Apat✟:

1380 Words
K-KAMUSTA KA? "M-magandang gabi, Annie." Pagbati ko sa kanya at nautal pa ang pagsasalita ko. "K-kamusta ka?" Agad na tanong ko sa kanya. Kitang kita ko ang kanyang mukha sa tulong ng ilaw galing sa lamp shade ko. Maitim na ang ilalim ng kanyang mga mata. Maitim na rin ang kanyang labi. Magulo na ang buhok at ang iba dito ay nakatakip na sa kanyang mukha. Nakababa ang tingin niya. Nasa lamesa. "Kakatapos ko lang basahin yung huling libro sa library." Sagot niya sa akin. "Binasa ko lahat." Dagdag pa nito. Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at ang kanyang mukha ay nagbago. Nabahiran ng lungkot. Ako naman ay todo-lunok sa sarili kong laway dahil kinakabahan ako. Kahit lagi ko na siyang nakakausap at nakikita dahil sa kakayahan ko ay hindi pa rin ako mapalagay sa presensya niya. "Umalis na tayo dito, Miss Belle." Sabi niya sa akin at napatingin sa akin. Gusto ko man umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang mapupula na parang apoy ay tinapangan ko na lang at iniisip ko na normal lang ito para sa mga katulad niyang namayapang may galit sa puso. "Saan naman tayo pupunta?" Balik tanong ko. Kinakalma ko ang sarili. "Kahit saan." Mahinang sagot niya. Muling namayani ang katahimikan at muli na naman siyang nagsalita. "Kung makakaalis lang ako sa lugar na ito." Sambit nito muli. "B-bakit naman hindi?" Lakas loob na tanong ko ulit. "G-ganoon ba yung mga nangyayari sa mga....." Saglit kong pinutol ang itatanong ko dahil alanganin ako kung idudugtong ko pa pero bahala na. ".....kagaya mo?" Pagtatapos ko sa tanong ko. "Ewan." Baliwalang sagot niya at bumaba na naman ang kanyang tingin. Muling umangat ang kanyang tingin. Nakipagtitigan sa akin at ramdam ko ang lamig na bumalot sa buong katawan ko dahil doon. "Sasama ka ba?" Sa tanong niyang iyon ay hindi ako nakasagot. Ano bang ipinapahiwatig niya sa tanong niyang iyon? Para kasing may iba pang kahulugan ang sinasabi niyang iyon pero hindi ko matukoy kung ano mismo. At isa pa ang pagkamatay niya, kahit ilang beses ko siyang tanungin kung nagpakamatay nga ba talaga siya o may pumatay sa kanya pero nawawala na lang siya bigla noon. Itatanong ko na naman ba iyon? Namayani muli ang katahimikan dahil hindi ko talaga alam ang isasagot o itatanong ko. Nakatitig lamang siya sa akin. Marahil inaantay ang magiging sagot ko sa tanong niya. "Annie...." Banggit ko sa pangalan niya na sinabayan ko ng pag lunok ng laway ko. May naisip na akong itanong sa kanya kaya inipon ko ang tapang ko para magsalita muli. "....anong nangyari kay Selena?" Pag iiba ko ng usapan dahil iba ang nararamdaman ko sa tanong niya kanina. May mali. Napaiwas siya ng tingin sa tanong ko. "N-nakita ka ba niya?" Tanong ko pa. Namatay si Selena dahil sa pagkakasakal sa leeg nito. Sino naman ang gagawa non? May bakas ng kamay sa leeg si Selena ayon sa narinig ko mula sa imbestigador. Posible kayang si Annie ang may gawa non? Pero hindi eh, may mali. Ramdam kong may hindi tama. "Hindi ko sinasadya na takutin siya, pasensya na." Sagot nito sa akin. "Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit lahat sila ay natatakot na sa akin ngayon." Sabi niya at muli na namang nag angat ng tingin at tumitig sa akin. "Bakit ikaw hindi?" Tanong niyang muli. Napalunok ulit ako. Parang may bumara sa lalamunan ko na kung ano at hindi ako makapagsalita. "May dapat ba akong matakot sa kagaya mo?" Tanong ko sa kanya at muli akong napalunok ng aking laway. Umiling siya. "Ang tatay ko...." Kuway sabi niya. "....hindi rin siya natatakot." Dagdag niya pa at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. "Nakikita ko pa rin siya hanggang ngayon." May takot sa mga mata niya ng bigkasin niya iyon. Yumuko ulit siya at nabaling ang tingin sa kanan. Sa may kaliwa ko dahil magkaharap kami. "Dyan sa kaliwa mo." Paagkasabi niyang iyon ay para akong binuhusan ng timba ng tubig na punong puno ng yelo. Nanlaki ang mga mata ko at naglumikot pakaliwa. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapagsalita. D-dahan dahan kong n-nilingon ang nasa kaliwa ko habang siya ay patuloy sa pagsasalita. "Nakatingin siya sa akin." Dagdag niya pa. Nanginginig ako. Labis ang kaba na nararamdaman ko. "Sa atin." Dagdag niya muli at malapit ko nang makita ng tuluyan ang sinasabi niya. "S-saan?" Tanong ko sa kanya ng makalingon na ako sa kaliwa. Isang mahabang drawer na lalagyanan ng folder lamang ang nakikita ko. Inantay ko siyang sumagot pero.... *Blllaaggg!! Napasinghap at napapitlag ako dahil doon kaya bumalik ang tingin ko sa upuan. Wala na siya. Pero ang tunog na iyon ay tunog ng marahas na pagsarado ng pinto. Buong tapang akong tumayo sa kinauupuan ko at sumunod palabas. Tahimik akong lumabas at luminga sa kaliwa. Wala siya doon dahil storage room iyon. Nang mapalingon ako sa kanan ay.... ....nandoon na siya. Kitang kita ko ang likod niya. Naglalakad papunta sa may hagdanan pero maya maya pa ay nawala siya ulit. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko buong tapang na lumakad ng mabagal. Tahimik lang akong naglakad sa pasilyong papunta sa may hagdanan. Nasa gilid lamang ako habang nakaaalalay ang isa kong kamay sa pader. Paulit-ulit ang paghingang pinapakawalan ko. Palinga-linga ako sa paligid dahil baka magpakita siya ulit. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating na ako sa may hagdanan. Agad na naaninag ng peripheral vision ko na may umakyat kaya tumingala ako doon at umakyat din. Mabagal lang akong umakyat hanggang sa mapansin ko kung saan patungo itong tinatahak ko. Sa banyo sa may third floor. Nang makaakyat na ako at makaharap na sa pinto ng banyo dito sa may third floor ay alangan ang pagpasok ko. Makikita ko rin ba ang nakita noon ni Selena? Mamamatay rin ba ako? Pero nagpatalo ako sa kuryosidad ko kaya marahas ang ginawa kong pagtulak sa pinto gamit ang isang kamay lang dahilan para gumawa ito ng pagkalakas lakas na ingay. Tumambad sa akin ang dalawang sink. Dalawang salamin. At ang daan sa gitna patungo sa walong na cubicle sa magkabilang gilid. Tahimik akong pumasok doon at maingat hanggang sa marating ko ang tapat ng isang sink. At nang makarating ako sa gitna ay nakarinig ako ng umiiyak kaya bigla na naman akong kinabahan. Sunod sunod na paglunok ng sarili kong laway ang ginawa ko bago buong tapang na hinanap kung saan galing ang ingay na iyon. Habang mabagal na naglalakad ay parang alam ko na kung saan nanggagaling ang iyak na iyon. Sa cubicle sa may dulo. Nandoon siya. Mabagal akong naglakad papunta sa pinakadulo. Lahat ng cubicle sarado maliban sa may pinakadulo kung saan nanggagaling ang iyak. Dahan dahan lang ang paglakad ko at habang lumalapit ako ay ang lumalakas ng lumalakas ang t***k ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang enerhiya mula dito. Nang makarating ako sa tapat non ay tama ang hinala ko. Nandoon siya. Patuloy sa paghikbi habang nakatalikod sa gawi ko. Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko at labis na kaba na naman ang nararamdaman ko. "A-annie?" Pagtawag ko sa kanya. Matapang kong nilakad ang natitirang espasyo sa pagitan namin. Sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Halos hindi na nga ako makapagsalita. Hindi niya ako sinagot at nanatiling umiiyak habang nakatalikod sa gawi ko. "A-annie." Pagtawag kong muli sa kanya at sobrang lapit na ng pagitan namin. Nanginginig na itinaas ko ang kanang kamay para hawakan siya sa kanang balikat niya. Isa sa mga tanong ko ang masasagot na noon pa. Kaya ko kaya siyang hawakan? Lakas loob kong dinikit ang aking kamay sa kanyang balikat. Kumpara kanina, kitang kita ko sa gawi ko na sobrang gulo ng buhok niya kahit na nakatalikod ito. Nang madikit ang kamay ko sa buhok niya ay nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako dahil.... .....nalagas ang buhok niya at nadala iyon ng mga kamay ko. Sunod sunod ang ginawa kong paghinga habang nakatingin lang sa kamay kong may hawak na inamag na buhok. Nang mapatingin ako sa kanya ay lalo akong napaatras sa kinatatayuan ko dahilan para mapasandal ako sa pintuan sa likod ko. S-si A-annie....n-nakatingin n-na s-sa akin habang nakangiti pero....p-pero.... ....baliktad ang k-katawan niya!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD