“Every time I get jealous…” Kanina pa ako napapatulala at hindi makapag concentrate sa trabaho dahil pabalik-balik sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Justin sa clubhouse. Hindi talaga ako makapaniwala na sobrang dali lang para sa kanya ang sabihin ang kung anong nararamdaman niya. And I hate that his words are able to give me butterflies! Hindi maalis sa isip ko ang mga paninitig niya lalo na ang ginawa niyang pag-aalaga sa akin kanina. Mabilis na tumayo ako at inabot ang remote ng air conditioner. Kahit na nasa normal naman ang lamig dito sa opisina ay init na init pa rin ako. Nag-iinit ang mga pisngi ko sa tuwing maiisip ko si Justin. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa trabaho dahil nasa isip ko na naman kung paano akong makakalapit ulit sa kanya. Ilang sandali lang ay natula

