THE GAY CEO CHAPTER 34 FAYE POV. “James, okay ka lang? Bakit may pasa ka sa pisngi mo?” alala kong tanong sa aking asawa nang makita ko siya. Kauuwi niya lang dito sa bahay namin at hinintay ko talaga ang kanyang pag-uwi. Nagulat ako nang makita kung ano ang nangyari sa kanyang mukha. May pasa rin akong nakita sa gilid ng kanyang labi. Umiwas siya ng tingin sa akin at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ako sa kanya. “Sino ang sumuntok sa ‘yo, James? Si daddy Jerome ba? Gamutin ko muna ‘yan," sabi ko sa kanya habang nakasunod mula sa kanyang likuran. Humarap sa akin si James at hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “I’m fine, misis,” nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Naglakad na papunta sa ma

