4: Hatred

2120 Words
Mia: Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko pa nang kaunti ang buhok na nakatabing sa pisngi ko. "Act normal Mia" iyon na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Tinignan kong muli ang kabuoan ko. Napangiti ako nang mapagtantong ang ganda ng suot ko kaya naman nawala ang agam agam sa isipan ko. This is for Dad. I'm only doing this for Dad. Pumikit ako at hinawakan ang door knob ng kwarto ko. Humugot ako ng malalim na hininga atsaka iyon binuksan. Rinig ko na agad ang usapan nila. Nagtatawanan, nagkakamustahan at mas rinig don ang dalawang malalaking boses na batid ko ay galing kina Dad at Senator Montehermoso. Nagdadalawang isip pa akong bumaba pero kalaunan ay hinakbang ko na rin ang mga paa ko pababa sa hagdan. Bawat hakbang ay nakakakaba. Alam kong lalantad nanaman sakin ang mata ng mga magkakapatid. Matagumpay akong nakababa. "Oh she's here, Iha seat down" ani ni Dad at agad naman akong umupo sa tabi niya. "It's been a while since you last visited us, so we decided to visit your place Mr. Valmorida" ani ni Senator. "Yes, I have been busy lately and so is my daughter. She's been very busy in school." Tumaas naman ang kilay ng Senator. "Is that so?" tumikhim siya. "What did you take iha?" "Biology, sir" tumango tango naman ito. "Do you have any plans on taking medicine?" "I will think about it, sir," bahagya naman itong natawa. "HA HA HA HA you should take medicine iha, pwede ang Biology bilang pre med course," hindi naman na ako kumibo at tumuloy sa pagkain. "Nakatutuwa naman at may soon-to- be doctor ka na, Mr. Valmorida," ngumiti naman ang aking ama. "Ikaw naman Senator ay may isang Businessman at isang soon-to-be lawyer, nakatutuwang tignan," bahagyang natawa ang Senator. "Hindi ko nga sana gusto na kumuha itong si Thadeo ng law dahil baka isipin nilang kinuha niya ito dahil kasama ako sa pulitiko." "Hindi naman siguro, sa tingin ko ay iyan din ang kanyang gusto?" bumaling si dad sa lalaki. "Yes, sir," walang gana niyang sagot. "Siya, sige kumain lang kayo nang kumain," anyaya pa ni dad. Tahimik kaming kumakain nang bigla ay bumahing ang Senator kaya naman aksidente kong nalaglag ang tinidor ko. "Excuse me," bulong nito at tinapik naman ni dad ang kanyang balikat. Yumuko ako para kunin ang tinidor ngunit malayo iyon. Sinubukan kong humanap ng paraan para makuha iyon nang magulat ako sa aking nakikita! Nakapatong ang kamay ni Benjamin sa hita ng nakababatang kapatid! Bigla ay nauntog ko ang sarili sa ilalim ng lamesa. "Ah!" singhal ko. "Iha! What happened?" tanong ni Dad. "Ah wala po nauntog lang ako," iyon na lang ang nasabi ko. Nakita ko pang napatawa ang lalaking kinaiinisan ko. Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Tumayo ako at bumaling sa nakatatanda. "I'm sorry, Dad, Senator, I don't feel so good, can I please excuse myself?" tumango na lamang sila at umalis ako sa hapag na iyon. Dumiretso ako sa likod ng bahay para magpalamig. Gusto kong mawala sa sistema ko ang nakitang pangyayari kanina. Hindi ko mapigilang mapaisip. Pero napakaimposible naman na there's something going on between those two and to think that Riley is probably still not at age. Napailing na lang ako. "Lost your appetite?" nahimigan ko agad ang boses na yon at tumambad sa harap ko si Thadeo. "Just go back inside, gusto ko mapagisa." Umupo siya sa may pasamano. "I think you left something when you ran away nung nakaraan," tinignan ko siya sa may gilid nang lumapit siya at iabot sa akin ang nakalahad sa kamay niya. Lumaki ang mata ko nang makita ang panyo ko! Isa iyong laced handkerchief na nakalagay ang initials ko "M.M," ani niya. Agad kong hinablot ang panyo. I was disappointed with myself. Sa lahat ng mawawala sa isip ko ay ang panyong bigay pa ni mommy. Tumalikod ako at niyakap iyon. Suminghot singhot ako. Parang.. parang may kakaiba. Hindi ito ang amoy ng panyo na ito. "What the f**k is wrong with you?" napamaang siya. "Did.. did you wash this?!" "Tsh, what do you mean?" inamoy ko iyon ulit at hindi nga ito ang amoy ng panyong iyon! "Bakit mo 'to nilabhan?! Who told you na pwede kang mangialam ng gamit ng ibang tao?!" "What the f**k?? Excuse me, Ms. Valmorida pero hindi ako nangingialam ng gamit ng may gamit. Pasalamat ka pa nga at kinuha ko yan," turo niya pa sa panyo ko. "Get out.." "Look, mamatay man ako sa kinatatayuan ko pero hindi ko yan pinakielaman!" pagdedepensa niya. "Get out!" napalakas ang sigaw ko. "Ang babaw mo! Why would I even waste my time to wash that? E mukha nga yan basahan!" "Bawiin mo ang sinabi mo," marahas akong humarap sa kanya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" "Iha!" natauhan ako sa sigaw ni Dad. "What is happening here?" Lumapit siya sa akin. "Senator, I am sorry but please leave. Ayaw kong makita ang anak niyo" nakayuko kong sabi at dire diretsong naglakad lampas sa kanila at umakyat sa kwarto. I am starting to hate you more and more Thadeo. Letse ka! Kilala ko ang sarili ko at mapagpasensya akong tao pero marinig ko lang na mainsulto si mommy ay nagiiba ako. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapapikit. .... Kinabukasan ay late akong nagising. Hindi ko naman na iyon alintana dahil hapon pa naman ang simula ng class at laboratory lang iyon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mugtong mugto ang mga mata ko. Napabuntong hininga ako. Inayos ko ang sarili at bumaba para kumain ng lunch. "Miss, good morning," yumuko si Yeonsu sa akin. "Good morning, Mr. Lee," bati ko pabalik at umupo sa dining area. "Ineng.. tinanghali ka ngayon ah," napalingon ako at lumawak ang ngiti. "Manang Cora.." yinakap ko siya. "Manang.. ang tagal niyong nawala, pakiramdam ko tuloy ay mag isa ako dito," nakanguso kong sabi at tinapik niya naman ako sa likod. "Ikaw naman na bata ka, nawala lang ako saglit ay di ka na kumakain ng hapunan." Napangiti ako. "Miss ko na nga po ang luto niyo Manang," sabay tingin sa kanya. Totoong matagal na nawala si Manang at ang paalam niya ay dahil iyon sa anak niyang may sakit. Naintindihan naman iyon ni daddy kaya sa mga panahon na wala si Manang ay mga professional cook ang pumupunta dito para magluto. Tipong pupunta sila dito bago ang breakfast, lunch at dinner para iprepare ang meal namin. Masasarap nga ang luto nila pero walang papantay sa sarap ng luto ni Manang. Umupo ako sa bar ng kitchen at doon tinanaw si Manang. Nakatutuwang makita siya ulit dahil sa mga nagdaan na taon, siya ang nagsilbing nanay ko na inaalagaan ako at binantayan. "What's for lunch, Manang?" Nakangiti kong sambit habang nakapatong ang braso sa lamesa ng bar at kumukuyakoy ang paa. "Mukhang gutom ang alaga ko, siya sige hintayin mo at ihahain ko sa iyo," pumunta siya sa stove at amoy na amoy ko ang bango ng pagkain na nakasalang. "Ano yan Manang?" "Sinigang" S-sinigang?!?! "Parang tunog hindi masarap Manang," nakangiwi ako habang nakatitig sa plato at mangkok na nilagay niya sa harap ko. "Ngayon lang kita nalutuan nito dahil alan kong mapili ka sa pagkain pero gusto kong tikman mo ito sa tagal kong nagtatrabaho dito ay hindi ko man lang sa iyo napatikim." Binaling ko ang tingin sa pagkain na iyon. Parang natrauma ako noon pinakain din ito sa akin ni Zed. Kumuha ako ng spoonful ng sabaw atsaka iyon hinigop. Hindi katulad ng dati ay ninamnam ko iyon. Maasim... Masarap... Ayun lang ang namutawi sa isipan ko. Humigop ulit ako ng isa, dalawa, tatlo! "Masarap nga manang, ang totoo ay natikman ko na rin ito pero napasobra ata ang kaartehan ko kaya hindi ko nagawang namnamin," tumawa nang bahagya si Manang. "Siya, sige kumain ka lang jan at aayusin ko lang mga gamit ko na nakaimpake," tinanguan ko lamang siya at nagpatuloy sa pagkain. Natapos akong kumain at doon ko lang naramdaman ang busog. Umakyat na ako para mag ayos dahil papasok na ako sa school. Niready ko rin ang mga gamit ko atsaka sumakay sa sasakyan. *Ting!* Biglang umilaw ang cellphone ko. Zed: Bar tayo? Kailan ka free? Napangiti ako at tumipa sa cellphone. : See you, saturday night, love you Sinend ko agad iyon. Di nagtagal ay nasa school na kami. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa loob. Nagdiscuss muna ang prof about sa laboratory at kung anong mga gagawin at nakinig naman kaming lahat. "Please follow the procedures and do not forget to answer the questions okay?" "Yes, ma'am." Maayos ang naging laboratory work namin at nagkaroon pa nga ng kanya kanyang narrative report. Halos 4 hours din kami sa loob kaya naman ang dami kong nadiscover at natutunan. Nilagay ko ang laboratory coat ko sa locker. Abala ako sa pag aayos nang biglang may kumalabit sa akin. "Hey, Mackenzie napagisipan mo na ba kung sasali ka?"tinig iyon ng kaklase ko. "I'm still thinking about it. Kailan ba ang application?" "Uhm next week. Pwede mo naman ilista yung details mo tapos pag nagbago isip mo, tatanggalin ko na lang sa list," nakangiti niyang sabi. Wala naman na akong nagwa dahil baka kulitin niya lang ako nang kulitin. Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng mas malawak na ngiti. "Thank you Mackenzie!" iyon lamang ang sinabi niya at umalis. Maaga ako ngayon nakauwi at nakita ko na rin si Mr. Lee sa di kalayuan. Naging ganon lang ang mga nagyari ng mga sumunod na mga araw. Wala akong ibang ginawa kung hindi magpakabusy sa pag aaral. Hindi ko na rin namalayan na Sabado na pala. After class ay tumawag ako kay Zed para sabihin ang exact time na magkikita kami at rinig ko naman sa kanya na naeexcite siya. Pumayag na rin ang Dad nung nagpaalam ako. Sinabihan niya na rin si Mr. Lee na sunduin ako bago mag 12 midgnight. Pagkauwing pagkauwi ay nakasalubong ko si Dad at si Manang. Naka upo si Dad sa dining table at naghahain naman si Manang. "Dad, I'm home," "Iha, how's school?" tanong niya. "Everything is fine, uhm Dad I forgot to mention na nag apply ako for committee ng student council namin," tumango siya. "That's good anak kailangan mo rin yan for your merit. Take a seat nakahanda na ang dinner." "Yes, Dad," iyon na lamang ang nasabi ko at umupo. Lumapit naman si Manang at inihain ang masasarap na ulam. Kaldereta! Nakita ko kaagad ang paborito kong pagkain. "Ineng, naglalaway ka sa katakaman ah," bumungisngis si Manang. "Oo naman po ano, ito kaya ang paborito kong luto niyo," Nagkatuwaan pa kami habang nasa hapag. Nang matapos kumain ay napasandal ako sa upuan. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang busog. Ito ang na-miss ko Umakyat na ako para mag ayos. Naligo ako saglit atsaka ako humarap sa salamin para lagyan ng kakaunting kolorete ang mukha ko. Bahgya pang tumabingi ang ulo ko habang napapaisip kung ano ang magandang suotin. Sa huli, ang sinuot ko ay isang fitted top at denim skirt. Pinatungan ko ang sarili ng denim jacket dahil malamig sa labas. Nakasampay naman ang sling bag ko sa kanan kong balikat at mas lalo akong nagmukhang matangkad dahil sa suot kong takong. Mas mataas ito kumpara sa nakasanayan kong suotin pero wala naman masamang sumubok at gusto kong magmukhang maganda sa bar na iyon. Nagtext sa akin si Zed at sabi niya ay nandoon na siya kaya wala na akong sinayang na oras at naglakad palabas ng bahay. "Mr. Lee, tara na po," tumango naman siya at tinahak namin ang daan papunta sa bar. Bermuda Iyon ang pangalan ng bar. Lumabas ako ng kotse at pina harurot naman iyon ni Mr. Lee paalis. Dinial ko ang cellphone at nagring naman iyon. "Hello?!" pasigaw na salita ni Zed. Rinig ko rin ang ingay ng tugtog. "Zed, I'm here" "Okay, nandito na ako sa loob! Omg, Mia! maeenjoy mo talaga dit---" naputol ang linya. Sumunod ako sa pila sa entrance. Pinakita ko ang ID ko at chineck naman ng security ang loob ng bag ko. Pagkapasok ay tinatakan naman ako. Ito raw ay para maverify na nakapasok na sa bar. Madilim sa loob, puno ng iba't ibang kulay ng ilaw at umaalingaw ang lakas ng tugtog. Inilabot ko ang paningin at nakita ko sa isang table si Zed pero may mga kasama siya. Akala ko pa naman ay kaming dalawa lang "Mia! Here!" sigaw ni Zed kaya naman lumapit ako. May kasama siyang dalawang lalaki at isang babae. Ang isang lalaki ay pamilyar sa akin. Nang mas tuluyan akong makalapit ay ganon na lang ang gulat ko. Red...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD