PROLOGUE
Jennifer or Jennie was shocked when a man named Kristan Ty approached her in a mall.
Lubha siyang napatda nang bigla siyang yakapin nito. The man was so emotional like he was meeting the love of his life after a long time of being apart.
Pero mas nanaig ang takot at pagkagulat kaya itinulak niya ang lalaki at malakas itong sinampal.
"Sino ka? Hindi kita kilala! Bakit mo ako niyayakap? Baliw ka ba?" sunod-sunod na asik ni Jennie kay Kristan.
Namilog ang mga mata ni Kristan at hinawakan ang mga kamay ni Jennie kaya napasinghap ito.
"Jen, please don't be like this. You've been gone for three years... And now I've finally found you!"
Halos maiyak sa pinaghalong galak at emosyon si Kristan. Ngunit nanatiling malamig ang tingin ni Jennie sa kaniya. Bakas ang pagkalito at hindi maunawaan ang sinasabi niya.
"Sorry, Mister. Baka po nagkakamali lang kayo. Hindi Jennie ang pangalan ko, kundi Nirhiana. At hindi po ako nawawala kailanman."
Napabitiw si Kristan kay Jennie at maang na tumitig dito. Hindi siya maaaring magkamali. This woman is not another woman... She is Jennifer. His Jennifer!
“Jen, please… I know, I was wrong. Please, you have to listen to me and–”
“Stop!” napapiksi si Jennie nang subukan siyang muling hawakan ng lalaki. “Uulitin ko, hindi ako si Jennie or Jennifer, whatever! Nagkakamali ho kayo.”
Hindi makapaniwala si Kristan sa mga narinig. Parang bumagal ang ikot ng buong paligid habang nakatitig siya sa babaeng nasa harapan niya.
Same eyes. Same lips. Magkapareho rin ang maliit na nunal sa ilalim ng kaliwang mata.
Same subtle vanilla perfume na minsang naging paborito niyang amuyin sa leeg nito tuwing inihahatid niya ito pauwi.
There was no mistake. This was Jennifer.
Pero ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay parang isa lamang siyang estranghero. Walang recognition at walang anumang warmth. Walang kahit katiting na familiarity.
Parang hindi siya ang lalaking minsang pinangakuan nito ng walang hanggang pag-ibig.
“Hindi... impossible,” halos pabulong na sambit ni Kristan habang tila nawawalan ng hangin ang dibdib niya.
Nirhiana o Jennifer, bahagyang umurong ng isang hakbang ang dalaga. Halatang hindi ito komportable napaka-intense niyang titig.
“Sir, okay ka lang ba?” maingat nitong tanong, halatang nag-aalinlangan kung aalis ba o tatawag ng guard. Napakuyom ng kamao si Kristan.
Tatlong taon. Tatlong taon niyang hinanap ang babaeng ito. Tatlong taon na halos walang tulog, endless investigations, private detectives, dead leads, false sightings, and endless heartbreak.
At ngayong nasa harapan na niya ito, she was looking at him like he was nothing. Mas masakit pa iyon kaysa sa pagkawala nito.
“Jen...” muli niyang tawag, mas malambing na sa pagkakatong ito. Halos pakiusap.
Napakurap si Nirhiana at napailing.
“Please stop calling me that,” seryoso nitong sabi. “Hindi ako ang taong hinahanap mo. I swear! Hindi Jennifer ang pangalan ko. Nagkakamali ka lang.”
Tila may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Kristan. Hindi niya matanggap ang nangyayari ngayon. Ayaw niyang tanggapin.
Bago pa siya makapagsalita muli, may isang lalaking mabilis na lumapit at agad pumuwesto sa tabi ni Nirhiana. Matangkad ito at moreno.
Naka-casual polo at expensive watch. Halatang hindi ordinaryong tao. He instinctively wrapped one arm protectively around Nirhiana’s shoulders.
“Is there a problem?” malamig nitong tanong habang matalim na nakatingin kay Kristan.
Lalong nanigas ang buong katawan ni Kristan. Nanlisik ang mga mata niya nang mapatingin sa kamay ng lalaki sa balikat ni Jennifer.
Who the hell was this man?
Nirhiana immediately relaxed nang makita ang lalaki.
