Chapter 17

1642 Words
HINDI siya makapaniwala nang titigan niya si Valerie na may ngiti sa labi nang ipakilala ito ni Chase sa kanila na girlfriend nito. Kunot noo na nilingon niya si Chase na kanina pa hindi dumadako ang tingin sa kaniya. Kahit na pinapakita niya sa mga ito na harap-harapan siyang naiinis dito. "Kailan pa?" usisa ni Paige. Mahahalata ang curious ng pinsan nila sa dinalang babae ni Chase. Ito ang unang beses na may lakas ng loob nagpakilala sa kanila na karelasyon ng pinsan nila. Dahil halata naman sa set-up nila. Masyadong mahirap para magkaroon ng ka-relasyon at talagang si Chase pa ang bumali nito. "Alam din ba 'to ng mga ate mo?" tanong pa ni Phoenix. Sinamaan naman niya ito ng tingin. Nakikisabat pa kasi. Nagkibit-balikat lang ito at binalik ang tingin sa dalawang mag-jowa. Umikot ang mata niya at binalingan si River. Nagulat siya nang makita kanina pa itong nakatingin sa kaniya. Bigla tuloy siya nahiya. "B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" kinakabahan niyang tanong. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya. Mas lalo siya kinabahan. Medyo nakaka-intimidated kasi 'yong tingin nito sa kaniya. "Nothing." Iling pa nito. Siya naman ang napatitig dito sa mata. Hindi niya ito mabasa. Parang bumalik ito sa dati no'ng hindi pa sila close dalawa. Bumusangot naman siya. Tumaas ang kilay ni River. "Galit ka ba?" mahina niyang tanong dito. Pilit niya inalis ang atensyon sa mga pinsan nila. Hindi niya gusto marinig mga pinag-uusapan nilang lahat lalo't na tungkol ito sa dalawang mag-jowa. She rolled her eyes mentally. Naguguluhan na siya sa kaniyang sarili. Ano ba talaga ang gusto niya mangyari? "I'm not galit," ani River pagkatapos ay umiwas ng tingin sa kaniya. Nawala 'yong inis nararamdaman niya sa sinabi ni River. Hindi niya mapigilan ang ngumiti. He surely does galit. Hindi na niya napigilan ang matawa. Nabalik ni River ang tingin sa kaniya. "What?" "Why you're so conyo?" asar niya rito. Tumawa pa siya ulit pagkatapos ay tinakpan ang bibig nang makitang ang tulis na ng tingin nito sa kaniya. Umiwas pa siya ng tingin dito nang matigil siya nang mapadako ang paningin niya kay Chase na masama na ang tingin sa kaniya. Mag sasalita sana siya nang mawala ang atensyon niya kay Chase dahil sa babaeng katabi nitong hindi inaalis ang kamay sa braso ng pinsan niya. Bwisit na Valerie. HINDI pa sila nakakapagusap ni Chase simula ng araw na iyon. Kada susubukan niya ay nauuwi lang sa wala. Palaging naaalala niya kung paano lumambitin sa braso ni Chase si Valerie na parang isang unggoy. Kasagsagan ng gabi. Nasa labas siya ng bahay nila nakaupo sa maliit na bench habang umiinom ng mainit na gatas. "Ano ginagawa mo d'yan?" Umangat ang paningin niya kay River. Nakasuot ito ng jacket habang nakapasok ang dalawang kamay sa loob ng bulsa nito. "Ah, kuya... what are you doing here?" tanong niya rito. Pagbabalewala niya sa katanungan nito. Umusog naman siya para bigyan ng pwesto si River sa kaniyang tabi. Inaya niya pa ito na uminom ng gatas. Napangiti siya nang kunin ito ni River at uminom pagkatapos ay binalik sa kaniya. Sa sobrang tuwa niya, mas tumabi siya rito at sinandal niya ang kaniyang ulonan sa dibdib nito. Inakbayan naman siya nito. "Hindi ka na naman makatulog?" Pinatitigan niya ang hawak na mug nakapatong