Mia:
"Mia, look bagong release ng Chenel," tuwang tuwa na turo ni Zenaida sa purse na nakadisplay. Tumango tango lang ako habang nakatingin sa mga ito.
"Tsk, Mia naman ngayon na lang ulit tayo nagdate pero parang wala ka sa huwisyo, are you okay?" nag aalalang tanong niya. Lumingon ako sa kanya at ngumiti lamang.
"Yeah, I'm okay. Medyo busy lang talaga sa school."
"It's almost lunch time, gusto mo ba kumain? I know a place here!" ani ni Zed at hinila naman ako sa kung saan man ang restaurant na yun.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasta ko ngayon. Masyadong naokupa ng pamilya Montehermoso ang isipan ko. Hindi ko na nga namalayan na nasa tapat na kami ng restaurant na tinutukoy niya.
"Good after ma'am, magpapareserve po ba sila?" ani ng staff.
"Uh yes please gano katagal ang waiting time?"
"Around 30 minutes ma'am, medyo puno po kasi ang mga tables namin..."
Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila at naupo sa labas ng restaurant. May mga upuan kasing nakalaan para sa mga naghihintay ng bakanteng table.
Ipinasak ko na lamang ang earphones sa tainga ko.
Now Playing: Claire de Lune- Claude Debussy
Pumikit muna ako saglit habang naghihintay. Ramdam ko naman na tumabi sa akin si Zenaida. Hindi na ako nag abalang makinig pa sa kanya dahil masyado akong nalulunod sa tugtog na pinapakinggan ko.
Ninanamnam ko ang bawat nota na napapakinggan. Nakakagaan ng loob ang kanta. Muli ko nanaman naalala si Mommy. Kung paanong lahat ng mapakinggan ko ay siya ang naaalala ko. Pinigilan kong umiyak dahil ayaw kong mapansin iyon ni Zed.
"Mia," kinalabit ako ni Zed. "Mia, let's go natawag na tayo. Alam kong gutom ka na," minulat ko ang mata ko st tumamabad sa akin ang mukha ni Zed. Tumango ako at tatayo na sana nang makita ko ang pamilyar na mukha.
Si Rylie!
Akmang tatawagin ko na siya at kakawayan pero biglang sumulpot ang nakatatanda nitong kapatid na si Benjamin.
Hindi ako nagdalawang isip na tumalikod at sumunod na lang sa pagpasok sa restaurant.
"Kuha ka na ng gusto mong food, Mia. Ang daming pagpipilian!" galak na galak na sabi ni Zed habang pumapalakpak pa.
Doon ko lang napagtanto na nasa isang buffet restaurant pala kami.
'Takaw talaga nito lahit kailan' pailing iling ako at tumango na lang sa kanya.
Ang dami nga talagang pagpipilian na pagkain. Halo halo ang mga cuisine na makikita. May, Chinese, Korean, Japanese, European at Filipino dishes na nakahanda.
Kumuha ako ng mga pasta. Tinawag naman ni Zed ang waiter para iserve samin ang inorder niyang sinigang.
"A-ang dami naman niyan Zed, kaya mo ubusin yan?" tanong ko habang nakaturo sa mga kinuha niyang pagkain.
Ngumuso naman siya at nilagay sa lutuan ang mga seafood na kinuha niya. May hipon, squid, crab meat na nakakatakam tignan.
"Ano ka ba? Minsan lang natin 'to gawin kahit alam kong mahina kang kumain gusto ko maexperience mo once in a lifetime ang kumain ng ganito kadami!" natutuwang ani niya at pinagbaliktad ang mga iniihaw na seafood.
Napailing na lang ako at pangiti ngiti.
"I really needed this, grabe mga pinapagawa sa amin you know how many pending plates I have? 5!" Napanguso nanaman siya at sinubo ang isang squid.
"Ma'am here is your sinigang along with the vegetables and prawns," ani ng waiter at inilapag ang umuusok na sabaw sa tabi ng table.
"Thank you," baling ni Zed sa waiter at tumingin ulit sa akin.
"Mia, try this sinigang alam kong hindi ka kumakain nito pero promise napakasarap!"
Wala naman na akong magawa kaya sumubo ako ng sabaw nito at ganon na lang ang ngiwi ko.
"Oh bakit?! Mia?!" nag aalalang tugon ni Zed.
"Pwe!! Ang asim!" nilabas ko pa ang dila ko para ipakita ang pandidiri.
"Ang arte mo ha! Masarap yan di ka lang sanay!"
"E bakit kasi napaka asim naman niyan?!"
"Hello?? Sinigang kaya nga siya tinawag na sinigang. Hay nako Mia, masanay ka na nga sa mga ganitong putahe."
Inismiran ko lang siya at kinain ko ang kinuha kong pasta.
Isang oras din ang tinagal namin sa restaurant at naisipan na namin tumayo.
"Do you want to go somewhere pa, Mia?"
"Can we go to the bookstore?"
"Alright, pero ibalik ko lang to sa sasakyan okay lang? Nakakangawit kasi na may mga bitbit."
"Uuna na ako sa bookstore, sumunod ka na lang ha?" tumango naman siya at naglakad na ako patungo sa bookstore.
Wala masyadong tao sa store na yun kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
Iginaya ko ang hintuturo ko sa mga librong iyon para bang naghahanap ng mapipiling mabasa. Kumuha ako ng isang libro at tinignan at title non. Binasa ko ang nasa likod atsaka ko binuklat. Pinagflip ko ang bawat pahina nito at inamoy ang mabangong amoy ng papel.
Nakakarelax ang amoy nito kaya naman nagawa ko pang pumikit.
"You're weird, you know that?"
Napadilat ako sa narinig na boses na pamilyar sa akin.
Oh it's this guy
"Why are you here?" tanong niya pa.
"Why do you care? Wala ba akong karapatan na pumunta dito?" sarkastiko kong tugon.
Halata ang inis sa kanya pero alam kong pinipigilan niya. "Wala, dahil pag aari ko 'to."
Ngumisi siya nang makita ang pagkagulat ko.
"Ano pa nga bang ineexpect ko sa isang Montehermoso?" Bahagya kong pinagkrus ang mga braso ko habang nakahawak sa libro ang isang kamay. "'Wag mo akong pakielamanan sa kung ano ang ginagawa ko dito, kesehodang pagmamay ari mo ito, karapatan kong pumunta kung saan ko gusto," yun lamang ang sinabi ko at nagpatiuna sa counter.
"I'll be taking this, thank you."
"That would be 450 pesos, ma'am. Would you like to pay in card or cash?"
Binuklat ko ang wallet at kumuha ng cash doon. Nagmamadali ako hindi lang dahil sa inis sa lalaking iyon, kundi sa katotohanan na kapag nandiyan siya, ay posible rin na nandito ang kanyang mga kapatid.
"I received 500," sabay abot niya sa akin ng sukli.
"Thank you," yun na lang ang nasabi ko at dagliang umalis sa store na iyon.
Prente akong naglalakad, tumitingin tingin sa kaliwa't kanan, tinitignan kung naandito ba sila.
Zenaida:
Shit nakalimutan kong naghihintay si Mia!
Nagkasalubong kasi kami ng isang kakilala ko dito rin sa Mall at hindi ko namalayan na napahaba na pala ang usapan namin!
Tinext ko na lamang siya para magsorry at hinintay ko naman ang reply niya pero walang sagot.
Mas lalo pang nagpatagal dahil hindi pa ako nakakapunta ng parking lot nang magkausap kami. Nagmamadali akong pumunta ng parking lot at kinuha ang susi ng kotse. Pinatunog ko iyon upang makita kung nasaan iyon. "Beverly" ani ko sa sasakyan ko. Cute ng name ano?
"Beverly, take care of my make ups and bags ha balikan ko lang si tita Mia mo," umakto pa akong humalik dito at bumalik sa loob ng mall.
Halos patakbo na akong pumunta sa bookstore.
Hapong hapo ako nang makarating doon. Pinakiramdaman ko pa ang pulso ko bago pumasok sa loob.
Mia nasan ka na?
Chineck ko muli ang phone ko para tignan kung nagreply siya, pero wala.
Tinignan ko ang bawat shelf doon. Tsk! Kung bakit kasi napakachismosa ko!! Akala ko ba ay nandito siya? Saan naman kaya nagsuot yun.
Nagtanong tanong ako sa loob para alamin kung nakita ba nila si Mia. Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. May natanaw naman akong lalaki sa may bandang dulo ng mga shelf.
"Excuse me, magtatanong lang sana, may.. may nakita ka bang babae na pumasok dito? Mahaba yung buhok, may pagkabrown, naka tube at jumper siya?"
Lumingon siya sa akin at nakita kong may ibinulsa. Agad akong napatingin sa hawak niyang libro.
S-smuts?!?
Tumingin ako muli sa kanya. "Ahh haha.. mukhang hindi mo nakita, salamat," saka ako tumalikod dito.
Agad kong kinuha ang phone at tinawagan ulit si Mia.
"Hello?!" sumagot na siya!
"Nasan ka?!? Bat hindi ka man lang nagsasabi?! Nag aalala ako oh!"
Mia:
Napapikit ako sa lakas ng boses ni Zed.
"Nandito ako sa cafè"
"Ano?! Tapos hindi ka nagsasab--"
"I'm sorry, okay? May hindi lang magandang nangyari. Hindi ako aalis dito, hihintayin kita," tsaka ko binaba ang call.
Humalikipkip ako at tinanaw ang mga tao sa labas.
"Señorita Mia? Fancy meeting you here," nagulat ako sa boses na iyon at yun na lamang ang gulat ko nang makita si Benjamin sa harap ko! Nasa likod niya naman si Rylie.
Talagang mapaglaro ang tadhana. Kahit anong iwas ko sa pamilyang ito, ay magkikita at magkikita kami
Tumango ako at tinanaw si Rylie. "I'm just here to enjoy myself, like a date. Ah yes, sabihin na nating dinedate ko ang sarili ko" peke akong ngumiti.
"I see, well me and my little sister here we're also having our own date'" ani nito at bumaling sa kapatid. Hindi naman sumagot si Rylie.
"Okay, then have fun," sabi ko na lang at iniwasan silang tignan.
"Ry, let's go home?" tanong ni Benjamin.
Hindi agad sumagot si Rylie. Tinignan ko siya at para bang gusto niyang humindi sa tanong na yun ni Benjamin.
Gusto kong basahin ang pinapakitang pahiwatig ni Rylie pero hindi ko yun maintindihan. Nakikita kong humigpit ang kapit niya sa sariling bestida.
"Let's go, baka hinahanap ka na ni Papà," medyo mahinang sabi ni Benjamin para bang nakabulong pero narinig ko iyon. Wala naman nang nagawa si Rylie at nagpatianod sa kanyang kuya.
Ano kaya ang gusto iparating ni Rylie? Bakit parang natatakot siya?
Bumuntong hininga ako.
"Mia! Gosh di mo naman kasi sinabi kung saang cafe ka!" si Zed.
"Sorry Zed, wala talaga sa ayos ang isip ko ngayon."
"Tsk, it's okay baka stress ka lang talaga din sa school. Do you want to go home? Hatid na kita."
Ngumiti ako at tumango.
Hinatid nga ako ni Zed tulad ng sabi niya. Nagkamustahan naman sila ni Dad bago siya nagpaalam na umuwi.
Umakyat ako sa kwarto at inayos ang gamit ko. May pasok ako kaya naman kailangan kong maagang magising.
Nagshower lang ako saglit at nagsuot ng magkapares na pantulog ang top ay sandong spaghetti strap at ang pangibaba ay shorts.
Nawala sa isip ko na may special quiz kami bukas sa isang course kaya naman nagreview lang ako nang konti bago maisipang matulog.
...
Nagising ako nang maaga para makapagjogging sa labas ng subdivision at pagkatapos non ay dumiretso ako sa school.
First period namin ang adviser namin isang buwan pa lamang ang school year pero kailangan na raw namin pumili ng pwedeng pasukan na club. Napabuntong hininga ako dahil wala talaga akong balak na pumasok sa kahit na anong org o club.
"Mackenzie may napili ka na?" tanong ng isa kong kablock mate.
"Wala pa e."
"If interesado ka..." inabot niya ang isang brochure. "Baka gusto mong sumali sa student government? Medyo busy na kasi ang mga 4th years ngayon at papalitan na rin sila kaya need nila ng mga panibagong members and committee. Actually nag apply ako bago pa magpasukan and isa na akong member ng committe. Pwede kitang irefer kung gusto mo." Nakangiting aniya.
Ngumiti ako at tumango "Salamat, pagiisipan ko," ayun lang ang sinabi ko at nagpatuloy naman ang flow ng klase.
Maaga ang dismissal ngayon kaya naman tinawag ko na agad si Mr. Lee para sunduin ako.
.......
Nagpatuloy ang ganitong set up. Papasok sa school, uuwi, magaaral, gigising nang maaga, magjojogging at papasok ulit.
Hindi ko na rin namalayan na halos dalawang linggo na palang ganito ang ginagawa ko. Masaya para sa alin iyon dahil mapayapa at wala ako masyadong iniisip. Nawala na nga rin sa isipan ko ang nangyari sa bahay ng mga Montehermoso.
Muli kong naalala ang engkwentro ko sa kanila noong nakaraang nakaraang linggo.
Bigla kong naalala ang librong nakuha ko sa nookstore! Naalala kong SPG pala iyon!
Agad kong kinuha ang paperbag kung saan naglalaman iyon ng libro na nabili ko.
Shit!
Cover pa lang ay alam mo nang puro kabastusan ang laman non! Napasapo ako sa aking noo. Nakita niya kaya? Malamang Mia! Siya ang naiwan doon at paniguradong nakita niya nga!
"Mia anak, get ready, mag ayos ka, magbihis ka, the Motehermoso's are here," nanlaki agad ang mata ko.
"What?! Dad! Bakit hindi niyo sinabi?!" angil ko.
"Iha, maaga pa lang ay sinabi ko na sa'yo. Saan ba naglalayag ang isip mo?" hindi na ako agad nakasagot at padabog na pumasok sa banyo.