Namumugto na ang mga mata ni Maricon habang paulit ulit niyang pinanood ang live action na version ng Beauty and the Beast. Hindi pa siya nakontento sa panonood ng cartoon niyon kanina at kahit ang live action na American at French version ay pinatos na niya. Panay tuloy ang iyak niya kapag nasa eksena na siya na kailangan ng pakawalan ng beast si Belle dahil sa sobrang pagmamahal nito. “Dalawang linggo ka nang nakatunganga dito sa kwarto, mabuti na lang malamig dito dahil sa aircon na ipinakabit ni Gabriel kaya komportable ka.” “Pwede ba ate!” sikmat niya sa kapatid matapos nitong banggitin ang pangalan ng taong ilang araw na niyang iniiyakan. “Ano naman ang masama sa sinabi ko?” painosenteng tanong pa nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at hindi na ito pinansin pa. Iti

