THE GAY CEO CHAPTER 36 FAYE POV. Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin ni James. Hindi pa rin ako mapakali sa pagtawag ni Paul sa akin. Bakit niya ako gustong makausap? Ano ang gusto niyang sabihin sa akin? Magkikita kami mamayang ala una sa tanghali at hindi ko ito sinabi kay James. Baka hindi niya ako payagan sa pakikipag kita ko ngayon kay Paul. Alam ko naman na galit si James kay Paul kaya hindi ko na lang sinabi sa kanya at nilihim ko na lang ito. Gusto kong makausap si Paul at linawin ang lahat. “Lia, bantayan mo si Caleb, ha? Aalis ako mamaya kaya walang magbabantay sa baby ko.” Sabi ko sa nanny ni Caleb. Tumango ito at ipinagpatuloy ang pinapagawa ko sa kanya. Pagkatapos kong makapagluto ay nagising din si James na karga karga ang anak naming gising na ri

