I don’t know how I managed to breathe normally while taking steps out of the restaurant. Kahit na hindi ko detalyadong nakita ang buong reaksyon ni Queenie nang makitang kasama ko si Kuya Ion ay alam kong hindi niya rin inaasahan ang lahat. Wala akong lakas ng loob na magtanong kay Kuya kung ano na ang status nila ni Queenie. O kung nakapag-usap na ba silang dalawa at kung alam na niyang may bagong boyfriend na ito. Wala akong alam at wala akong panahon para intindihin pa ang tungkol doon dahil sa nakalipas na isang buwan ay wala akong ginawa kundi ang mag-isip kung paano unti-unting isasalba ang kumpanya namin sa tuluyang pagbagsak. Pakiramdam ko ay wala akong panahon para isipin at intindihin pa pati ang tungkol sa bagay na ‘yon. Pero dahil may alam ako at aware ako sa kasalukuyang e