sa kaniyang hita habang pinapakiramdaman ang init nito sa kaniyang mga kamay. "Uh uh, iniisip ko si Chase," saad niya. Naramdaman niya humigpit ang kapit ni River sa kaniyang braso pagkatapos ay marahan ito hinimas. Mas lalo naman siya sumiksik dito. Ang bango kasi nito. Sobrang natutuwa siya. "Hindi ka pa rin niya kinakausap?" Umiling siya. Nalungkot na naman siya. Namimiss na niya ito. Nasanay siya na ito lagi ang kasama simula bata pa sila. "Na-busy siguro kay Valerie," may pag uuyam niyang saad. "But anyways, let's not talk about them. Since, you're here naman, kuya. Let's talk about you. I want to know you dali!" Umalis siya sa pagkakasandal dito pagkatapos ay pinihit niya ang katawan para makaharap dito. Tinaas niya pa ang isang binti sa inuupuan nila. May ngiti naman sa labi na hinarap siya ni River habang ang braso nito ay naka-spread at inabot ang gilid ng balikat niya. Marahan siyang hinimas ulit nito roon. "Ang cute mo." Pinisil pa nito ilong niya. Bumusangot siya. "Kuya naman— Dali na," saad niya nang nabura na ang busangot niya sa mukha at napalitan na ito ng ngiti. "What do you want to know, hm?" Napaisip siya habang tinititigan ang nag tu-twinkle nitong brown na mata. "May pagkakulot ka pala, ano?" Hinawakan niya ang malaking wavy ng buhok nito. Medyo ginulo niya pa ito. "Daya niyo. Kami lang ata nina kuya Finn at ate Paris hindi kulot." Natigilan si River. Bumitaw siya sa buhok nito pagkatapos ay naiilang na tinitigan ang pinsan. Bigla kasi ito nag-iba ng tingin sa kaniya tapos hindi niya pa masabayan ito titigan. "M-may problema ba, kuya?" Umayos ng upo si River pagkatapos ay umiling. "Gene, mag movie marathon tayo bukas. Yayain mo na rin 'yong iba natin pinsan." "School days talaga, kuya." "Why? You don't want it? You can ask Chase to go. Makakapagusap na kayo." Umiling siya pagkatapos ay humigop sa gatas na hawak niya. Medyo hindi na ito mainit. "Nando'n ka ba bukas? Kung oo, papayag ako," saad niya. Sinalubong niya rin ang tingin nito. "O-of course." Ngumiti siya. "Then, it's a movie night." UMUSOG siya ng upo sa sofa habang mas kinumot ang makapal na blanket sa kaniyang tuhod. Katulad ng sinabi ni River ay natupad ang movie night nila kasama ang kanilang mga pinsan. Napili nila 'yong film na bones and all. Mukha kasing maganda at marami nag-re-recommend sa internet. Katabi niya sa kaliwa ang ate Nina niya. Nag-share sila nito ng blanket. Medyo wala siyang gana manood dahil hindi tinupad ni River ang sinabi nitong pagpunta. Kasama lang niya ngayon ang dalawang kambal, si Callie at si Nina. Hindi niya alam kung nasaan 'yong iba maliban sa sinabi nilang busy ang mga ito. Well, siguro totoo naman dahil school days at busy ang mga matatanda nilang pinsan sa trabaho. Ngumuwi pagmumukha niya sa kanilang pinanood. Nakakasuka. "Tanginang 'yan!" sigaw ni Tyler no'ng nasa unahang scene sila ng matanda. "Gene, 'di naman 'to romance," komento pa ni Tyler. Kahit siya ay nagulat din. Hindi niya inaakala na may kainan ng tao nangyayari sa film. Nakakasuka. "Manahimik ka na lang, Tyler. Ikaw lang nandidiri, oh?!" komento ni Nina. Lumingon siya rito. Halatang nandidiri naman. "Ate, sure ka ba?" mahina niyang tanong. Pinatahimik siya ni Nina pagkatapos ay binalik ang tingin sa screen. Nagtataka naman siyang tinitigan ito. "Oo, nakakadiri pero nand'yan mamaya si Timothee kaya it's bearable na." Medyo natawa siya. Lumingon sa kanila sina Callie at Paige. Naiiling na siya para sa kanila. "Don't tell me hindi mo hinihintay si Timothee?" tanong pa ni Nina. Ngumiti siya. Sasagot na sana siya nang biglang umingay. 