MAHIGPIT niyang niyakap si River. Ramdam niya ang paglutang ng kaniyang dalawang paa nang makaalis siya sa sofa.
Nakiliti siya nang isubsob ni River ang mukha sa kaniyang leeg. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alintana ang ibang tao sa paligid maliban na lang sa lalaking na hawak siya sa bisig nito.
"Get a f*****g room," ani Finn.
Do'n naman siya natigilan. Bigla niya naalala si Chase na kanina lamang ay hawak ang kaniyang kamay.
Agad siyang bumaba sa yakap ni River.
Ngunit, gano'n na lamang ang kaniyang dismaya nang makita ang likuran ni Chase paakyat sa taas.
Dahil nasa ground floor sila. Ang play room o studio type na silid sa loob ng mansyon ng kanilang lolo Leonardo.
Gusto niya sundan si Chase but she hesitated. Naghahalo ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya ito maintindihan.
Natatakot siyang sundan ito dahil ibig sabihin no'n ay kailangan niya iwan si River. Pero kung hindi naman niya susundan si Chase. Paniguradong magtatampo na talaga iyon sa kaniya.
Bumuntong hininga siya ng malalim. She doesn't know what to do. Sa sobrang gulo niya parang gusto na niya umiyak.
"Go ahead."
Lumingon siya kay River. Nakangiti ito sa kaniya pero hindi umabot ang ngiti nito sa mata.
Susundin niya ba ang sinasabi nito?
"Come on, Gene. Go talk to him."
"B-but," she hesitated again. She bit her lip.
Inabot ni River ang kamay niya pagkatapos ay nilapit nito ang mukha sa kaniyang tainga. Natigilan siya sa kaniyang narinig.
"And after that. God knows, I will make sure you will stay by my side. No matter what."
SINUNDAN niya si Chase. Hindi niya maatim na mas lalo pa ito mag tampo sa kaniya.
Nang makaakyat siya. Buong akala niya ay umalis na ito pero nagulat siya nang makita naghihintay ito sa kaniya sa gilid ng hagdan.
Nakapasok ang kamay nito sa bulsa habang nakayuko. Para bang malalim ang iniisip nito.
"Chase," tawag niya rito.
Lumingon ito agad sa kaniya. Nang iabot niya ang kamay dito ay kinuha ni Chase ito agad.
Marahan siya nito hinila palayo kung nasaan sila. Sa madilim na pasilyo ay naglakad silang dalawa ni Chase. Sobrang bilis ng puso niya habang tinatahak nilang dalawa ang daan.
"Let's talk, Chase," saad niya rito nang hindi ito tumitigil sa paglakad. Saan ba siya nito dadalhin?
Lumingon si Chase sa kaniya. Napahinto siya sa paglalakad pagkatapos ay hindi niya inasahan ang sunod nitong ginawa.
Sinandal siya nito sa dingding habang ang kanan na braso nito ay nakatukod sa gilid ng mukha niya at ang kaliwa nitong kamay ay hapit na hapit ang kaniyang baywang.
She moaned when Chase kissed her. Bigla siya bumigay sa halik nito. Ang bawat hagod ng malambot nitong labi sa kaniya. Bigla siya hindi nakapag-isip ng maayos.
"I'm sorry, Gene," he whispered.
Para siyang nasabuyan ng yelo sa sinabing pangalan ni Chase sa kaniya.
"C-chase?"
"I'm sorry I didn't tell you. Yes, Val is now my girlfriend."
Humigpit ang kapit niya sa laylayan ng damit nito. Hindi niya alam kung nasasaktan ba siya sa kaniyang naririnig o naiinis.
"Do... do you like her?"
Umiwas ito ng tingin sa kaniya. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang labi.
"She likes me," sagot ni Chase habang sobrang lapit ng labi nila sa isa't isa. Mas humigpit ang kapit niya sa laylayan nito.
"You didn't answer my question, Chase. Do you like her?"
"Does it matter? She likes me and I need her," may lamig na sagot ni Chase. Bumitaw din ito sa pagkakahawak sa kaniya.
