“Slow down. No one’s taking your food away…” Narinig kong sita ni Justin nang isubo ko na ang huling piraso ng dumplings na binili niya kanina. Nandito pa rin kami sa home theater at kasalukuyang kumakain. Gutom na gutom ako dahil hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa pananermon ni Kuya Ion sa akin. Hindi ko siya pinansin at kumuha naman ngayon ng slice ng pizza at agad na kinagatan iyon. Nakatingin pa rin siya sa akin at mukhang wala namang balak kumain kaya nagtataka ako kung bakit ang dami niyang biniling pagkain. “How did you know that I love these foods?” tanong ko para maiwasan ang pagkailang sa mga titig niya. He took me twice and I don’t think that’s enough for him! Pero kung susubok pa siyang umulit ay hindi na ako papayag dahil panigurado na makukwestyon na naman ako ni

