19

785 Words
Pagod na isinandal ni Gabriel ang likod sa backrest ng swivelchair. Natatapos pa lang niyang ayusin ang naging problema sa shipping company kaya halos maubos ang enerhiya niya sa katawan dahil marami siyang kinausap na kliyente ngayong araw. Balak na sana niyang tumayo at magbilin sa sekretarya niya na uuwi na siya ng maaga -pabalik ng Mondemar-nang marinig niyang mag ingay ang cellphone niya na nasa ibabaw ng working table. Nakakunot ang noo na sinagot niya ang tawag kahit na hindi niya kilala kung sino ang caller. Ang maingay na background ang una bumungad sa kaniya bago niya narinig ang boses ng taong hindi niya inaasahan na maglalakas pa ng loob na kausapin siya. "Kumusta ka na, Mondemar? Mukhang masyado mong ineenjoy ang buhay may asawa mo ngayon, ha? Masaya ka ba? masayang masaya ka ba na nakuha mo na ang gusto mo?" Naikuyom niya ang mga palad. Kung nasa harap lang niya ngayon ang taong kausap niya ay baka nasuntok na niya ito sa mukha. Hindi niya nagugustuhan ang tabas ng dila nito at mas lalong ayaw na niya itong makausap pa kahit kailan. "Malinaw na sa'yo ang usapan natin noon, 'di ba? tinanggap mo ang pera ko at aalis kayo ng buong pamilya mo sa Mondemar." Nang iinsultong humalakhak ito. "Pinilit mo lang akong tanggapin ang pera mo at umalis ng bayan natin dahil alam mong wala na rin akong mapupuntahan pa. Isang beses lang akong nagkamali at iyon ang ginamit mo para makuha mo si Maricon sa akin!" "Tumigil ka na!" bulyaw niya kay Junie sa kabilang linya. Mas lalo pang nag init ang ulo niya ng muli itong humalakhak. Nanggigigil sa galit na hinampas niya ang mga palad sa mesa. Wala siyang makitang mali sa ginawa niya noon. Si Junie ang nagkamali at sinamantala lang niya iyon para mailayo sa isang manlolokong katulad nito si Maricon. Kung nahuli lang siya ng pagkilos noon at hindi nagpaimbestiga ay malamang na nasasaktan ngayon ang asawa niya at hindi na siya magkakaroon pa nang pagkakataon na matulungan ito. "Bakit bumalik ka pa? kailangan mo ng pera? Sa tingin mo magbibigay pa ulit ako?" "Pasensiyahan na lang tayo, Mondemar, pero hindi ang pera mo sa ngayon ang kailangan ko. Ilang buwan akong nanahimik dahil ang buong akala ko ay hindi magiging maganda ang pagsasama ninyo ni Maricon. Ang akala ko pahihirapan ka niya dahil kahit noon pa man ay galit na siya sa'yo. Pero hindi ko na gusto ang mga balitang nakakarating sa akin na maayos daw ang pagsasama ninyo. Hindi ako komportable na kapag nakikita ko si Maricon ay palagi ka na lang nakabuntot sa kaniya at ang saya-saya pa ninyo. Sinira mo ang pagsasama namin at dapat lang na gumanti ako sa ginawa mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo ay masaya na sana kaming dalawa ngayon. Inagaw mo ang kaligayahan ko kaya anong karapatan mong maging masaya?" "Huwag na huwag ka nang tatawag ulit o magpapakita sa amin ng asawa ko dahil sinisiguro ko sa'yo na hinding hindi ka na makakabalik pa ng Mondemar sa oras na gumawa ka ng masama." Mariing banta niya kay Junie. "Huli ka na, magkikita kami ngayon at sasabihin ko sa kaniya kung anong ginawa mo." "Tarantado ka!" malakas na napamura siya at nagsimula nang mataranta nang marinig niya sa kabilang background ang tinig ni Maricon. Nagsikip ang dibdib niya at binalot ng matinding pag aalala ang puso niya. Napasigaw siya sa galit nang patayin ni Junie ang tawag. Ilang beses niyang tinawagan ang number nito pero halatang sinadya nitong patayin ang cellphone para hindi na siya makatawag pa. Kahit si Maricon ay hindi rin sumasagot sa mga tawag niya. Halos mabaliw na siya sa pag aalala sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin ni Junie lalo pa at naramdaman niya sa boses nito kanina ang matinding galit sa kaniya. Tinawagan niya ang private detective na kilala niya para alamin kung ano ang nangyari kay Junie sa loob ng ilang buwan na nawala ito sa bayan nila. Kahit si Seth ay binulabog niya para lang makiusap na palagyan nito ng checkpoint ang mga daan sa Mondemar para lang masiguro na hindi maitatakas ni Junie si Maricon. Tinulungan din siya ng pinsan na ipahanap ang asawa niya. Mahigit kalahating oras pa ang titiisin niya sa pagsakay sa private plane para lang makabalik agad siya sa bayan nila. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nataranta at nakaramdam ng matinding takot na para bang iyon na ang pumipigil sa paghinga niya. Pero wala naman siyang pakialam sa sarili niyang buhay. Kung iyon man ang magiging dahilan ng pagkamatay niya ngayon ay hindi siya magdadalawang isip basta mailigtas lang niya si Maricon sa walang kwentang lalaking iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD