Kumakain kami ng breakfast nang banggitin ni Kuya Ion kina Mommy at Daddy ang gagawing pagdalaw ni Justin dito sa bahay. “When?” mukhang gulat na gulat na usisa ni Mommy at napasulyap pa sa akin pero ipinagpatuloy ko lang ang pagkain at hinayaan na lang si Kuya na magpaliwanag dahil siya naman ang may pakana ng lahat ng ito! “Mamayang gabi po, Mommy. Galing po si Engr. Mijares dito kagabi at… kinausap si Ion…” Si Chantal ang sumagot dahil mukhang ayaw ring magsalita ni Kuya tungkol doon. Mukhang gusto lang talaga niyang ipaalam kina Mommy para mapaghandaan ang pagbisita ni Justin pero wala siyang balak na idetalye kung paano niya napapayag si Justin na pumunta dito! “You talked to him, Ion? Sabagay, nariyan lang ang bahay nila sa malapit…” komento ni Daddy kaya agad na napatigil ako sa

