na intensyon. Pag nagawa nya yan magiging kaanib na natin sya ngunit kapag hindi alam mo na ang mangyayari sayo.
"Ganon!" Ganoon ba talaga kalakas ang impluwensya nila na makapag linlang ng mga gaya nating angel?
"Oo" Kaya mag-iingat ka magie.
Tama ang narinig nyo isa ako sa mga angel na itinalaga sa lupa para dalawin ang mga taong mahal namin nung kami ay nabubuhay pa. Ginagawa ito ng mahal na ama kada isang buwan para hindi namin ma-miss ang mga taong mahal namin. Ngunit sa isang banda ay may kaakibat itong pagsubok. Ang wag magpa-linlang sa mga sugo ng demonyo.
"Glenn pupunta kaba ngayon sa lupa?" Tanong ni harry.
"Hindi ko pa alam bakit?" Sagot ko
"Wala naman naitanong ko lang" Harry
Ako nga pala si Glenn isa sa mga makikisig na sugo ng demonyo dito sa aming porgatoryo. Ang misyon namin ay paibigin ang mga angel para maging kaanib namin at gawing alipin. Kapag sila ay aming napa-ibig ng aming huwad na pag-ibig maaring maglaho ang kanilang espiritu at hindi na matatahimik ngunit makalipas ang ilang taon bigla itong babalik bilang aming alipin O pagkain at lakas ng aming panginoon. Sa aming mga sugo walang limitasyon sa pag punta sa lupa. Hindi katulad ng mga angel isa-isa lang makalipas ang isang buwan dahil mailap sila sa amin.
"Ginoo gising na po ang mahal na panginoon at pinapatawag nya po kayo." Sabi ng alipin
'Alipin nasaan ang mahal na panginoon?"
"Naroon po sa kanyang silid ginoo" -Alipin
Kapag alipin ka wala ka'ng pangalan pero kapag tinawag ka na ginoo ibig sabihin isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ng aming mahal na panginoon.
Tok!
Tok!
Tok!
"Maari ka ng pumasok glenn."
"Pinapatawag nyo raw po ako mahal na panginoon." -Ako
"Oo dahil nanghihina na ako kailangan ko ng makakain ng malinis na kaluluwa ng mga angel . Marami na tayong alipin kaya itigil na muna ang pagtatalaga sakanila bilang alipin sa halip ay dalin dito sa aking silid para ialay bilang aking pagkain at lakas.
"Masusunod po mahal na panginoon."Agad akong bumaba sa lupa para makahanap ng angel na iaalay sa aming mahal na panginoon.
"Handa ka naba magie?" Tanong sa akin ng mahal na ama.
"Opo" Handa na po ako mahal na ama.
Ipikit mo ang iyong mga mata at isipin mo na naroon kana sa inyong tahanan.
Ganun nga ang ginawa ko at pag dilat ko narito ako sa aking kwarto ngunit parang naiba na ang ayos. May mga damit pang baby, laruan at kuna. Pag tingin ko sa wall may nakalagay na..
"WELCOME TO OUR FAMILY BABY KRISTINE"
Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok sila Mama, Papa, Ate at kasama rin ang asawa nya'ng si Kuya Jayson.
Na mi-miss ko na talaga sila gusto ko silang makausap kung maari lang sana kaya lang imposible na mangyari yun at hindi ko napigilan ang sarile ko na tawagin si mama.
"Mama" Tawag ko.
"Kristina tinatawag nyo ba ako?" Tanong ni mama habang inaayos ang higaaan.
"Hindi po baka guni-guni mo lang ma" Ate
"Na miss ko tuloy ang kapatid mo. Sayang kung nandito lanag sana sya siguraong masayang-masaya sana tayong lahat." Mama
"Ma, kung nasaan man ngayon si magie alam kong masaya na sya. Naging napaka buti nya'ng kapatid at kung alam ko lang sana na may parating pala na bus hindi sana ako tumawid kaagad." Naiiyak na sabi ni ate kristina.
FLASHBACK
"Ma, may nakalimutan pala akong bilhin sa grocery babalik lang po saglit sa bayan." Ate
Ate sama ako. Naboboring na kasi ako dito sa bahay.
