Dahil malapit na malapit lang ang clubhouse dito sa amin ay balak kong bagalan ang paglalakad para makapag handa pa kung paano ko siya kakausapin pero gulat na gulat ako nang paglabas ko sa gate ay nakita ko na si Justin na nakatayo sa harapan ng bahay namin! Sa sobrang pagkabigla ay halos matulala ako sa harapan niya. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot lang ng pambahay at sobrang hot niya pa ring tingnan sa suot lang na black cargo shorts, white shirt with minimal print and a slides! Hindi ko rin naiwasang mapansin ang mga binti niya. Maliwanag na maliwanag ang ilaw sa labas ng gate namin kaya kitang-kita ko ‘yon. Makinis ang mga binti! Mukhang iningatan ng todo ng mga magulang at mukhang hindi basagulero noong nag-aaral kaya walang mga peklat! Ilang sandali pa tuloy bago akong nat