“Adrian,” she exhaled, visibly relieved. “This guy suddenly approached me.”
Parang may kumalabit sa sentido ni Kristan. Why is she with another man? She’s mine!
“Sir,” mahinahon ngunit matigas ang boses ng lalaki habang nakatingin kay Kristan, “I suggest you back away from my fiancée.”
Fiancée.
Parang sumabog ang mundo ni Kristan. For a second, literal na wala siyang narinig. His ears rang violently. His chest tightened. Parang may humahawak sa puso niya at unti-unting dinudurog iyon nang pinong-pino.
“What?” mababa ngunit mapanganib niyang tanong. Nirhiana frowned.
“Yes,” diretsahan nitong sagot. “I’m engaged.”
At dahan-dahan nitong itinaas ang kaliwang kamay. A diamond ring gleamed under the mall lights. Pakiramdam ni Kristan, may sumuntok nang diretso sa sikmura niya.
Hindi lang siya nakalimutan ng babaeng mahal niya. She had moved on to another life. Another identity. Another man.
“No way,” he muttered.
Adrian’s jaw tightened. “I think that’s enough.”
Bahagyang hinila ni Adrian si Nirhiana palapit sa kaniya. Wala sa sariling umabante si Kristan.
“Don’t touch her.”
The words came out darker than intended. Mas lalong nagtaas ng depensa si Adrian.
Excitedly naglabasan ang ilang tao sa paligid, nagsisimulang makiusyoso. Phones were slowly being raised.
Great. A public scene. Just what he needed.
“Kristan.”
Biglang may boses na tumawag mula sa likod. Nanigas siya. He knew that voice. Agad siyang lumingon.
At doon niya nakita ang babaeng hindi niya inasahang makikita.
Si Dr. Vivian Suarez.
Ang psychiatrist na dating humawak sa trauma case ni Jennifer matapos itong ideklarang missing. Nakatayo ito ilang metro ang layo, suot ang cream blazer at may ekspresyong hindi mabasa.
Ngunit ang mas ikinagulat niya, she was staring not at him. But at Jennifer. Or Nirhiana. With visible alarm.
Parang may bagay siyang alam. At ayaw niyang malaman iyon ni Kristan. Nanikip ang dibdib niya. Hindi ito coincidence. Not at all.
“Dr. Suarez?” maang niyang sambit.
Nagbago ang ekspresyon ni Vivian sa loob lamang ng isang segundo. Mabilis niyang inayos ang sarili.
“Oh,” aniya, pilit na ngumiti. “Dok Kristan.”
Ngunit sapat na ang isang segundo. One second was enough for a man like Kristan. Enough to notice fear. Enough to smell secrets. Enough to know… this reunion was not accidental.
And everyone here seemed to know something he didn’t. Lalo siyang napatingin kay Jennifer. Still confused, distant and painfully beautiful.
At sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang tatlong taon, naramdaman ni Kristan na baka ang pagkawala ni Jennifer ay hindi simpleng aksidente.
It might be orchestrated. Planned. Determined. And now that he had finally found her, someone was clearly terrified. Because the truth was beginning to surface.
At bago pa siya makapag-react, biglang napahawak si Nirhiana sa sentido. Napangiwi ito.
“Ah–”
Napatigil ang lahat. Bahagyang natumba si Nirhiana ngunit mabilis itong nasalo ni Adrian.
“Ria?”
Napahawak ang babae sa ulo nito habang mabilis ang paghinga. Her pupils dilated. Nanlaki ang mga mata niya. At tila may kung anong sumabog sa isip niya.
Flashes. A hospital light. Blood. A voice. A man crying. A hand covered in red. At isang pangalan na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya.
Kristan.
Napahiyaw siya. At tuluyang nawalan ng malay.
“Jennie!” sabay na sigaw nina Kristan at Vivian.
At doon nagsimula ang mas mapanganib na kabanata ng katotohanang halos gumimbal kay Kristan.
**********
A/N:
Hello guys,
Another part of the Desired Love Series. Kuwento ito ng anak nina Charles at Kristine Ty. Sana po ay magustuhan ni'yo ang love story nina Jennifer at Kristan. Happy reading!