“Junie?” gulat na napaatras si Maricon nang makita ang dating boyfriend na nakaupo sa isang bench na malapit sa kinatatayuan niya. Nang makita siya nito ay ngumiti ito at patakbong lumapit sa kaniya. Nalilitong umatras siya nang subukan siya nitong yakapin. “Maricon, galit ka ba?” natitigilang tanong nito sa kaniya. Hindi siya nagsalita at matalim na tiningnan lang ito. Bumisita siya sa mga magulang niya kanina at sakto naman na may nagdeliver ng bulaklak para sa kaniya. May notes na nakaipit sa bulaklak at inakala niya na si Gabriel ang nagpadala niyon. Kilala kasi niya ang penmanship nito kaya hindi siya nagduda noong una nang mabasa sa notes na gusto nito na magkita sila sa parke na malapit lang sa munisipyo ng bayan nila. Naisip niya na baka may sorpresa sa kaniya ang asawa kaya hi

