CHAPTER 7 CHARLOTTE’S POINT OF VIEW. "Grabe naman yung pangitain mo, Charlotte. Buti na lang napigilan mo sa pag alis si Prinsipe Capsian kundi nako."sabi ni Rita habang sinusuklayan ang buhok ko. Pagkatapos naming bumisita kahapon sa Palasyo ay umuwi din kami agad. Hindi na din kami nakabalita kung anong nangyari sa Locosia. Kung napatay ba ng mga kawal ang mga Niranian na nagsunog sa bayad ng Locosia. Buti na lang konti lang ang nadamay na sibilyan dun. Wala ngayon si Lola Rosalinda kasi pumunta siya sa bayan dahil may pupuntahan daw siyang importante. Wala din si Eva, hindi siya pwede dumalaw ngayon kasi may importante din daw itong gagawin. Ano kayang ginagawa ngayon ni Caspian? Galit pa rin kaya siya sa akin? Ginawa ko lang naman ang nararapat eh. At isa pa hindi siya pwedeng

