Pag-uwi ko sa bahay ay agad na tiningnan ko ulit ang schedule ni Justin para bukas. Nakita kong tuwing alas singko ng umaga siya nag jojogging kaya kinuha ko ang phone ko at nag-alarm ng mas maaga para mag-abang sa kanya. Hindi ako pwedeng sumuko dahil lang sinabi niyang hindi niya gagawin ang kahit na anong pabor na hihilingin ko. “This is just the start. Akala mo naman ay susukuan kita!” nanliliit ang mga matang bulalas ko bago tuluyang pumikit at natulog. Hindi ko alam kung pagod na pagod lang talaga ang isipi ko dahil sa kauna-unahang rejection na natanggap ko kay Justin sa nagdaang gabi o sadyang napasarap lang ang tulog ko! Imbes na bago mag-alas singko ay nagising ako bago mag-alas sais na ng umaga! Kaya mabilis na mabilis na inayos ko lang ang sarili at nagbihis ng pang jogging

