Hindi pa rin ako makapaniwala na dito nakatira ang lalaking ‘yon sa subdivision na ito. “First, we both have a unit in the Young Bucks Society Building. And now, we are living in the same subdivision. So, basically, I am going to see Justin Mijares everywhere while I am here in the Philippines!” hindi na nakapagpigil na bulalas ko habang naglalakad papasok sa bahay. Pagdating ko sa loob ay si Kuya Ion kaagad ang bumungad sa akin. Ilang sandaling napatigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya na naglalakad palapit sa akin. “K-Kuya…” mahinang-mahina na sambit ko. Halos hindi ako kumukurap habang pinapanood siyang nakangiting naglalakad palapit sa akin. He matured quite a bit but his physique was quite the same. Wala pa akong idea sa kung ano ang mga pinagdaanan