Bigla nawala 'yong lapit nila sa isa't isa. Napaayos tuloy siya ng tayo at ng buhok.
"Then, congrats to the both of you."
Pinatitigan siya ni Chase pero agad din ito umiwas. Aalis na sana siya nang hawakan ni Chase ang kamay niya para pigilan siya nito.
"That day... I'm sorry for not coming back. Val needed me."
"O-okay," alanganin niyang sagot dito. May gusto rin siyang itanong dito kung no'ng araw ba na iyon ay may nakakita sa kanila.
At obvious ata ang pagmumukha niya dahil nagsalita si Chase.
"No one sees us that day. 'Wag ka na mag-alala. Everything is fine." Binigyan siya nito ng ngiti bago ginulo ang kaniyang buhok ni Chase.
Tumango siya pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit. "I hope you'll be happy," bulong niya rito. Naramdaman naman niya ang halik nito sa kaniyang bunbunan.
"Ikaw, din, Harper."
FOR the nth times. Malalim na buntong hininga na naman ang kaniyang pinakawalan. One-week na ang nakalipas nang matapos ang gabing iyon.
Naging maayos naman ang lahat. Bumalik sila sa dati ni Chase. Ang pagiging mag bestfriend nilang dalawa. Simula bata pa sila ay gano'n naman na talaga ang turingan nila sa isa't isa. Nagbago lang iyon no'ng malaman nila ang sekreto ng pamilya.
Ngunit, sa isang linggo rin na iyon. Mas lalo siya nagtaka sa mga pinsan niya. Kapag magkakasama kasi silang lahat ay mas tumatahimik ang mga ito.
Palagi rin parang may pinag-uusapan na importante ang mga lalaki niyang pinsan maliban kay Chase.
Tapos mas pinagtataka niya rin pa kapag madalas niya mahuli nag uusap ang mga ito kasama ang ate Zara nila.
Binalik niya tuloy ang tingin sa mga pinsan nilang babae. Busy ang mga ito magkwentuhan sa isang tabi. Hindi niya alam kung nakakahalata na rin ang mga ito pero sa ngayon nakikita niya parang walang pakealam ang apat niya pang pinsan na babae sa napapansin niya.
"Penny for your thoughts?"
Nilingon niya si River nang mag tanong ito sa kaniya. Umiling siya rito pero tumabi naman ito sa kaniyang gilid. Umayos siya ng upo sa sofa.
Nasa living room silang lahat. Nakabukas ang television sa kanilang harapan pero walang nanonood dahil busy ang mga ito sa bawat pinagkakaabalahan nila na hindi niya mawari kung ano.
Mas niyakap niya ang unan nasa kandungan niya pagkatapos ay binalingan si River nasa kaniya na ang tingin kanina pa.
"Ang haba na pala ng buhok mo, kuya."
Hinawakan naman ni River ang dulo ng mahaba niyang buhok. "What do you prefer? Long or short?"
Napaisip naman siya. Pinatitigan niya ito pagkatapos ay ginulo at marahan na hinila. "I like this version of your hair," saad niya. Bumaba pa ang tingin niya sa mata nito na ngayon may madilim ng tingin sa kaniya.
Bigla niya tuloy nabitawan ang buhok nito at napaayos siya ng upo. Inabot naman ni River ang kamay niya at pinagsalikop ito. Napangiti siya. Namiss niya ang init ng kamay nito sa kaniyang kamay.
"Do you like me holding you like this, Gene?"
Nakangiti na tumango siya.
Hindi niya inaakala na magiging close sila nito dahil no'ng una ay medyo natatakot siya sa presensiya nito. Hindi niya inaasahan na sobrang sweet pala nito. Ibang-iba sa mga sinasabi sa kaniya ng mga pinsan niya.
Minsan hindi tuloy siya pinaniniwalaan ng mga ito kapag nakukwento niya kung paano pakikitungo ni River sa kaniya.
"I like you holding me like this, River."
