Buong weekend ay walang naging laman ang isip ko kundi ang panibagong issue na binabato sa akin ng kampo ni Brett. Unlike Dad, Kuya Ion is not letting me back off. Gusto niyang ilaban ko ito hanggang sa dulo kaya paulit-ulit niyang sinusuggest sa akin na kausapin si Justin para pakiusapan ito na maglabas ng official statement tungkol doon. Tutal ay nadadamay naman na daw siya ay dapat na tumulong siya sa paglutas sa isyu na ito. Pero ayaw kong magkaroon na naman ng dahilan para lumapit pa ulit kay Justin. Mahigit isang buwan ko nang pilit na iniiwasan na lumapit sa kanya kaya ayaw kong sayangin ang isang buwan na ‘yon para lumapit na naman at magkaroon na naman ng kaugnayan sa kanya. Gusto kong tapusin ang laban na ito na ako lang mag-isa kaya hindi ko sinunod ang sinabi ni Kuya na luma