"Sige, Para may taga bitbit ako hehehe" Ate
"Ma, aalis na po kami ni ate." Ako
"Mag-iingat kayo magie at kristina bantayan mo yang kapatid mo huh! Wag kayo basta basta tatawid." Mama
"Opo! Si mama talaga lagi ka'ng binibaby" Ate
"Hayaan mo na na eexcite lang yun sa magiging apo nya kaya ikaw ingatan mo ang pagbubuntis mo. 1 month palang yan at maselan kapa." Ako
"Ikaw talaga parang na experience mo na ang pag-bubuntis maka pag payo ka wagas. Tara na tawid na tayo!" Ate
"Hindi ko narinig na tinatawag na pala ako ni ate pero ng makita ko sya patawid na at may isang paparating na bus na matulin magpatakbo." Ako
Ate!
Ate!
"Ate!" Tawag ko
Pero hindi nya ako narinig. Naging mabilis ang pangyayari. Naitulak ko kaagad si ate at ako naman ang nabundol ng bus at nasagasaan ng truck.
May aksidente...
"Kapitan kayo na po bahala sa nasagasaan na katawan at dadalhin ko na muna itong buntis sa ospital sumunod na lamang kayo." Mang Berting
"Salamat berting. tatawagan ko narin ang mga magulang ng biktima." Kapitan Suarez
"Aksidente" naririnig ko'ng sabi ng mga tao. Nasaan na ang kapatid ko? Kristina
"Iha lakasan mo lang loob mo wag kasusuko dadalhin kita sa ospital." Mang Berting
"Nasan po si magie?" Kristina
"Si kapitan na ang bahala sa kapatid mo." Mang Berting
_HOSPITAL_
"Mrs. Lichaoco mabuti naman at nakarating din kayo. Pina-cremate na namin ang katawan ng anak nyo na si magie dahil malala ang tama ng biktima at hindi na makilala ang kanyag bangkay." Kapitan Suarez
"Ano po ba ang nangyari?" Mrs. Lichaoco
"Base sa mga nakakita sa aksidente patawid na daw si kristina ng may mabilis na bus paparating at agad naman itong nakita ni magie. Kaya tumakbo sya ng mabilis para maitulak ang kapatid nya ng hindi masagasaan ngunit sya naman ang naaksidente. Nabundol ng bus at nasagasaan ng isang truck kaya napuruhan ang katawan ng biktima." Kapitan Suarez
"Maraming salamat kapitan Suarez" Mr. Lichaoco
"Nurse saan ang room ni Kristina Martini?" Mr. Lichaoco
"Room 309 po sir." Nurse
Agad na pumunta ang mag-asawa sa room ni kristina para malaman ang kalagayan ng panganay na anak.
"Pa, im sorry kasalanan ko kung bakit nangyari ito" Kristina
"Sshhhh. Wag mo isipin yun anak. Kailangan tatagan mo ang loob mo wag mo sisihin ang sarili mo." Papa
"Ako ang may kasalanan papa! Kung hindi sana ako tumawid kaagad hindi maaaksidente si magie. Ako dapat ang masasagasaan kung hindi nya ako tinulak.." Humahagulgol na iyak ni magie.
"Excuse po sir. kailangan po turukan ng pampakalma ang pasyente." Nurse
Agad naman tinurukan si kristina para matigil ang pag-iyak. Awang awa ang mag asawa sa sinapit ng kanilang dalawang anak.
"Nurse bakit mo sya tinurukan? Safe ba yan para sa baby namin? Buntis ang asawa ko alam mo ba yun huh!" Jayson
"Sinusunod ko lang po ang utos ni dok. excuse me lang po." Nurse
"Nurse ang apo ko kamusta? Wala bang side effect yan para sa apo ko" Mr. Lichaoco
"Sorry sir. pero hindi ko po alam na buntis ang pasyente. Si dok nalang po ang kausapin nyo tungkol sa bagay na yan papunta na po sya dito may inaasikaso lang." Nurse
Agad naman kinuwelyuhan ni jayson ang lalaking nurse at akmang susuntukin.
"Hindi mo alam na buntis ang pasyente mo hah! Kapag may nangyari masama sa anak ko idedemanda talaga kita." Jayson
Jayson!
Jayson!
"Tama na! Hindi makakabuti sa atin kung magwawala ka! Bitiwan mo na sya." Mr. Lichaoco
Maka survive kayaanganaknikristinenanasasinapupunanpalang? Anghaba ng flashback nimagie.
Kindly Votes And comment po. Thanks for Reading my story.
RedSeol