"River," pag-uulit nito sa kaniyang sinabi. Mas ngumiti naman siya pagkatapos ay tumango.
"Ayaw mo ba, kuya?"
Umiling ito. "I like it," he said before planted a kiss on her temple.
"By the way, may problema ba? Napansin ko lang kasi na madalas kayo seryoso mag-usap ng mga boys." Finally, nasabi niya rin 'yong matagal na niyang kuryusidad sa mga nangyayari.
Marahan na pinisil ni River ang kaniyang kamay. Napunta tuloy do'n 'yong kaniyang atensyon.
"You're really a curious cat, hm?" bulong nito sa kaniya. Kinagat pa nito ang tainga niya. Nakiliti tuloy siya. Bwisit.
"S-stop it," pigil niya rito. Bigla kasi nito hinalikan tainga niya pababa sa kaniyang leeg. Humigpit tuloy ang kapit niya sa kamay nito. Napatingin pa siya sa mga pinsan nila.
Shit talaga.
"Don't be like this in front of them, R-river."
"God, I love hearing you say my name, Gene."
"Hindi na kita tatawagin na kuya basta tumigil ka lang."
She heard him chuckled then kissed her cheek. "I love my bunny so much," bulong pa nito sa kaniya na sobrang nagpabilis ng t***k ng kaniyang puso.
Hindi niya napansin nawala na ang atensyon niya sa kanina niya tinatanong dito at ngayon pinagmamasdan na niya ang mukha nito na may malokong ngisi.
Umayos si River nang upo pero hindi nito binitawan ang kaniyang kamay. Naging gano'n silang dalawa nang magulat silang lahat dahil bigla na lang may pumasok na lalaki sa loob ng clubhouse sa subdivision nila.
Titingnan niya sana ito nang mabilis na tumayo si Finn at hinila ang lalaki palabas ng clubhouse pagkatapos ay sinundan pa ito ni Paige.
Naguguluhan naman sila. Magtatanong sana siya nang mawala ang atensyon niya rito nang hawakan ni River ang kaniyang pisngi para mapatingin siya rito.
"Who's that?" Nina asked.
Nabaling ang atensyon niya rito. Bumitaw rin siya sa pagkakahawak sa kamay ni River. Tumayo siya at nilapitan ang pinsan niyang mga babae na sina Nina, Callie at Paris.
Naguguluhan na pinagmasdan niya ang mga ito. Katulad niya, halatang nagugulahan din sina Nina at Callie. Dumako naman ang tingin niya kay Paris. Hindi niya mabasa ang facial expression nito. Mukha itong kalmado.
"How come he knows where we are?" tanong pa ni Nina. Sa mga ganitong panahon nagpapasalamat siya kay Nina kapag iniiral nito ang mapatanong na ugali.
"Sky, sino 'yon?" Callie asked rin. "Tyler?" tanong pa nito.
Pinanood niya ang mga ito naguguluhan. Bigla siya dumako kay River. Tinanong niya ito kanina kung anong mayro'n sa mga pinsan nila pero hindi siya nito sinagot. Bagkus, nilipat nito ang kaniyang atensyon sa kaniyang tanong.
"Kilala niyo ba 'yon?" nagawa na rin niya magtanong.
Bumuntong hininga si Gray. Tinataas pa nito ang dalawang kamay na para bang nag-si-stretching. "Pass ako. I hate dramas," Gray said.
Kumunot ang noo niya at binalingan ang kapatid na si Phoenix. Drama? What drama?
"This is nothing," mahinahon na saad ni Wesley. Nagawa pa nitong ngumiti sa kanilang lahat pagkatapos ay marahan na tinapik si Nina at inakbayan si Callie.
"We'll ask them later, okay?" dugtong pa nito. Dumako ang paningin niya sa ate Zara nila. Nakatingin ito kay Wesley pero hindi niya mawari kung ano pinapahiwatig nito.
Ano nga ba talaga ang nangyayari? May tinatago ba sila sa kanila? Natanong na lang niya sa kaniyang sarili