'Yong madilim na paligid kanina biglang lumiwanag. Nagulat siya nang makita si Chase kasama si Gray. Nilapag ni Chase ang dalawang box ng pizzas sa kanilang harapan. Si Gray naman ay binaba sa gilid ang binili nitong soft drinks. "Walang alak, cous?" tanong ni Finn. Nahampas naman ito ni Paige sa braso. Natatawa na inakbayan ito ni Finn. Nawala ang atensyon niya sa kambal nang tumabi si Chase sa kaniya. Bigla tuloy siya napaurong sa gilid ni Nina. "'Wag niyo nga ako idamay sa tampuhan niyong dalawa." Nanlalaki ang mata na nilingon niya si Nina. Tumayo ito pagkatapos ay kumuha ng pizza bago bumalik sa dating pwesto. Hindi siya makapaniwala sa walang preno nitong bibig. Nakakaloka. "Harper." She froze. Tinawag siya nito sa pangalawa niyang pangalan. Hindi ba ito galit sa kaniya? Sandali. Dapat siya ang magalit, hindi ba? Hindi nito sinabi sa kaniya ang naging girlfriend nitong si Valerie. Inis na nilingon niya ito. "Hm?" Mas lalo lumapit si Chase sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit umuusog siya palayo rito. Napansin ito ng binata kung kaya tumigil ito. May lungkot na umiwas ito ng tingin sa kaniya. Sa pangalawang pagkakataon natigilan siya. Sa kasanayan na ginagawa niya. Inabot niya ang braso nito. "Harper," he called again. Hindi na siya umiwas dito. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay pero nang maalala na may girlfriend ito ay binitawan niya ito pero hindi nagpabitaw si Chase. "Don't," he said. Bumuntong hininga siya at hinayaan ito. Namatay ang ilaw sa silid at bumalik sila sa panonood. Parehas lang silang dalawa ni Chase tahimik habang hawak nila ang kamay ng isa't isa. Ilang minuto ang lumipas hanggang naging kalahating oras na magkahawak pa rin ang kanilang kamay na walang sinasabi sa bawat isa. Buong akala niya ay magiging gano'n na lang ang mangyayari nang ilapit ni Chase ang bibig sa tainga niya. "I missed you, Harper." Pinatitigan niya ito sa mata. Tanging liwanag lang nagbibigay sa kanila ay ang ilaw sa malaking television sa kanilang harapan. "C-chase," kinakapusan niyang tawag sa pangalan dito. Humigpit naman ang kapit ni Chase sa kaniya. Bigla niya naalala si Valerie pati 'yong araw na hindi siya binalikan ni Chase. Umiwas siya ng tingin dito. "Bakit hindi ka bumalik?" mahina niyang tanong pero sigurado siyang narinig siya nito. "I... I ca—" Nilingon niya ito nang hindi ito makapagsalita. Hinintay niya ito ituloy ang sasabihin nang magulat siya dahil may nagtakip sa kaniyang mata. Nabitawan niya tuloy ang kamay ni Chase at hinawakan ang kamay nakatakip sa kaniyang mata. Bigla siya kinabahan. Naamoy niya ang familiar nitong pabango. "Kuya..." Inalis niya ang kamay nito at nilingon ito. Lumawak ang ngiti niya nang makita ang mukha nito. "River!" sigaw niya sa pangalan nito at agad itong dinaluhan ng yakap. Sinalo naman siya agad ni River. Binuhat pa siya nito habang mabining tumatawa sa kaniyang tainga. "Tangina naman talaga, kuya!" Rinig niyang sigaw ni Tyler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD