THE GAY CEO CHAPTER 35 FAYE POV “Sabihin niyo lang kung ano ang totoo, okay? Tapos kapag may tanong sila na hindi na related sa problema, ‘wag niyo na lang sagutin.” Sabi ni April habang nakatingin sa amin ni James. Tumango ako at ngumiti. “Thank you, April,” sabi ko sa kanya. Ngumiti siya pabalik. “Good luck, brother. You can do it,” sabi ni Juctril sa kapatid at tinapik ang balikat nito. Kita sa mukha ni James ang kaba pero tahimik lang ito. He’s not vocal on what he’s feeling right now. “Ano ba ‘yan! Mas kinabahan tuloy ako sa pag goodluck mo sa akin, kuya,” nakasimangot na sabi ni James. Natawa naman kaming tatlo. “Sir James, mag ready na po kayo mag start na po tayo,” sabi ng isang staff. Napahawak ako sa kamay ni James at tinignan siya at nginitian. “We can do it,” ako.

