Tatlo✟:

1240 Words
ALAS DOSE NG GABI Third Person Nang marinig ng mga tao sa loob ng paaralan ang pagtunog ng kampana ay agad na nag ayos ang mga ito at agarang lumabas. Sa paglabas ay ang mga estudyante ay nakapila. May isang babaeng estatwa ang nakatayo sa gitna ng malawak na espasyo sa loob ng paaralan. Sa baba ng estatwa, sa kinatatyuan nitong bato ay may nakaukit na mga salita na nagsasabing "Blessed are those who believe without seeing me." Apat na puno sa apat na sulok ngunit hindi gaano nakadikit sa building, mga ilang metro ang pagitan nito dito. Katabi ng estatwa ay ang watawat ng pilipinas. Tahimik lamang na nilisan ng mga bata ang building kung saan sila nag aaral. Simula nang may mamatay na bata sa paaralan ay tinanggal na pagdodormitoryo sa paaralan. Ngunit may isang estudyanteng naiwan. Nasa office ni Clarisse. Sa kabilang dako naman, sa gilid ng building kung saan dinaraos ang pag aaral ay may makikitang isang chapel. Para na rin itong nasa bandang likod ng school at doon ay nagtitipon ang mga madre na pinapangunahan ni Clarisse. Sa loob ng chapel ay may walong mahahabang upuan, apat sa dakong kanan at apat sa kaliwa. Sa gitna ay may altar kung saan nakalagay ang isang nakatayong imahe ni Hesus. Sa magkabilang gilid non ay may dalawang lamesa na pinapatungan ng maraming mga kandila. Sa kanang bahagi ng chapel ay nandoon ang kumpisalan. Taimtim lamang na nagdarasal ang mga madre habang nakaluhod. Si Clarisse ang nasa gitna, sa kinaroroonan ng altar na nakaluhod habang nagdarasal. Matapos ang ilang sandali ay natapos na ang oras ng pagdarasal. Unang lumabas ng chapel si Clarisse. Sumunod ang mga madreng nakapwesto sa dulong upuan, malapit sa pinto. Kasunod na lumabas ang mga madreng nakapwesto sa kasunod na upuan. Hanggang sa makalabas na lahat. Ang huling lumabas ay si Zabrina. Siya ang maingat na nagsarado ng pinto ng chapel. *** Belle Matriaga "Isang bangkay ng babae ang natagpuang palutang lutang sa ilog pasig. Ayon sa nakakita ay..." Rinig kong balita galing sa radyo. Gabi na pero nandito pa rin ako sa office ko. Nakatayo sa bintana at nakatanaw sa labas. Napabuntong hininga ako bago tinignan ang radyo na patuloy sa pagbabalita. Araw araw na lang may namamatay. Pumunta ako sa kinaroroonan ng radyo. Nakapwesto ito sa ibabaw ng bookshelf ko sa gilid ng teacher's table sa bandang kanan. Katabi ng radyo ay mga frame at iba ko pang kagamitan. Papatayin ko na sana ang radyo ng may mahagip ang mga mata ko sa pinto. May anino nang tao akong nakikita dahil ang pinto ay gawa sa glass pero hindi clear glass na tatagos talaga ang paningin mo sa kabialng dako, isa iyong klase ng salamin sapat na para maaninag kahit anino ng kung sino man ang nasa likod nito. Tahimik akong naglakad papunta sa pinto. Nang makapunta ako sa pinto ay nandoon pa rin ang anino. Sino kaya ito? Bakit may tao pa dito? O tao nga ba? Hindi ko malalaman kung hindi ko bubuksan. Wala naman akong maramdaman. Ni-hindi nga ako kinakabahan. Kaya marahas na binuksan ko ang pinto at... "Mang Tonio." Si Mang Tonio lang pala. Siya ang caretaker dito sa Wanda Academy. Mas matagal na siyang nagtatrabaho dito kesa sa akin. Mabait siya at magalang kahit na siya ang mas matanda. Medyo may katandaan na siya. Mahahaba na ang mga balbas niya sa gilid ng kanyang mukha at pati na rin sa baba. Mahaba na rin ang bigote at namumuti na ang buhok. May mga estudyante ring iwas dito dahil sa mukha daw itong nagdodroga dahil nga lubog na ang mga mata. Nakasuot siya ngayon ng checkerd na long sleeve na sa tingin ko ay luma na tinernuhan ng sando na panloob at maong. "Magandang gabi, miss Matriaga." Pagbati nito sa akin kaya napangiti ako. "Magandang gabi rin po Mang Tonio." Balik bati ko dito. May iniabot siya sa akin na isang folder na sa tingin ko ay bagay na kanina ko pa hinihintay na galing kay Nana Clarrise. "Magpapagabi na naman kayo ulit?" Tanong nito sa akin matapos maiabot ang folder. "Wala naman pong bago." Sagot ko naman dito. Si Mang Tonio ang saksi na lagi akong nagpapagabi dito sa school at minsan ay dito na rin ako natutulog. "Alam niyo naman pong wala rin akong kasama at ginagawa sa bahay." Dagdag ko pa. May kinukuha siya sa kanyang bulsa sabay sabi ng... "Siguro...ayun po yung dapat niyo nang atupagin. Ang maghanap ng makakasama sa buhay para naman hindi lang puro trabaho inaatupag niyo." Sabi nito at may binigay na naman sa akin. Ang susi sa gate ng Wanda Academy. Halos ganito naman kami tuwing gabi. Dadaan siya sa akin bago siya umuwi dahil nga mas gusto ko talaga mag stay dito kesa sa bahay na ako lang mag isa. "Mang Tonio talaga..." Sabi ko na lang sabay mahinang tawa at iling. Lagi niyang sinasabi sa akin yan. Ang maghanap ng katuwang sa buhay pero hindi pa ako handa dahil nararamdaman kong may misyon pa akong kailangang tapusin. "...alam niyo naman pong hindi pa handa ako sa bagay na yan." Dagdag ko pa. Napangiti siya sa sinabi ko bago iniligay ang kanyang sumbrelo sa ulo. "Oh siya sige na, mauuna ako. Mag iingat ka dito." Pagpapaalam nito. "Sige po, mag iingat din po kayo." Pagpapaalam ko rin dito na sinuklian niya lang ng isang tango bago umalis. Ako naman ay agad na sinarado ang pinto. "Oras na." Sambit ko sa kawalan matapos maisarado ang pinto. Agad akong bumalik sa upuan ko. Ini-ayos ko sa lamesa ang folder na ibinigay sa akin. Sinunod ko ang isang lapis, isang ballpen at ang isang kwintas. Kwintas ni Selena. Matapos kong maiayos ang mga yon ay sinunod ko sa pinakahuli ang tape recorder. Ini-on ko ito. Umayos ako ng upo at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lamesa. Malapit na. Parating na siya. Sa hindi malamang dahilan ay kusang namatay ang radyo ko na nakalimutan kong i-off kanina dahil sa pagdating ni Mang Tonio. Napatingin ako doon at kasabay ng pag tingin ko doon ay nalaglag ang isang ballpen na pinatong ko sa lamesa. P-paano nalaglag iyon gayong sa gitna ng lamesa ko iyon nilagay at vertical ang ayos na nakaharap sa akin? Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Tumingin ako sa ballpen na nalaglag sa ilalim bago ako umatras at lumuhod para kunin iyon. Pero nang lumuhod ako at maabot na ng kamay ko ang ballpen ay bigla akong kinabahan dahil....s-sa k-kabilang side ng t-table..... ....m-may n-nakaupo n-na. N-nandito na siya. Kampante siyang nakaupo kahit isa na lang ang sapatos niya at madumi ang medyas na kitang kita ko. Nabubulok na rin ang kanyang mga paa. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang ballpen. DUGDUG! DUGDUG! Ramdam na ramdam ko ang malakas na pag t***k ng puso ko. Nanginginig ang buong katawan ko habang dahan dahan tumayo para bumalik sa upuan. Nang umangat na ang aking ulo ay tama nga ang hinala ko. Diretso siyang nakaupo at nakatingin sa akin kaya napalunok ako. Muli kong ibinalik ang ballpen sa kung saan ito nakapwesto kanina. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Para akong nakakulong sa isang kwartong punong-puno ng yelo. Kahit ganoon ay tinapangan ko ang sarili ko. Muli akong umupo at tinuwid ang sarili kong katawan at buong tapang na hinarap siya kahit kabadong kabado na ako. Nang makaayos ako ay ako na ang nagsalita. "M-magandang gabi..... .....Annie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD